MAS lalong nagpanting ang tenga ni Ivana sa tinuran ni Giovana na pamunas lang daw nito ng inidoro ang damit na hawak nilang dalawa. Kung sa akala nito ay magpapatalo siya dito ay nagkakamali ito. Marahas niyang binitawan ang damit na halos ikatumba na ni Giovana. “'Ayan! Sa tingin mo ba ay kailangan ko iyan? Sa’yo na. Isaksak mo sa baga mong babae ka!” gigil niyang bulalas.
Tiningnan nito ang hawak na damit sabay ngiti nang tumingin sa kaniya. “I think, pwede ko nang gamitin ito ngayon sa mukha mo. Mukha ka kasing toilet bowl!” Mabilis na inginudngod nito ang mukha niya sa damit at ipinunas iyon doon. “There!” sabi pa ni Giovana sabay bitaw sa damit.
“Hayop ka talagang babae ka!” inis na sigaw ni Ivana.
“Wait! Ganiyan ba ka-cheap ang make up mo at ang bilis mabura? Binigyan ka na nga ng asawa ko ng credit card hindi mo pa magawang bumili ng mamahaling make up? Sabagay, kapag cheap talaga, never nang magbabago!”
Kinapa ni Ivana ang kaniyang mukha at totoo nga yata nagkalat-kalat na ang make up niya. Pero taas-noo pa rin si Ivana. Alam niyang kahit magulo ang make-up niya ay maganda pa rin siya. “Palibhasa, hindi ka binibigyan ng credit card ni Ian!” Inakala niyang maaasar ito kapag sinabi niya iyon.
“Because he don’t have to. May trabaho ako at hindi lang credit card ang meron ako. I’m working, bitch! Hindi katulad mo na palamunin ng asawa ko. Feeling pokpok ka, girl? Bayaran lang? Gusto mo isampal ko sa iyo lahat ng cards na meron ako ngayon?!”
“Ang dami mong sinasabi! Laban na!”
Akmang sasampalin niya si Giovana pero bago pa lumapat ang palad niya sa pisngi nito ay napigilan na nito iyon. Nanlaki ang mata niya sa gulat nang makitang hawak nito ang kamay niya at hindi niya inaasahan ang isang sampal mula sa isang kamay nito. Halos mapaluhod si Ivana sa lakas ng pagkakasampal ni Giovana sa kaniya. Talagang nayanig ang mundo niya. Sa tingin niya ay hindi daya ang malalakas na sampal nito sa mga teleserye. Malakas talaga ang sampal nito!
“Oops! Sorry… Gumagalaw kasi ng kaniya minsan itong kamay ko! O, 'eto pa!” Isa ulit sampal ang natanggap niya at tuluyan na siyang napaluhod habang hawak pa rin nito ang isa niyang kamay. “There… Gumalawa na naman siya ng kaniya. Sorry!” Nang-uuyam nitong sabi.
“Hayop ka talaga—”
“Tumayo ka diyan! Hindi pa ako tapos sa iyo!” Malakas na hinila nito ang braso niya. Parang mahihiwalay sa balikat niya ang buo niyang braso sa paghila na ginawa ni Giovana. “At huwag mo akong matatawag na hayop, Ivana, dahil kung meron mang hayop sa ating dalawa ay ikaw iyon. Ahas ka sa galing mong gumapang at isa ka pang anay na sumira sa pamilya ko! And for that?” Hindi na naman niya nagawang pigilan ang pagsampal nito sa kaniya.
Binitiwan siya nito sabay tulak sa kaniya. Napaatras siya at tumama ang likuran niya sa harapan ni Yssa. Dahil sa hindi handa si Yssa sa pag-atras niya ay nagulat ito. Nawalan ng balanse at parehas niyang napaupo sa sahig.
“Ay! Ano ba iyan, ghorl!” tili ni Yssa.
“Sumusobra ka na!” Tukoy niya kay Giovana. Agad na tumayo si Ivana at matapang na hinarap si Giovana. Umuusok na ang ilong niya sa galit dahil hindi man lang siya makaganti sa mga sampal na pinapakawalan ni Giovana.
Napansin ni Ivana na dumadami na ang mga taong nakapaligid sa kanila.
“Malakas pa rin pala akong sumampal!” nang-aasar pang turan ni Giovana habang hinihimas-himas ang palas. “Pero masakit ding sampalin pala iyang mukha mo, ha. Sobrang kapal! At sobrang kapal talaga ng mukha mo kasi ikaw pa ang may ganang sumugod? Ang tatapang na talaga ngayon ng mga kabit!”
“Dapat lang sa iyo ang sugurin dahil ipinahiya mo ako!”
“Ayaw mo ba 'yon? Ikaw na ang pinaka famous na kabit sa Pilipinas. Congratulations!” Nakakalokong pumalakpak pa ito. “Anyways, gusto pa kitang pagsasampalin pero ire-reserve ko na lang muna ang pinaka malakas kong sampal sa ibang pagkakataon.” Tumalikod na si Giovana at naglakad na papalayo sa kaniya.
![](https://img.wattpad.com/cover/210473596-288-k340239.jpg)
BINABASA MO ANG
The Unfaithful Wife
Romance[COMPLETED] Inakala ni Ivana na sapat nang dahilan ang pagmamahalan nila ni Nicholas para pakasalan niya ito. Ngunit nang dumating sila sa punto ng buhay nila na nalugmok na sa kawalan ng trabaho ang kaniyang asawa ay napatunayan niyang hindi totoo...