CHAPTER 12

5K 99 4
                                    

“NASAAN na kaya ang asawa mo, anak? Aba, kanina pa ako nag-text sa kaniya pero hanggang ngayon ay wala pa rin! Kung hindi pa siya darating ay kami na lang ang maghahatid sa iyo sa bahay. O mas mabuting doon ka muna sa atin para maalagaan ka nang mabuti.” Naiinis na pakli ng nanay ni Nicholas habang nakahiga siya sa hospital bed.

May benda siya sa ulo dahil may maliit siyang sugat doon. Meron din siyang ganoon sa paa dahil nabalian siya ng buto doon. Pero ayon sa doktor ay minor injury lang ang natamo niya at wala nang dapat pang ipag-alala. Wala rin namang matinding damage sa ulo at utak niya. Mabuti na lang at hindi siya tinakbuhan ng nakabundol sa kaniya at sinagot nito ang lahat ng ginastos sa ospital. Ayon din sa doktor ay maaari na siyang umuwi sa bahay at doon na tuluyang magpagaling. Inumin na lang daw niya ang mga gamot na ibinigay nito at bumalik matapos ang isang linggo para sa check up.

Kaya pauwi na sila pero ang gusto niya ay makita muna ang kaniyang asawa. Pina-text niya kasi sa nanay niya si Ivana para malaman nito ang nangyari sa kaniya. Malakas ang paniniwala niya na pupuntahan siya dito ni Ivana. Ang gusto niya rin kasi ay ito na ang makasama niya sa pag-uwi sa bahay nila dahil alam niyang pagod na rin ang mga magulang niya. Ang mga ito kasi ang tinawagan ng nurse para ipaalam na nandoon siya sa ospital.

“Hintayin pa po natin siya kahit thirty minutes pa…” ani Nicholas. Hindi kasi siya nawawalan ng pag-asa na darating si Ivana.

Sigurado siya na labis ang pag-aalala nito nang mabasa ang text ng nanay niya dito.

“Anak, mag-iisang oras na simula nang i-text ng nanay mo si Ivana pero hanggang ngayon ay wala pa rin siya,” mahinahong sabi ng tatay niya.

“Nasaan ba kasi ang asawa mo?” tanong ng nanay niya.

“Nang umalis po ako para maghanap ng trabaho ay nasa bahay siya. Baka po nakatulog.”

“Tulog? Natutulog siya nang hindi ka pa umuuwi? Aba! Ako ay hindi nakakatulog hangga’t wala ang tatay mo sa bahay! Iba naman yata iyang asawa mo, Nicholas!”

Hindi na lang siya sinagot ang sinabi ng nanay niya at baka mas lalong uminit ang ulo nito sa kaniyang asawa.

Huminga nang malalim si Nicholas. Sa totoo lang, alam niya na pagod na rin ang mga magulang niya at kailangan nang magpahinga ng mga ito dahil medyo late na rin. Nahihiya na siya sa dalawa lalo na at may asawa na siya ngunit ang mga ito pa rin ang nag-aasikaso sa kaniya.

Maya maya ay tumango siya. “Sige po, ang mabuti pa ay umuwi na po tayo para makapagpahinga na tayong lahat. Tara na po?” Ngumiti siya sa dalawa at inalalayan na siya ng mga ito sa pagbaba sa kama. Inipit niya sa isang kili-kili niya ang isang saklay. Habang hindi pa magaling ang bali niya sa paa ay gagamitin niya iyon.

Lumabas na sila ng kwarto at naglakad na sila habang patuloy siyang inaalalayan ng kaniyang mga magulang. Malaki ang pasasalamat niya sa mga ito dahil kahit may sarili na siyang pamilya ay hindi pa rin siya pinapabayaan ng nanay at tatay niya. Talaga ngang ang pagiging magulang ay habangbuhay.

Nang makalampas na sila sa mahabang hallway ng ospital ay lumiko na sila papunta sa exit. Napahinto silang tatlo nang makita nila ang nag-aalalang si Ivana na papalapit sa kanila. Agad na bumangon ang kasiyahan sa dibdib niya dahil hindi siya binigo ni Ivana!

Wala siyang pakialam kahit ngayon lang ito dumating. Ang importante ay nandito ito ngayon para sa kaniya…


-----ooo-----


BAHALA na pero gusto lang talagang yakapin ni Ivana ang asawa niya lalo na at naaawa siya sa hitsura nito. Ang ginawa na lang niya ay ginawa niyang maingat ang pagyakap dito habang lumuluha. “Ano bang nangyari sa iyo? Bakit kasi hindi ka nag-iingat, e! Sorry kung ngayon lang ako nakarating, ha?” Nakokonsensiya niyang sabi. Mas lalo pa siyang nakonsensiya nang maalala ang ginawa nila kanina ni Ian bago siya pumunta dito sa ospital.

The Unfaithful WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon