CHAPTER 43

3.6K 146 29
                                    

“HABANG nagda-drive kasi ako kanina palabas ng parking lot ay bigla na lang lumabo ang paningin ko hanggang sa wala na akong makita. As in, total blackout talaga! Hanggang sa naramdaman ko na lang na may nabangga ako at humampas ng dalawang beses ang mukha ko sa manibela. After no’n ay wala na akong maalala. Nagising na lang ako dito sa ospital.” Pagkukwento ni Nicholas kina Ivana at sa eye doctor na kaharap niya sa isang opisina sa ospital.

Kagabi ay natulog siya magdamag upang makapagpahinga. Matiyaga siyang binantayan ni Giovana lalo na at ayaw niyang papuntahin doon ang pamilya niya at baka mag-alala pa ang mga ito. Hindi rin niya ipinaalam sa mga ito ang nangyari sa kaniya.

Sa kasalukuyan ay kinakausap na siya ng opthalmologist na si Dr. Amy Ramirez. Ito ang eye doctor na inirekomenda sa kaniya ng doktor na nag-opera sa sugat niya sa noo.

“Beside sa nangyari sa iyo before the accident, may pangyayari pa bang katulad no’n? Iyong may naramdaman kang kakaiba sa mata mo?” tanong pa ni Dr. Ramirez.

Matamang nag-isip si Nicholas hanggang sa naalala niya iyong pumunta siya sa bahay kung saan nakatira sina Ivana at Ian. “Opo,” sagot niya na may kasamang marahang tango. “Last year ay nanlabo at sumakit ang mata ko. Akala ko ay dala lang ng stress kaya binalewala ko. Kahapon lang po iyon naulit.”

May isinulat sa record si Dr. Ramirez at muli siyang tiningnan. “I’m suspecting na meron kang keratoconus. Isa itong uri ng eye condition na baka meron ka na noong bata ka pa at ngayon lang natin pwedeng ma-detect. Kaya isasailalim kita ngayon sa corneal topography para makasigurado tayo,” anito.

Nagkatinginan sila ni Giovana. Sa kanilang dalawa ay mas mukhang ito pa ang kinakabahan kesa sa kaniya.

“Doc, ano po iyong kera… something?” tanong ni Giovana.

“Keratoconus ay isang seryosong kondisyon sa mata.” May kinuhang picture ng mata ang doktor at ipinakita nito iyon sa kanila. “This is the cornea—the clear outer lens of our eyes. Normally, ang cornea ay dome shape, like a ball. Minsan ang structure ng cornea is not strong enough to hold this round shape and the cornea bulges outward. Kaya may pagkakataon siguro na nakakaranas si Nicholas na para bang lalabas ang eyeball niya. Bumababa kasi ang protective antioxidants sa cornea kaya nagkakaroon ng keratoconus ang isang tao. Nagkakaroon ng blurred vision ang meron nito. Minsan sensitive din sila sa liwanag…”

“Ang sabi niyo po ang seryoso ang keratoconus. May posibilidad po ba na maging sanhi ito ng pagkabulag ko?” May halong kaunting kaba na tanong naman ni Nicholas sa doktor.

“Unfortunately, pwedeng makabulag ang keratoconus kung mapapabayaan o darating sa stage na wala na tayong pag-asa na ma-save ang cornea. Pero kung hindi naman malala ay pwedeng gumamit ng eyeglass or contact lens. Ang last resort ay cornea transplant. So, ready ka na ba sa corneal topography mo, Nicholas?”

Huminga siya nang malalim at tumango. “Yes, doc. Gawin na po natin.”

“That’s good. Let’s hope na wala kang keratoconus.”


-----ooo-----


HINDI na nagawang kausapin ni Ivana si Ian nang umuwi ito ng madaling araw hanggang sa almusal at makaalis ito para pumasok na sa trabaho. Hindi niya ito kayang kausapin dahil nangangamba siyang na baka sumabog siya at masabi niyang alam na niyang si Yssa ang bago nitong babae. Nakapagdesisyon kasi siya na hindi ipaalam sa dalawa na alam na niya ang totoo. Ayaw niya ng gulo sa pagitan nilang tatlo. Mas nanaisin na lang niyang manahimik at magbulag-bulagan.

Iniisip niya na pampalipas-oras lang ni Ian si Yssa at siya pa rin ang mahal nito. Wala lang itong gana sa kaniya dahil nga sa tumaba siya ng kaunti at nalaman pa nitong hindi ito ang ama ni Isabella. Nauunawaan niya kung iyon ang dahilan nito kung bakit nito pinatulan ang kaibigan niya.

The Unfaithful WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon