ISANG ngiti ng tagumpay ang sumilay sa labi ni Giovana nang tumawag sa kaniya si Nicholas ng gabing iyon. Nakakagulat lang dahil hindi na niya inaasahan na papayag ito sa gusto niyang mangyari. Ang tingin niya kasi kay Nicholas ay mahina ang loob at sobrang mahal si Ivana kaya hindi nito kayang saktan ang babaeng iyon. Kaya unexpected na sa wakas ay pumayag na ito. Naku-curious tuloy siya kung ano ang nagpapayag dito. Base sa boses ni Nicholas habang kausap niya ito kanina sa cellphone ay mukhang galit na galit ito. Pasinghot-singhot pa na parang umiiyak.
To be honest, kinakabahan din naman siya sa gagawin nila ni Nicholas pero mas nananaig sa kaniya ang kagustuhan na magantihan sina Ian at Ivana. Ang gusto niya ay maibalik sa dalawa ang sakit na nararamdaman niya ngayon!
Nagpunta siya sa mini bar ng bahay niya. Mag-isa siyang uminom ng alak.
Ilang araw nang wala dito si Ian at pakiramdam niya ay napakalungkot niya lalo. Marahil ay ganito ang nararamdaman ni Ian kapag wala siya dito sa bahay at abala sa showbiz commitments niya.
Lumipas ang ilang oras at hindi niya namalayan na nasa kalahating bote na siya ng matapang na alak na kaniyang iniinom. Ganito ba talaga ang nagagawa ng kalungkutan sa isang tao? Alak palagi ang sagot? Sabagay, kapag nalasing siya ay madali siyang makakatulog. Hindi gaya ng kapag normal ang sistema niya na ang hirap makatulog dahil sa pag-iisip. Kapag nakatulog siya agad ay pansamantala niyang makakalimutan ang sakit.
“Ma’am, nandito po si Sir Ian.” Natigilan si Giovana sa sinabing iyon ng isa niyang kasambahay.
Napahinto siya sa pagsasalin ng alak sa baso at napatingin dito. “What?” Hindi siya sigurado kung tama ba ang pagkakadinig niya.
Hindi na kailangang ulitin pa ng kasambahay ang sasabihin nito dahil nakita na niya si Ian na papalapit sa kaniya. Malalaki ang hakbang at seryoso ang mukha. Awtomatikong napangiti si Giovana. Pinaalis niya ang kasambahay at bumaba mula sa kinauupuang stool chair.
“Hon! You’re home!” dala ng kalasingan ay namumungay na ang mata niya.
Sasalubungin niya sana ng yakap ang kaniyang asawa pero itinulak siya nito. “Stay away from Ivana!” bulyaw nito sa kaniya. Umuusok ang ilong sa galit.
“Whoo!” Labis ang gulat niya sa ginawa ni Ian. “Bakit? Nagsumbong na ba sa iyo ang kabit mo? Tell me, anong pagkakakwento niya sa iyo?”
“Hindi na mahalaga kung ano. Ang gusto ko ay lubayan mo na kami! Hindi mo rin dapat sinaktan si Ivana dahil—”
“Hindi masasaktan ang kabit mo kung hindi siya lumapit sa akin! Sasaktan niya ako at dinepensahan ko lang ang sarili ko. Ano ako? Tanga? Hindi ako makakapayag na malapatan ako ng kahit isang sampal ng babaeng iyon!”
“Buntis si Ivana! Kapag may nangyari sa baby namin dahil sa’yo, makikita mo kung gaano ako ka-demonyo, Giovana!” May halong pagbabantang turan ni Ian. May pagduro pa ito sa kaniya.
Sandaling natigilan si Giovana sa sinabi ni Ian. Para siyang pinagbagsakan ng langit at lupa. Kung ganoon ay naunahan pang mabuntis ng asawa niya ang kabit nito. Talaga nga namang kakaiba ang Ivana na iyon. Napakabilis kumilos.
Hindi niya ipinakita kay Ian na nasasaktan siya sa sinabi nito. Imbes ay tumawa siya nang malakas. “Really? Buntis ang kabit mo? Gaano ka kasiguro na sa iyo iyon? Hindi ka ba man lang nagduda na baka sa tunay niyang asawa 'yon o kaya ay sa ibang lalaki? We don’t know kung ikaw lang ba talaga ang lalaki niya,” aniya matapos humupa sa pagtawa.
“Alam kong ako ang ama niyon kaya tigilan mo na si Ivana! Wala akong pakialam kung ikaw o siya ang nauna!”
Napangisi si Giovana dahil habang nagsasalita si Ian ay may isang plano na naglalaro sa utak niya. Titig na titig siya sa gwapong mukha ng kaniyang asawa nang walang anu-ano’y kinabig niya ito sa batok at isinubsob niya ang nguso nito sa kaniyang nguso. Binigyan niya ito ng mapusok na halik!
![](https://img.wattpad.com/cover/210473596-288-k340239.jpg)
BINABASA MO ANG
The Unfaithful Wife
Romance[COMPLETED] Inakala ni Ivana na sapat nang dahilan ang pagmamahalan nila ni Nicholas para pakasalan niya ito. Ngunit nang dumating sila sa punto ng buhay nila na nalugmok na sa kawalan ng trabaho ang kaniyang asawa ay napatunayan niyang hindi totoo...