CHAPTER 24

3.9K 151 27
                                    

WALA sa tabi ni Giovana si Ian nang magising siya ng umagang iyon. Pagtingin niya sa kaniyang cellphone ay may text message ito na nagsasabing magiging busy ito ng araw na iyon dahil sa sunud-sunod na meeting na kailangan nitong puntahan.

Napasimangot siya dahil may pakiramdam siya na nagsisinungaling si Ian.

Bakit nga kaya ganoon? Once na magsinungaling sa iyo ang isang tao ay sinungaling na siya para sa iyo habangbuhay. Lahat ng sasabihin o gagawin niya ay pagdududahan mo kahit na wala siyang ginagawang mali. Ngayon niya napatunayan na kapag ang tiwala ang nasira, mahirap na talagang ibalik. Para itong isang salamin na nabasag na hindi mo na maibabalik sa dati at kung pipilitin mong buuin ito ay malaki ang tyansa na ikaw ay masusugatan.

Maya maya ay bumangon na si Giovana at bumaba upang kumain ng breakfast. Tinamad na siyang mag-exercise kaya dumiretso na siya sa pagkain. Matapos kumain ay nag-isip na siya ng susunod niyang gagawin. Hindi pa kasi tapos ang bakasyon niya kaya wala pa rin siyang trabaho.

Ngunit imbes na mag-shopping o pumunta sa kung saan ay naisipan niyang tingnan ang CCTV footage sa bahay nila sa araw na pinaghihinalaan niyang may dinalang babae dito si Ian. Hindi niya kasi nagawang i-check iyon noong isang araw dahil bigla siyang kinausap ni Ian at medyo nakalimutan na niya ang bagay na iyon. Mabuti na lang at naalala niya ulit.

Nagpunta na siya sa harap ng computer nila upang tingnan ang mga recorded footage ng CCTV cameras sa bahay nila.

Ang tiningnan niya ay ang camera sa may front door. Pumunta agad siya sa date kung saan siya biglang dumating mula sa Balesin. Inumpisahan niya iyong panoorin.

Ini-skip niya nang paunti-unti hanggang sa may makita siyang babaeng pumasok sa gate at akala mo ay taga-roon sa kanila na hindi man lang nag-alinlangan na binuksan ang pinto sa front door at pumasok. Agad na bumilis ang tibok ng puso ni Giovana sa gigil. Sigurado siya na ang babaeng iyon ang babae ng kaniyang asawa!

Binalikan niya ang pagpasok ng babae. Pi-nause niya at in-screenshot. Saka niya tiningnan ang screenshot at zi-noom ang picture upang makita ang mukha ng babae. Maganda ang CCTV camera na naka-install sa bahay nila kaya malinaw na malinaw ang mukha ng babae doon at parang pamilyar sa kaniya ang mukha ng haliparot na iyon.

Nagmamadali niyang kinuha ang kaniyang cellphone at tiningnan niya ulit ang Facebook profile no’ng Ivana Cuenca sa friend’s list ni Ian. Pinagkumpara niya ang mukha ng babae sa CCTV at ang picture ni Ivana.

Tumiim ang bagang ni Giovana sa galit nang makumpirma niyang iisang tao lang si Ivana at ang babae na nakuha sa CCTV na pumasok sa bahay nila. “Ivana Cuenca… Ikaw lang pala ang kabit ng asawa ko!” Mahina niyang sabi habang nanlilisik ang mga mata na nakatingin sa picture nito sa kaniyang cellphone.

Ngayong sigurado na siya kung sino ang ahas sa buhay nila ng kaniyang asawa ay pwede na siyang kumilos para mawala ang ahas na iyon!


-----ooo-----


MAG-ISA na naman si Ivana sa kaniyang hotel room. Kakaalis lang ni Yssa dahil may pasok na ito. Nag-breakfast lang ito kanina at umalis na rin. Nakatutok lang siya sa cellphone niya at tinitingnan ang profile ni Ian sa Facebook. Wala itong bagong post. Mukhang hindi na nito nahahawakan ang cellphone nito dahil kasama nito si Giovana.

Tamad na tamad na siya habang nakaupo sa sofa. Ayaw naman niyang manood ng TV dahil sa dami ng pwedeng mapanood sa Netflix na movie at series ay wala siyang mapili.

Gusto sana niyang tawagan o i-message si Ian para kahit man lang sana sa ganoong paraan ay makausap niya ito. Kaya lang ay hindi niya iyon maaaring gawin. Mahigpit siyang pinagbawalan ni Ian ang pagte-text niya o kaya ay pagtawag kapag kasama nito ang asawa nito. Naiintindihan naman niya kung bakit. Masakit lang talaga na kailanga siya nitong itago.

The Unfaithful WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon