CHAPTER 48

3.8K 132 34
                                        

PAGKATANGGAP ni Ivana ng text ni Giovana kung saang ospital nito dinala si Nicholas ay agad siyang kumilos at hindi na nag-aksaya pa ng oras. Umalis siya ng bahay kasama si Isabella pero hindi niya ito isinama sa ospital. Inihabilin niya muna ito sa kaniyang nanay bago siya nagpunta kay Nicholas. Nasa isang regular room na ito nang maabutan niya. Iyon nga lang ay natutulog yata ito.

“Kumusta siya? A-anong sabi ng doktor?”” tanong niya kay Giovana na tanging kasama nito sa kwarto ng ospital.

“For now, he’s okay. Kung gusto mong malaman ang sitwasyon ni Nicholas ay sa labas tayo mag-usap. Huwag dito dahil nagpapahinga siya.” Seryosong sagot ni Giovana at naglakad na ito palabas ng kwartong iyon.

May awang humaplos sa puso ni Ivana habang malungkot na nakatingin kay Nicholas. Gusto niya itong yakapin pero nagdadalawang-isip siya. Isa pa, mag-uusap sila ni Giovana.

“Bitch, ano ba?! Ang tagal mo!” inis na bulyaw ni Giovana.

Nilingon niya ito at nasa may pinto na ito. “Sorry. Susunod na ako.” Sa huling pagkakataon ay sinulyapan niya si Nicholas at saka niya sinundan si Giovana.

Sa may likuran sila ng ospital pumunta. Nasa labas sila at walang ibang tao doon kundi silang dalawa lang. Doon yata idinadaan ang mga basura dahil may mga black plastic bags sa may hindi kalayuan. May kinuhang sigarilyo si Giovana sa handbag nito at lighter. Nagsigarilyo ito. Luminga-linga si Ivana.

“Bawal manigarilyo dito. Baka may makakita sa iyo,” paalala niya nang wala siyang makitang sign na smoking area ang kanilang kinaroroonan.

“Okay lang. Ikaw nga, kahit bawal ay pinatulan mo pa rin ang asawa ko. Atleast, itong paninigarilyo ko, lungs lang ang tinitira. Ikaw, puso ang sinira mo!”

Napayuko siya sa sinabi nito. “P-pwede bang saka mo na lang ako sumbatan, Giovana? Ang gusto ko sanang pag-usapan natin ay si Nicholas at kung ano ang nangyayari sa kaniya—”

“Now you’re a concerned bitch sa kaniya after kang itapon ni Ian!” Itinapon nito sa kung saan ang sigarilyong hindi pa nito tapos. “And, no. Pag-uusapan natin dito iyang pagbabalik mo sa buhay ni Nicholas. 'Yang mala-Douglas MacArthur na pagbabalik mo, bitch! Alam mo, hindi ko alam kung saan ka kumuha ng tigas ng mukha para balikan siya after mo siyang lokohin at ipagtabuyan before. Saan, bitch? Sagutin mo ako. Huwag kang tumahimik lang diyan dahil hindi ako sanay! Mas sanay ako na parang armalite iyang bunganga mo sa pagsagot-sagot sa akin dati!” Bahagya pa siyang itinulak ni Giovana sa kaliwang balikat niya. Napaatras siya ng isang hakbang dahil doon.

Sa pag-angat ng mukha ni Ivana ay nakita niya ang nagpupuyos na galit sa mukha nito. “B-bumalik ako sa kaniya dahil na-realize ko na mahal ko pa siya—”

“Lame! Porket binasura ka ni Ian, mahal mo na ulit si Nicholas? Wow, Ivana! Try harder. Mas gusto ko iyong sagot na maganda.”

“Gusto ko ring mabuo ang pamilya ko!” Mabilis niyang sagot.

“Realt talk lang, bitch. Pamilya? Alam mo pa pala ang salitang ‘pamilya’! Pamilya na ikaw ang sumira. May I remind you!”

“Kaya nga ako bumalik para ako mismo ang umayos. Alam ko, mahirap paniwalaan pero iyon ang totoo. Mahal ko pa si Nicholas at gagawin ko ang lahat para maibalik ko ang pagmamahal niya sa akin lalo na at meron kaming anak. Hindi mo na kailangang ipamukha sa akin kung gaano ako kasamang babae dahil alam ko na iyon. A-ang sa akin lang naman ay maniwala kayo sa akin na nagbabago na ako.”

“Fuck you! Kayo ni Ian! Fuck you kayong dalawa!” Labis ang pagtataka niya nang makita ang luhang nagbabadyang malaglag mula sa mata ni Giovana.

“P-patawarin mo ako, Giovana. Alam ko, sinira ko ang buhay mo, ang buhay ninyo ni Ian bilang mag-asawa. Kaya ngayon ay taos-puso akong humihingi ng tawad sa iyo!” Lumuluhang lumuhod siya sa harapan ni Giovana bilang pagpapakita ng pagpapakababa niya dito. “Walang kapatawaran ang ginawa ko pero hayaan mong aminin ko sa iyo na pinagsisisihan ko na ang lahat ng ginawa ko. Sorry… Patawad, Giovana!” Madamdamin niyang paghingi ng tawad dito.

The Unfaithful WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon