NANGINGINIG pa rin ang buong katawan ni Ivana dahil sa labis na tensiyon kahit ilang minuto nang wala sa bahay nila sina Nicholas at Giovana. Kasalukuyan siyang nasa veranda sa ikalawang palapag at may isang baso ng alak na hawak.
Nakatanaw siya sa malayo habang binabalikan ang nangyari. Ang simpleng dinner habang pinag-uusapan ang annulment ay nauwi sa isang pangyayaring hindi niya inaasahan. Pinatulog sila ng dalawa at itinali sa upuan. Magtatalik pa nga sana sa harapan nila ni Ian sina Nicholas at Giovana pero hindi natuloy nang biglang masuka ang una dahil sa nakainom ito. Epic fail kung tutuusin.
Hindi man natuloy ang pagtatalik ng mga asawa nila ni Ian ay may kirot pa rin siyang nararamdaman sa kaniyang puso. Hanggang ngayon ay nararamdaman niya pa rin iyon. Kanina nang malaman niya ang balak na gawin nina Nicholas ay para siyang mababaliw. Hindi niya kasi kayang makitang may ibang babae si Nicholas lalo na at makakatalik pa nito.
Ewan niya, hindi niya maintindihan ang sarili niya kung bakit nararamdaman niya pa rin ang ganoon. 'Di ba, dapat ay ayos lang sa kaniya iyon dahil meron na siyang Ian sa buhay niya? Dapat ay hindi na siya masasaktan kung sakaling meron nang ibang babae ang kaniyang asawa.
Pero bakit sa dami ng babae ay si Giovana pa, Nicholas? Bakit ang intrimitidang iyon pa?! galit na tanong ni Ivana sa sarili. Kung ibang babae ba ang gagawa niyon sa harapan niya ay hindi siya masasaktan gaya nito?
“What the fuck, Ivana?!” Muntik nang mapasigaw si Ivana sa gulat nang biglang magsalita si Ian sa may likuran niya. Kinuha nito ang baso at gigil na itinapon sa ibaba. Hindi makapaniwalang napatingin siya sa lalaki.
“B-bakit mo itinapon? May laman pa iyon, e!” Nanlalaki ang mata niya sa pagkabigla.
“Buntis ka sa anak tapos nag-iinom ka ng alak? Gusto mo bang may mangyaring hindi maganda sa bata?”
Natigilan siya sa sinabi nito dahil meron itong punto. “Sorry. Gusto ko lang kasing mawala itong tension sa akin—”
“So, you’re tensed! Sabagay, galit na galit ka nga nang magsi-sex sana sina Giovana at Nicholas sa harapan natin, e. You acted like a jealous bitch!” Bakas sa mukha nito ang pagka-inis.
“Tinawag mo akong bitch, I-ian?”
“Dahil parang ganoon ka! Ipinakita mo sa akin na may pakialam ka pa sa asawa mo! Na nagseselos ka sa kanila! Kaya ngayon ay binibigyan kita ng pagkakataon, Ivana. Kung mahal mo pa ang inutil mong asawa ay umalis ka na dito at balikan mo na siya! Pero oras na manganak ka ay kukunin ko ang anak ko sa iyo. Tandaan mo iyan!”
Tila huminto ang mundo ni Ivana sa sinabing iyon ni Ian. Mabilis na gumana ang utak niya para isipin ang mangyayari sa kaniya oras na bumalik siya sa piling ni Nicholas. Sa maliit na bahay na ulit siya titira at magtitiis na naman siya sa sahod nitong kakarampot. Pero teka… may trabaho na nga ba si Nicholas? Paano kung wala pa rin hanggang ngayon? Paano na siya? Paano na ang pagbubuntis niya? Maibibigay man lang ba nito ang mga pagkain na paglilihian niya? Sa tingin niya ay hindi…
Kaya naman nilapitan niya si Ian at niyakap ito. “Hindi ako nagseselos. Naiinis lang ako sa gagawin nila at ganoon din naman ang naramdaman mo, 'di ba?” Idinikit niya ang isang pisngi sa dibdib ng lalaki. “Ikaw na ang mahal ko, Ian. Hinding-hindi na ako babalik kay Nicholas kahit anong mangyari. Hindi ka namin iiwan ng magiging baby natin.”
“Mabuti kung ganoon…” Hinawakan siya nito sa magkabilang balikat at bahagya siya nitong inilayo. “Matulog na tayo. Masyado nang late. Good night. I love you…”
“I love you too, Ian,” tugon ni Ivana.
-----ooo-----

BINABASA MO ANG
The Unfaithful Wife
Romance[COMPLETED] Inakala ni Ivana na sapat nang dahilan ang pagmamahalan nila ni Nicholas para pakasalan niya ito. Ngunit nang dumating sila sa punto ng buhay nila na nalugmok na sa kawalan ng trabaho ang kaniyang asawa ay napatunayan niyang hindi totoo...