CHAPTER 42

3.8K 158 36
                                    







INUBOS lang nina Giovana at Nicholas ang mga karne na in-order nila at umalis na rin sila ng restaurant kung saan sila kumakain ng gabing iyon. Gusto pa sanang maka-bonding ni Giovana ang kaibigan dahil ngayon lang ulit sila nagkaroon ng oras para lumabas pero kailangan na niyang bumalik ng taping. Panay na nga ang text ng PA niya at tinatanong kung nasaan siya. Naloloka na raw ang direktor nila dahil nawawala na naman daw siya. Hindi niya kasi natanggihan si Nicholas nang mag-aya itong mag-samgyupsal sila. Nang mag-break sila sa taping ay tumakas siya upang mapagbigyan ang request ni Nicholas. Nag-Google na lang sila ng malapit na kainan at may nakita naman sila.

“O, hindi na kita ihahatid sa house mo, ha. May car ka na naman, e! Congrats!” aniya nang nasa parking lot na silang dalawa. Magkatabi lang ang mga sasakyan nila.

Natuwa talaga siya nang sa wakas ay kumuha na si Nicholas ng sarili nitong sasakyan. Isa iyong 2020 Toyota Fortuner. Palagi niya kasi itong sinasabihan na kumuha na ng sasakyan para hindi na ito nagko-commute. Mabuti at nakinig na ito sa kaniya.

Kakamot-kamot sa likod ng ulo si Nicholas. “Pinilit mo ako, e. Joke! Pero hulugan pa rin iyan gaya ng bahay ko,” anito.

“Atleast meron ka na. Saka kaya mo naman iyang hulugan. Maganda na ang kita ng business natin.”

“Thanks to you!”

“'Ayan ka na naman sa pasasalamat mo. My God!” Pabiro pang itinirik ni Giovana ang mata. “Sige na. I have to go na. Mag-iingat ka sa pagda-drive!” Niyakap niya si Nicholas nang mahigpit.

“Ikaw din. Ingat!”

Naghiwalay na sila at sumakay na sa kani-kanilang sasakyan. Pinauna muna niyang umalis si Nicholas. Nang nakita niyang malapit na itong makalabas ng parking lot ay saka niya binuhay ang makina ng kaniyang kotse.

Hindi pa man niya napapaandar ang kaniyang kotse ay may narinig na siyang isang malakas na ingay. Tunog ng isang sasakyan na bumangga sa kung saan. Awtomatikong kinabahan si Giovana at ganoon na lang ang pagkagimbal niya nang makitang bumangga ang kotse ni Nicholas sa isa pang sasakyan na mukhang naka-park lang!

“N-nicholas!” Nahihintakutan niyang bulalas at walang pagdadalawang-isip na binuksan niya ang pinto upang puntahan ang kaibigan.

May mangilan-ngilan nang tao ang nakapaligid sa sasakyan ni Nicholas nang makalapit siya doon. Hinawi niya ang mga iyon at kinalampag ang bintana sa tabi ng driver’s seat. “Nicholas! Buksan mo ito! Are you okay? Nicholas!” Halos maiyak na siya sa sobrang kaba nang hindi iyon bumukas.

Pilit niyang inaninag kung ano ang nangyari dito sa loob pero dahil sa gabi na at heavy tinted pa ang salamin ay wala siyang makita.

“Nicholas! Nicholas!” Natataranta niyang sigaw dahil hindi na niya alam ang gagawin. Kinakabahan siya dahil baka kung ano na ang nangyari dito.

“Si Giovana Mercado!” narinig niyang sabi ng isang lalaki.

Doon na nag-umpisang magkislapan ang flash ng camera ng mga taong naroon para kunan siya ng picture. Ang iba ay vini-video pa yata siya habang naghihisterikal.

Nilapitan niya ang mga tao at pilit na pinagkukuha ang mga cellphone habang sumisigaw. “Stop that! Iyan pa talaga uunahin ninyo?! Tumawag kayo ng ambulance! My God!” Nag-atrasan ang mga tao dahil sa pagwawala niya.

The Unfaithful WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon