CHAPTER 20

4.6K 105 37
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.




KUNG namangha si Ivana sa walk-in closet ni Giovana ay mas lalo siyang namangha sa kabuuan ng banyo sa kwartong iyon sa bahay nina Ian. Halos ang laki niyon ay kalahati ng laki ng mismong kwarto nina Ian at Giovana. Parang pwede nang maglaro ng habulan doon. Kumpleto sa gamit. May shower area, may bath tub, may toilet at ang design ay napakaganda.

Pakiramdam niya tuloy ay isa siyang reyna nang pumasok siya sa banyong iyon. Hinubad na niya ang kaniyang mga damit at nagtungo sa shower area. Napakaraming gamit sa panligo ang naroon. Iba’t ibang shampoo, conditioner, sabon, pangkuskos at liquid body soap. Ang mga iyon siguro ang sikreto ni Giovana kung bakit napakaganda ng kutis nito. Tapos may nakita pa siya sa labas ng shower area na mga body oils na ginagamit after mag-shower. Inamoy niya at lahat ay mabango. Maglalagay nga siya niyon pagkatapos niyang maligo.

Gusto pa sana niyang magbabad sa bath tub tapos kaya lang ay matatagalan na siya. Baka mainip na si Ian. Sa susunod ay gagawin niya iyon kapag nakabalik siya dito o kung hindi man ay doon sa bahay na ibibigay sa kaniya ni Ian. Pero paano kung walang bath tub doon? Siguro ay pwede naman siyang magpabili kay Ian kung sakaling wala. Lahat naman ay kaya nitong ibigay sa kaniya, e.

Binuhay na ni Ivana ang shower. Dalawa ang pihitan ng shower at alam na niyang ang isa doon ay para sa malamig at ang isa ay sa mainit. Medyo inilamang niya ang init para hot shower ang ganap.

“Ang sarap naman!” Hindi napigilang pakili ni Ivana nang yumakap sa kaniya ang mainit-init at nakaka-relax na tubig.

Nag-shampoo na siya at nagsabon ng buong katawan. Lahat ng sabon na nakita niya ay ginamit niya sa kaniyang katawan. Pati conditioner sa buhok ay ginamit din niya. Sinulit na niya dahil ngayon lang siya nakagamit ng mga ganitong brand ng gamit sa pagligo. Mukhang lahat ay mamahalin dahil iba ang amoy sa pangkaraniwang shampoo at sabon.

Binilisan na lang niya ang pagligo at tinuyo na niya ang sarili gamit ang tuwalya. Ibinalabal niya iyon sa kaniyang katawan at hindi niya kinalimutang maglagay ng body oil sa kaniyang braso at binti. Nakita niya agad ang epekto ng body oil. Lumambot ang balat niya bukod sa ubod ng bango na niya ngayon.

“Tingnan ko lang kung hindi malibugan sa akin si Ian nito!” aniya sabay tawa nang mahina.

May nakita pa siyang beauty products na nakapatong sa isang table na yari sa glass. Nilapitan niya ang mga iyon at ginamit sa kaniyang mukha. Hula niya ay mahal din ang mga iyon dahil wala naman sigurong mumurahing gamit si Giovana. “Kaya naman pala ang ganda ng balat ng babaitang iyon, ang daming ginagamit sa katawan!” turan niya habang tinitingnan ang sarili sa salamin na nakasabit sa dingding ng banyo.


-----ooo-----


“HON? Are you okay?” Kumurap-kurap si Ian nang iwagayway ni Giovana ang isa nitong kamay sa harapan ng kaniyang mukha. Paano ay napatulala na lang siya at hindi na naintindihan ang mga sinasabi nito sa sobrang gulat niya.

The Unfaithful WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon