CHAPTER 50 [The Final Chapter- Part One]

5.5K 167 46
                                    

NOTE: Hahatiin ko po sa dalawang parts ang last chapter dahil masyado pong mahaba. Enjoy, guys...

 Enjoy, guys

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.




ISANG buwan ang mabilis na lumipas at malaki ang pasasalamat ni Ivana na hanggang ngayon ay nasa bahay pa rin siya ni Nicholas. Bagaman at malamig pa rin ang pakikitungo nito sa kaniya at parang hindi siya nito nakikita ay naiintindihan naman niya iyon. Ngunit isang magandang pangyayari ang naganap ilang linggo na ang nakakalipas at iyon ay ang paglabas ng DNA test nina Nicholas at Isabella. Lumabas kasi sa test na si Nicholas talaga ang ama ng kaniyang anak.

Simula ng mapatunayan ng DNA test na mag-ama nga ang dalawa ay napansin niya ang pag-iiba ng pakikitungo ni Nicholas kay Isabella. Dati kasi bago ang DNA test ay tinitingan at dinadaanan lang ni Nicholas si Isabella pero ibang-iba na ngayon. Ito na ang personal na bumibili ng kailangan ng anak nila at tuwing wala itong pasok ay tila nakikipag-unahan ito sa kaniya sa paggising upang kargahin si Isabella at sandaling paarawan sa labas tuwing umaga.

Ang sarap lang ng pakiramdam ni Ivana ngayong tanggap na ni Nicholas ang anak nila. Kaya hindi pa rin siya nawawalan ng pag-asa na darating ang araw na matatanggap na ulit siya ni Nicholas. Iyon na lang talaga ang hinihintay niya. Ginagawa naman niya ang lahat upang mangyari iyon. Lahat ay ginagawa niya upang ipakita kay Nicholas na nagbabago na siya…

Pinagsisilbihan niya ito ng husto. Ipinagluluto, naglilinis ng bahay at kung anu-ano pa. Kahit madalas na binabalewala siya ni Nicholas ay hindi pa rin siya pinanghihinaan ng loob.

Ngunit kung may magandang nangyari ay meron ding hindi maganda. Gaya na lang ng kondisyon ng mata ni Nicholas. Sa kasalukuyan ay nakasuot na ito ng espesyal na contact lens para sa mga taong may katulad na kaso nito sa mata. Madalas na rin na biglang nawawala ang paningin nito at sumasakit ang mata. Ang solusyon lang ay ang gamot na ibinigay ng doktor nito kapag nangyayari iyon. Palagi na rin itong nagpupunta sa ospital kasama si Giovana para sa check-up. Iyon nga lang ayaw sabihin ni Nicholas kung ano na ang tunay na lagay nito kaya mas lalo siyang natatakot.

Nakakatakot na wala siyang alam sa kung ano na ang nangyayari sa sakit sa mata ni Nicholas.

Isang umaga ay naisipan ni Ivana na magdilig ng halaman sa harapan ng bahay. Nagtanim kasi siya doon ng mga bulaklak gaya ng rosas at daisy. Madali kasing alagaan ang mga iyon. Para may pinagkakaabalahan siya kahit papaano sa tuwing umaalis si Nicholas. Matapos niyang magdilig ay pumasok na ulit siya sa loob ng bahay. Naabutan niyang nasa salas si Nicholas at karga si Isabella.

“Wala ka bang pasok ngayon? Nagluto na ako ng almusal…” aniya.

“Sa susunod na linggo ay gusto kong mapabinyagan na si Isabella. Hindi ba’t nabanggit mo na hindi pa siya binyag, 'di ba?” Napamaang si Ivana sa kaniyang narinig. Parang sa panaginip lang niya kasi maririnig ang ganoong mga salita sa kaniyang asawa. Kalmado lang ito at walang halong galit. “Ivana. Ano ba? Sumagot ka.”

The Unfaithful WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon