Prologue

59 4 0
                                    

Third Person

Naglalakad sa gitna nang gubat ang isang babae habang patuloy na inaalala ang lahat nang sinabi nang bibisitahin nito. Pero dahil nga sa sadyang magulo talaga para sa kaniya ang lahat ay napagpasiyahan niyang puntahan ulit ang taong iyon upang magtanong pa dito. Pero sa kalagitnaan nang paglalakad niya papunta sa bahay nang babaeng bibisitahin ay nakaramdam siya nang kakaiba. Napakabigat nito at bumabalot sa hangin ang tensyong nararamdaman niya, kaya naman ay pumasok sa isip niya na baka may hindi magandang nangyayari sa bahay na pupuntahan niya. Dahil dito ay nagmamadali niyang tinakbo ang daan patungo sa destinasyon niya at nang makarating nga siya sa bahay na iyon ay binalak niya na sanang pumasok at alamin ang mga nangyayari, pero pakiramdam niya ay may pumipigil sa kaniya na pumasok dito, kaya naisip niya na sa bintana na muna tumingin.

Nang makapuwesto ay hindi na siya nagpaligoy-ligoy pa at tiningnan ang kaganapan sa loob. Ganoon nalang ang gulat niya nang makita ang babaeng sadya niya, na naka pin sa pader at tuloy-tuloy ang pag-agos nang dugo nito pababa mula sa katawan nito papunta sa sahig kung saan siya nahihirapan. Sa harap nito ay may mag-inang nakatayo na parang hindi man lamang nasisindak sa nangyayari. Ang ina ay tuwang-tuwa pa sa nakikita nito, samantalang ang dalawang taong gulang na bata naman ay umiilaw nang napakaitim ang mga mata at ang sama nang awrang linalabas nito, dahilan nang pagpigil sa taong nasa harap nila.

Kailangan may gawin ako. Pero ano?

Nag-aalalang tanong nang babaeng nasa labas habang natatakot na nakatingin sa nangyayari sa babaeng naka pin. Tinangka niyang pumasok doon, pero narinig niya ang boses nang babae sa isipan niya.

"Z-Zyn..." Tawag nito sa kaniya na ikinagulat niya. "Huwag ka nang p-pumas-s-sok, mada-d-damay k-ka lang d-d-dito." Sambit pa nito, at ramdam niya ang paghihirap sa boses nito, kaya naman ay naluha siya.

"Pero Silver... Hindi ko kayang makita kang ganiyan. Ayokong pati ikaw eh mawala din sa akin." Sabi pa nito sa kausap, pero nakita niya lang ang pagsuka nang babae nang dugo na ikina-awa niya lalo at ikinaluha niya pa nang mas malala.

"Hindi ba't... S-Sab-bi ko s-s-sa'yo na... M-May papalit din s-sa akin?" Kahit nahihirapan ay pinilit parin nitong magsalita, kaya lalo lamang nahihirapan si Silver.

Bigla namang pumasok sa isipan ni Zyn ang lahat nang mga sinabi sa kaniya ni Silver na naging dahilan para mapaisip siya na marahil ay ito na ang simula nang mga sinabi nito sa kaniya. Na lahat nang mga sinabi ni Silver ay nagkatotoo na. Pero hindi niya parin talaga maiwasang hindi malungkot at magalit dahil sa mga nasasaksihan niya. Hindi pa naman kasi siya handa sa mga kaganapan, pero mukhang magaganap na nga talaga'ng lahat. Sinubukan niya ring tanungin si Silver kung bakit ayaw niyang lumaban kahit kaya niya, pero ang tanging sagot lang nito sa kaniya ay masyado pang inosente ang bata at nasa ilalim lang ito nang kontrol nang sariling ina.
Nasaksihan niya din kung papaanong utusan nang masamang ina ang anak nito na mas lalong pahirapan si Silver, at kung papaano naman ito sundin nang ganoon lang kadali nang anak nito. Kaya naman ay hindi niya na kinaya ang lahat nang pagtitiis at pinasok na ang bahay.

"Daikara! Ako ang harapin mo!" Sigaw ni Zyn habang galit na nakatingin sa kinausap na babae. Hindi naman umimik ang bata at patuloy parin sa ginagawa nitong pagpapahirap kay Silver, habang si Daikara naman ay napatingin kay Zyn.

"Aba? Mukhang may nakakakilala pa sa akin maliban sa asungot na ito at sa dalawang buntot niya?" Nakangising sambit nito at napatutok sa babae. Laking gulat naman nito nang makilala niya ang mukha nang dalaga. "Mukhang may natira pa pala sa angkan nang mga Tenshino? Naalala ko tuloy ang iyong ina." Napaka sarkastiko nitong magsalita na akala mo ay hindi man lang ito nadala sa galit nang dalaga.

Animenia: School Of Aura [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon