CHAPTER 39

3.8K 155 91
                                        

MARAMI-RAMI rin ang damit na naipimigay ni Ivana kay Yssa kaya labis ang saya ng kaniyang kaibigan. Aba, hindi naman kasi basta-basta ang mga damit na nakuha nito sa kaniya. Puro branded at mamahalin.

Naisipan niyang ibigay na lang ang mga damit na hindi na kasya sa kaniya upang hindi masayang. Talagang niyayakap na niya ng buong puso ang pagiging ina at maybahay. Naalala niya tuloy noong iluwal niya si Isabella, sobrang saya ni Ian. Napaiyak pa nga ito nang kargahin ang anak nila. Talagang kasal na lang ang kulang sa kanila ni Ian para matawag na isa silang pamilya. Iyon nga lang, mukhang malabo pa iyong mangyari dahil hanggang ngayon ay hindi na sila kinausap nina Giovana at Nicholas tungkol sa annulment o pagpapawalang-bisa ng kanilang kasal.

“Ghorl, thank you talaga sa mga binigay mo, ha. Ang daming dumagdag sa pang-rampa ko!” Pagpapasalamat ni Yssa nang inihahatid na niya ito palabas ng bahay. Bitbit nito ang isang eco bag na puno ng mga damit.

“Naku, wala iyon, 'no. Kesa naman kung kanino ko ibigay. Meron pa nga ako doon sa isa kong lagayan ng damit pero sa susunod na lang. Pagabi na rin, e. Pauwi na si Ian at kailangan ko pang magluto!” Huminto sila sa may bukana ng pintuan para makapag-usap saglit.

“Wow naman… Housewife na housewife ka na talaga, ghorl! Iba na si Ivana! Marunong ka na rin magluto ngayon, ha!”

Bahagya siyang natawa. “Hindi pa nga masyado. Tamang nood lang ng mga tutorial sa Youtube. Alam mo naman na basic lang ang alam ko sa pagluluto.”

“Bakit kasi hindi ka na lang kumuha ng katulong para nakakapag-pamper ka ng self mo?”

“Naku, hindi na. Ang gusto ko ay ako mismo ang mag-aasikaso kay Ian. Saka natatandaan mo ba iyong katulong na kinuha ko noong buntis pa ako? Nilandi-landi lang si Ian hanggang sa mainis ako at pinalayas ko na!”

“Ay, oo. Naalala ko pa iyon! Dapat kasi ay matanda ang kunin mo.”

“Huwag na lang—” Napahinto sa pagsasalita si Ivana nang nakita niyang huminto sa harapan ng bahay nila ang kotse ni Ian.

Sandali niyang iniwan si Yssa upang ipagbukas ng gate si Ian. Pagkabukas niya ay pumasok na ang kotse at pumarada na sa garahe. Saka niya isinara ang gate at sinalubong ng halik sa labi si Ian pagkababa nito ng sasakyan.

“Ah, daddy, nandito pala si Yssa. Kilala mo na siya, 'di ba? Bestfriend ko…” aniya habang naka-angkla siya sa braso ni Ian at papalapit kay Ian.

Tumango ito. “Oo. Kilala ko na siya.” Matipid nitong sagot.

“Sige. Aalis na ako. Need ko na rin makauwi, e. Bye! Thank you ulit, ghorl!” Niyakap muna siya ni Yssa bago ito tuluyang umalis.

Nauna nang pumasok sa loob ng bahay si Ian at saka lang siya dito sumunod nang mawala na sa paningin niya ang kaniyang kaibigan. Wala sa salas si Ian kaya umakyat siya sa kanilang kwarto. Naabutan niya itong naghuhubad ng damit sa harapan ng closet nito. Mahimbing pa rin na natutulog ang anak nila sa crib.

“Kumusta pala ang araw mo?” tanong ni Ivana matapos niyang lumapit kay Ian.

“Anong pagkain?” Imbes na sagutin ang pangungumusta niya ay tinanong muna siya nito.

“Wala pa akong nailuluto, daddy. Pero ang balak kong lutuin ay nilagang baka sana. 'Di ba, sabi mo kahapon ay gusto mo ng sabaw? Nakabili na ako ng ingredients kaya—”

May inis sa mukha na humarap si Ian sa kaniya habang brief na lang ang suot nito. “What?! Nilagang baka talaga? Anong oras pa ako makakakain niyan, ha? Alam mo ba kung gaano katagal palambutin ang karne ng baka, Ivana? Hindi mo ba nabasa ang message ko sa iyo na pauwi na ako at nagugutom na ako. Ang sabi ko ay magluto ka na!” pabulyaw nitong sabi.

The Unfaithful WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon