CHAPTER 15

5.2K 106 43
                                        

PINUNTAHAN ni Ivana si Yssa sa bahay nito matapos nilang magkita ni Ian upang maipagmalaki sa kaibigan niya ang mga mamahaling bagay na meron siya. Off kasi ni Yssa kaya pwede silang magkita. Siyempre, gaya ng inaasahan niya ay hindi makapaniwala si Yssa nang makita ang mga damit, sapatos, bag at make up na meron siya. Naroon sila sa kwarto nito upang hindi sila makita ng mga kasama nito sa bahay. Nasa ibabaw sila ng kama nito at doon nakakalat ang mga binili nila ni Ian para sa kaniya.

“OMG, ghorl! May sugar daddy ka ba kaya ka nakabili ng mga ito?” Hindi makapaniwalang tanong ni Yssa habang isa-isang tinitingnan ang mga bagong damit niya. “Don’t tell me, kumakain ka na ng kulubot na hotdog!”

“Gaga! Never akong kakain ng hotdog ng matanda, 'no! Iniisip ko pa lang ay nasusuka na ako!” Umarte pa siya na parang nasusuka. “Wala akong sugar daddy. Promise!”

May pagdududang tumingin si Yssa sa kaniya. “Weh? E, paano ka makakabili ng mga ito kung walang work si Nicholas pati na ikaw. Hindi naman sa minamaliit ko ang husband mo pero kahit may work siya ay hindi mo pa rin keri ang makabili ng mamahaling gamit,” anito. Napakunot ang noo nito nang mapagawi ang tingin sa leeg niya. “Pucha ka, ghorl! May chikinini ka!”

Itinuro pa iyon ni Yssa. Tinabig niya ang daliri nito. Pinamulahan siya ng mukha. Nakalimutan niyang lagyan iyon ng concealer bago siya umalis sa hotel. Excited kasi siya na maipakita sa kaibigan ang mga gamit niya kaya hindi na niya naisip ang chikinini sa kaniyang leeg.

“Wild ba sa sex si Nicholas at nalagyan ka niya ng chikinini?” tanong pa ni Yssa.

Hindi nakaimik si Ivana. Nakatitig lang siya kay Yssa. Nagtatalo kasi ang isip niya kung dapat ba niyang sabihin dito tungkol kay Ian. Alam niya na mapagkakatiwalaan niya si Yssa ngunit ang hindi siya sigurado ay kung matutuwa ba si Ian kapag sinabi niya sa iba ang tungkol sa kanilang lihim na relasyon. Pero hindi niya kasi kayang maglihim kay Yssa. Nangako sila noon sa isa’t isa na hinding-hindi sila maglilihim sa isa’t isa. Ganoon kalalim ang kanilang pagkakaibigan. Sister level na!

Huminga siya nang malalim at nagsalita. “H-hindi si Nicholas ang may gawa ng c-chikinini ko,” pag-amin niya.

Napamulagat si Yssa. “What? Tama ba ang narinig ko?! Teka nga!” Akmang aalis ito sa kama nang tawagin niya para pigilan.

“Hoy! Saan ka pupunta?”

“Kukuha ako ng cotton buds. Nagkamali yata ako ng pagkakadinig sa sinabi mo—”

“Tama ang narinig mo. Yssa, hindi si Nicholas ang reason kung bakit meron ako nito,” tukoy niya sa kiss mark sa kaniyang leeg.

Nanlaki ang mata ni Yssa at mukhang hindi pa rin ito makapaniwala. “A-anong sinasabi mong hindi si Nicholas? Ikaw ba ang may gawa niyan sa self mo?” Nalilito na ito.

“Ano ako? Elepante na humahaba ang nguso?” Muli siyang huminga nang malalim. “Ibang lalaki.”

“Sugar daddy mo?”

“Hindi!” tanggi ni Ivana. “I am seeing another guy. Si Ian!”

“OMG! May kabit ka?!” Labis na nabigla si Yssa sa inamin niya. Kulang na lang ay magiba ang kwarto nito sa lakas ng boses nito. Naitutop pa nito ang mga kamay sa bibig at napaka-arteng umiling-iling.

Kinuha niya ang isang kamay ni Yssa at mariin iyong hinawakan gamit ang dalawa niyang kamay. “Ikaw lang ang pinagsabihan ko, Yssa, dahil may tiwala ako sa iyo na hindi mo sasabihin sa iba. Oo, may iba akong lalaki bukod kay Nicholas. Si Ian Legazpi…”

Naisapo nito ang isang kamay sa noo. “Teka, teka. Hindi pa ma-absorb ng utak ang pinagsasabi mong babae ka. Ang hirap paniwalaan! Teka!” Natatarantang turan ni Yssa. “Ano ba ito? Prank lang ba ito? Para ba ito sa Youtube mo? Akala ko ba ay tumigil ka na sa pagva-vlog? Ivana! Ano?!”

The Unfaithful WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon