CHAPTER 18

4.5K 99 19
                                    

BAHAGYANG nagulat si Ian sa pagpasok niya sa hotel room na tinutuluyan nila ng kaniyang asawa sa isla ng Balesin. Paano ay very romantic ang ayos niyon. May mga petals ng red at white roses sa sahig at sa malaking kama. Sa mesita sa gilid ng kama ay may wine at dalawang wine glass. May scented candles pa. Pati ang ilaw ay hindi na maliwanag. Malamlam na iyon na nagpadagdag ng romantic ambience sa kabuuan ng kwarto. Pumapailanlang din ang sexy instrumental na musika.

Napakunot ang noo niya dahil halos fifteen minutes lang siyang nawala ay ganoon na agad ang nangyari sa kwarto nila ni Giovana. Nagpaalam siya kasi dito na maglalakad-lakad lang at magsisigarilyo pero ang totoo ay kinausap lang niya sa cellphone si Ivana.

Gaya ng dati ay umuungot na naman ito sa kaniya. Pinapauwi na siya dahil miss na miss na daw siya nito. Miss na rin niya si Ivana sa totoo lang. Kaya lang ay wala siyang magawa dahil isang linggo sila dito ni Giovana. May apat na araw pa silang natitira bago umalis sa Balesin. Sa araw na iyon pa niya pwedeng makita si Ivana. Sinabi niya kay Ivana na magtiis muna ito at magkikita na rin sila.

Mabuti na lang din at binigyan niya ito ng credit card. Kahit wala na ito sa poder ng asawa nito ay may panggastos pa rin ito lalo na sa tinutuluyan nitong hotel na hindi biro ang bayad sa pag-stay.

Anong meron? Tanong ni Ian sa kaniyang sarili habang nakatayo malapit sa pintuan. Hindi pa niya naisasara ang pinto dahil sa pagkabigla sa sumalubong sa kaniya.

Napatingin si Ian sa pinto ng banyo nang marahan iyon bumukas at lumabas si Giovana. Napakaganda at sobrang kaakit-akit nito sa suot nitong kulay pulang one-piece lingerie. Amoy na amoy niya sa kaniyang kinatatayuan ang nakakahalinang body oil na ginamit nito.

Sumandal ito sa gilid ng pintuan ng banyo at namumungay ang mga mata na tiningnan siya. “Tatayo ka na lang ba diyan, hon? Close the door, please…” paanas at mapang-akit nitong sabi.

Ipinilig ni Ian ang ulo dahil sa pagkakatulala sa kaniyang asawa. Matagal nang panahon kasi simula nang makita niya itong ganoon na parang inaakit siya. Isinara niya ang pinto at naglakad papunta sa sofa na naroon. “Anong meron? Malayo pa naman ang anniversary natin, 'di ba?” Nawalan siya ng gana nang maisip niya ang mga pambabalewala noon ni Giovana sa kaniya.

Naglakad ito papunta sa kaniya at tumayo sa may tabi niya. “Kailangan ba ng occasion para maging romantic, hon?” Kinuha nito ang isa niyang kamay sabay hila sa kaniya patayo. “'Di ba, ang sabi ko sa iyo ay babawi ako sa iyo? This is the time, Ian. I’m all yours tonight at sa mga susunod pang gabi natin dito sa Balesin. Wala kang kaagaw na taping or commitments. Pwede mong gawin ang lahat sa akin. Kahit ano!”

Lumayo ito at humiga sa kama. Akala mo ay isa itong masarap na pagkain na nakahain sa kaniyang harapan. Anumang oras ay pwede niyang kainin. Siya na lang ang mamimili kung kakainin niya ito ng buo o paunti-unti. Itinaas ni Giovana ang dalawang kamay at nalantad ang maputi nitong kili-kili. Unti-unting nabuhay ang laman na nasa pagitan ng kaniyang mga hita. Sino ba namang lalaki ang hindi mabubuhayan ng dugo sa ganda ng kaniyang asawa lalo na sa hitsura nito?

“Come here, Ian… Gawin mo na ang gusto mo sa akin! I’m all yours!” Patuloy na pang-aakit ni Giovana.

Ngunit bakit ganoon? Mukha ni Ivana ang nakikita niya kay Giovana. Si Ivana ang nakikita niyang nakasuot ng lingerie at nakahiga sa kama. Inaakit siya nito at sinasabi na angkinin niya ito.

Dahil sa ilusyon na iyon ay ginanahan si Ian. Sabik na hinubad niya ang kaniyang mga damit. Umigkas ang matigas niyang pagkalalaki nang ibaba niya ang kaniyang brief. Dumagan siya kay Giovana at hinalikan ito sa labi. Isang halik na puno ng pagnanasa. Marubdob at mapusok!

Ang lambot ng labi ni Giovana. Napakasarap niyong halikan. Minsan nga ay hindi niya maiwasang magselos sa mga kaeksena nitong lalaki na nakakahalikan nito. Para kasing mas madalas pa itong may kahalikan sa eksena kesa sa mahalikan niya ito. Ngunit ngayon ay kaniyang-kaniya si Giovana at ang lahat-lahat dito.

The Unfaithful WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon