GIGIL na gigil na pinatay ni Ivana ang telebisyon matapos niyang mapanood doon ang interview ni Giovana sa isang morning show. Kasama niya sa salas si Yssa ng umagang iyon. Sa pamamagitan ng Youtube ay nagawa nilang mapanood ang interview na iyon ng asawa ni Ian.
“Bakit mo pinatay? Netflix naman tayo, ghorl!” reklamo ni Yssa.
Magkatabi sila sa sofa habang nakataas ang mga paa. Wala doon si Ian dahil nasa trabaho ito.
“Punyeta talaga 'yang Giovana na iyan. Nakakagigil! Ginamit ang impluwensiya bilang artista. Kung gusto niya ng giyera, harapin niya ako ng personal at hindi iyong ipinakita niya ang pangalan at picture ko sa TV!” Kulang na lang ay umusok ang ilong ni Ivana sa labis na galit.
Malamang ay alam na ng pamilya ni Ian at ng nanay niya ang lahat. Natatakot siya sa pwedeng gawin ng mga ito sa kaniya. Pero sabagay, hindi naman alam ng mga ito kung saan siya nakatira kung sakaling susugurin siya ng mga ito. Wala na naman siya sa bahay ni Nicholas at hinding-hindi na siya babalik doon.
Dito na siya maninirahan sa bahay ni Nicholas at kapag napawalang-bisa na ang kasal nito kay Giovana ay lilipat na siya doon sa bahay ng mga ito. Talagang sisipain niya palabas si Giovana para makaganti man lang siya sa ginawa nitong pamamahiya sa kaniya sa buong Pilipinas!
“In all fairness, pretty ka naman sa picture na ipinakita, a! Freshness ka doon, ghorl!”
Napaisip si Ivana. “Sabagay. Saka maganda naman ako sa lahat ng picture ko. Kahit saang angle ay maganda ako!” At nag-pose pa siya ng iba’t iba na akala mo ay isang modelong inilalagay sa kalendaryo ng alak.
“Ay, ganda! Wait… Hold mo 'yang pose mo na iyan, ghorl. Ang ganda, e. Super!” ani Yssa sabay labas ng cellphone nito.
“Ito ba?” Nakatuwad kasi siya sa ibabaw ng sofa na akala mo ay pusang naghahanap ng tinik.
Pinatulis pa niya ang puwitan at pina-fierce ang mukha nang itutok sa kaniya ni Yssa ang camera ng cellphone nito. Pinicturan siya ni Yssa at isi-nend sa kaniya gamit ang ShareIt.
“Ay, ang ganda ko nga! Feel ko siyang i-upload sa Facebook ko!” Natutuwa niyang pakli.
“Go na, ghorl! For sure, tatabo iyan ng reactions!” susog pa ni Yssa.
Napakalaki ng ngiti niya nang i-upload niya ang picture niya na gandang-ganda siya.
Matapos iyon ay naisipan niyang mag-shopping na lang para mawala sandali ang inis niya sa ginawa ni Giovana. Ganoon daw kasi kapag mayaman na, nagsho-shopping kapag stressed. At dahil feeling ni Ivana ay mayaman na siya, ganoon ang gagawin niya. Siyempre, hindi niya problema ang pera dahil sa credit card na ibinigay sa kaniya ni Ian. Lahat ay kayang-kaya niyang bilhin.
-----ooo-----
Nag-GRAB na lang sila ni Yssa papunta sa mall. Eksaktong pagdating nila ay bukas na ang mall kaya hindi na nila kailangan pang maghintay ng matagal sa labas. Akala mo ay mga baboy na pinakawalan sa kulungan sina Ivana at Yssa pagkapasok nila sa mall. Literal na tumakbo silang dalawa sa tindahan ng mga luxury bags.
BINABASA MO ANG
The Unfaithful Wife
Roman d'amour[COMPLETED] Inakala ni Ivana na sapat nang dahilan ang pagmamahalan nila ni Nicholas para pakasalan niya ito. Ngunit nang dumating sila sa punto ng buhay nila na nalugmok na sa kawalan ng trabaho ang kaniyang asawa ay napatunayan niyang hindi totoo...