CHAPTER 28

3.8K 124 67
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.






TULALA at wala sa sarili niya si Nicholas habang naglalakad siya pauwi sa kaniyang bahay. Nakayuko siya at walang gana ang bwat hakbang. Magulo ang buhok niya at medyo madumi ang suot na puting T-shirt at maon na pantalon. Tsinelas lang ang suot niya sa paa.

Hindi siya makapaniwala na nagawa niyang magmakaawa sa lalaki ng kaniyang asawa. Lasing kasi siya kaninang madaling araw at dahil sa nalaman niya kung saan nakatira si Ian sa pamamagitan ng social media at internet ay pinuntahan niya ito. Nagbaka-sakali siya na kapag ito ang kinausap niya ay makikinig ito dahil parehas silang lalaki pero nagkamali siya. Hindi nito kayang bitiwan si Ivana at ibalik sa kaniya.

Unti-unti na tuloy siyang nawawalan ng pag-asa na babalik pa sa kaniya ang asawa niya. Nakakapanghina din na mag-isa siyang lumalaban at wala siyang napagsasabihan ng kaniyang problema kaya paglalasing ang palagi niyang solusyon sa tuwing inaatake siya ng labis na kalungkutan kesa sa gumawa siya ng ibang bagay na sa huli ay pagsisisihan niya. Kapag kasi nakakaramdam siya ng sobrang kalungkutan ay naiisipan na niyang magpakamatay. Mabuti na lang at napaglalabanan niya iyon.

Ayaw din naman niyang sabihin sa ibang tao ang pinagdadaanan niya lalo na sa pamilya niya dahil ayaw niyang masira si Ivana sa mga ito. Nais pa rin niyang protektahan ang kaniyang asawa.

Nang malapit na si Nicholas sa kaniyang bahay ay umangat ang mukha niya mula sa pagkakayuko. Natigilan siya nang makita ang nanay niya na nakatayo sa harapan ng pinto ng kaniyang bahay.

Mabilis niyang inayos ang sarili. Ngumiti siya at lumapit sa kaniyang ina. Niyakap niya ito nang mahigpit at nagmano.

Ngayong nakita niya ito ay nakaramdam siya ng pagka-miss dito. Dahil sa masyado siyang tutok sa pag-alis ni Ivana ay nawala na sa isip niya na meron pa siyang pamilya na nagmamahal sa kaniya. Aaminin niya na sandali niyang nakalimutan ang mga ito dahil sa pinagdadaanan niyang problema.

“Nanay, ano pong ginagawa niyo dito? Bakit hindi man lang kayo nag-text o tumawag sa akin na pupunta kayo? Kanina pa ba kayo?” Pilit niyang pinasigla ang boses upang hindi nito mahalata na meron siyang problema.

“Halos kakarating ko lang. Pwede bang pumasok muna tayo sa loob, anak?” Kapansin-pansin ang kaseryosohan sa mukha at pagsasalita nito.

Natigilan si Nicholas. Nag-aalinlangan siyang papasukin sa bahay ang kaniyang nanay dahil makikita nitong wala na naman iyon sa kaayusan. Kaya lang ay hindi niya pwedeng hindi papasukin ito dahil baka mas lalo itong magtaka.

Natatakot man sa maaaring sabihin ng nanay niya kapag nakita nito ang loob ng bahay niya ay pinapasok pa rin niya ito sa loob. Binuksan niya ang pinto at nauna siya sa pagpasok saka ito sumunod.  Mabilis niyang dinampot ang mga bote ng alak at inilagay iyon sa ilalim ng mga upuan. “Nag-inuman po kasi kami ng mga kaibigan ko kagabi. Nakalimutan kong iligpit,” pagsisinungaling niya.

Tumayo siya sa harapan ng nanay niya pagkatapos na maitabi ang mga bote.

Palinga-linga ito sa paligid. “Nasaan ang asawa mo? Si Ivana?” tanong nito.

The Unfaithful WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon