MASUYONG pinapanood ni Ivana si Ian habang seryoso itong nakaharap sa laptop. Nakaupo ito at nakapatong ang laptop sa isang table sa hotel na iyon. Naka-boxer shorts lang ito.
Ilang minuto lang ang nakakalipas matapos ang umaatikabo at mainit nilang pagtatalik. Nalaman niya rin na ibang magpaligaya ng babae si Ian. Expert ito pagdating sa bagay na iyon. Hindi na nga niya mabilang kung ilang beses siyang nag-orgasm sa sobrang husay nito. Ang taas ng energy nito at ang tagal bago ito mapagod pagdating sa kama. Noong una ay nahihiya pa siya at pigil pa ang mga ungol niya ngunit nang magtagal ay hindi na niya kinaya pa ang sarap kaya halos magsisigaw na siya. Mula sa shower room ay dinala siya nito sa kama at doon siya nito pinaligaya nang tuluyan.
Hanggang ngayon nga ay pagod pa rin siya at nag-iipon pa ng lakas dahil gusto pa ni Ian ng round two. Bumaba si Ivana sa kama.
Kinuha niya ang kumot at itinapis niya iyon sa kaniyang kahubdan. Niyakap niya ito mula sa likuran at hinalikan ito sa likod ng tenga. “Ano iyan?” tanong niya dito.
“Trabaho. Tinitingnan ko ang mga e-mail ng mga pinagkukunan namin ng supplies sa supermarket,” anito.
Lumipat siya sa may tabi ni Ian upang makita niya ang gwapo nitong mukha. Hindi niya maiwasang mas lalong humanga dito dahil nagagawa nitong kumita ng pera kahit nakaupo lang ito at nakaharap sa laptop. Hindi katulad ni Nicholas na kailangan pang magpakapagod noon sa trabaho bago kumita ng kakarampot na pera. Sa pagkakataon na iyon ay naisip niya na kung si Ian siguro ang napangasawa niya ay hindi ganito ang magiging buhay niya. Maibibigay nito ang dream wedding niya o baka mas mahigitan pa nga nito iyon. Tapos hindi siya magtitiis na tumira sa maliit na bahay na matagal pa bago maging kanila. Meron din siguro silang mga katulong at driver. Nabibili niya ang lahat ng gusto niya nang hindi pinoproblema ang pera. Sa madaling salita, mararanasan niya ang buhay na meron ngayon ang asawa ni Ian na si Giovana. Maliban nga lang sa pagiging artista dahil hindi ganoon ang kaniyang trabaho.
Maya maya ay napatingin si Ian sa kaniya. “Bakit ganiyan ka makatingin? Gusto mo na ba agad ng round two?” pilyong tanong ni Ian.
Malanding tumawa si Ivana na may kasama pang pagtakip sa bibig. “Ano ka ba? Hindi. Kakatapos lang kaya natin!” Hinampas pa niya ito ng kamay niya sa balikat. “Ngayon ko lang kasi na-realize na ang gwapo mo pala talaga!”
“Really? Ngayon mo lang 'yan nakita? Come on! Matagal na akong gwapo!”
“I’m just joking!” tawa niya. “Kidding aside, sobrang hanga lang ako sa iyo kasi alam kong magiging mabuting ama ka sa mga anak mo. Kaya nagtataka ako kung bakit wala pa rin kayong anak ni Giovana.”
“I know pero ayaw ni Giovana. Saka na lang daw kami magplanong magkaroon ng anak kapag hindi na siya sikat bilang artista.”
“Hindi ko lang kasi maiwasang maikumpara ka kay Nicholas…” Malungkot niyang sabi.
“Your husband? Right?” Tumango siya. “Bakit mo naman ako naikukumpara sa kaniya?”
“Dahil sa sobrang magkaiba kayo. Ikaw kasi, may maganda kang business habang siya ay may trabaho nga pero hindi ganoon kalaki ang kinikita. 'Yon nga lang, wala siyang work ngayon. Tapos hindi pa siya pwedeng maghanap ng trabaho kasi naaksidente siya. Hindi siya makalakad ng maayos. Kaya ako muna ang maghahanap ng trabaho para sa aming dalawa.”
“How about the perfume store? Kanino 'yon?”
“Share kami doon ng friend ko kaya hindi lahat ng kinikita niyon ay sa akin.”
Isinara ni Ian ang laptop at tumayo sa harapan niya. Niyakap siya nito at binuhat para maiupo sa may lamesa kung saan nakapatong ang laptop. “So, kailangan mo ng pera. Alam mo, hindi mo na kailangan na magpakahirap na maghanap ng trabaho. You can work for me. As my secretary.” Nagulat siya sa sinabi ni Ian. Hindi niya kasi inaasahan na mag-o-offer ito ng trabaho.
BINABASA MO ANG
The Unfaithful Wife
Roman d'amour[COMPLETED] Inakala ni Ivana na sapat nang dahilan ang pagmamahalan nila ni Nicholas para pakasalan niya ito. Ngunit nang dumating sila sa punto ng buhay nila na nalugmok na sa kawalan ng trabaho ang kaniyang asawa ay napatunayan niyang hindi totoo...