Zyn
Mabuti nalang at nakarating kaagad ang ambulansiya, kaya hindi na kami masyadong nahirapan sa pagpapatigil sa dugong tumutulo sa kawawang matanda na ito. Kaagad naman kasi kaming dinaluhan nang makita kami nang mga nurse at isang doktor, kaya nagawa nang maipatigil ang pagdurugo. Isinakay na namin siya sa sasakyan matapos niyang malapatan nang paunang lunas, pero nang saktong aandar na ang sasakyan ay laking pagtataka namin nang hindi man lang ito dumiretso. Bagkus ay tumigil pa ito at iniluwa ang ulo nang driver sa bintana. Nandito lang naman kaming tatlo nina Yokari at Celestair sa likod nang sasakyan. Hindi kami nakasakay, nasa likod lang kami at umaalalay sa mga dadaan.
"Oi! Excuse me lang po bata, emergency po ito, kaya padaanin niyo ho kami!" Sita nang driver sa kung sino man ang nasa harapan nila.
"Pasensiya na, pero hindi ako makapapayag na dalhin niyo yang taong 'yan sa ospital. Makakapaminsala siya." Sambit naman nang isang boses babae sa harap, kaya napakunot ang noo ko.
Babae?! Ano'ng ibig niyang sabihin sa makakapaminsala? Bakit niya kami pinipigilan?
"Ano ba'ng pinagsasasabi mo? Wala siyang virus ok? Padaanin mo na kami-"
"Hindi na siya tao! Kung gusto niyong mabuhay pa siya, ibigay niyo siya sa akin ngayon din." Putol naman nang babae sa sinasabi niya, kaya sinubukan kong pumunta sa harap, pero naunahan ako ni Celestair.
"Hindi ko alam kung ano ang binabalak mo, pero... Kung sino ka man, please, hayaan mo sila. Ano ba'ng alam mo? Eh parang kararating mo nga lang dito eh. Isa pa, balot na balot yang katawan mo, eh sikat naman ang araw. Sabihin mo, sino ka ba? At ano'ng pakay mo sa pasyente?" Tanong nito sa babae, pero hindi sumagot ang babae, bagkus ay yumuko ito.
"Wala na akong ibang magagawa. Pasensiya na kayo." Dahil sa sinabi niya ay lalo akong nagtaka at naglabas naman siya nang isang bulaklak. Puting rosas ata yun? Basta sobrang puti at ang gandang tignan. "Deep slumber." Inihagis niya ang rosas papunta sa harap nang sasakyan at nakita ko kung papaanong unti-unting maghiwalay ang bawat petals nito, kasabay nang pagpunta nito sa bawat tao sa loob ang pag-ilaw nang sobrang puti, kaya napatakip ako nang mata.
"Ano ba namang?!" Tumagal iyon nang dalawang minuto, at nang mapansing naglaho na ang nakakabulag na liwanag ay napatingin ako sa sasakyan. Maski pala sina Yokari at Celestair ay napatakip din at nakita namin ang sasakyan na nakabukas ang likorang parte at nawawala ang matandang lalaki.
"Tch! Naisahan niya tayo dun ah?" Singhal ni Celestair.
"Kung gano'n ay marunong din pala siyang gumamit nang awra? I didn't see that coming though." Sambit naman ni Yokari, kaya napahawak ako sa noo ko.
Palpak nanaman!
"Pero kung totoo man ang sinasabi niya na hindi na nga tao ang matandang iyon... Ano siya?" Tanong pa ni Yokari, kaya napaisip din ako.
Kung hindi nga naman na tao ang matandang iyon...
"Baka isa sa mga sugo nanaman ni Daikara." Sambit ko, at napapatangong sumang-ayon naman ang dalawa. "Pero sino yung babaeng kumuha sa kaniya?" Takang tanong ko at doon ay natahimik kaming tatlo.
Shit! Ayoko sanang isipin na masama rin siyang tao, pero...
Kaagad akong lumuhod at hinawakan ang lupa. Kaagad kong sinambit ang spell na spacial awareness na kaagad namang gumana at naramdaman ko kaagad ang bawat awra nang bawat tao. Sa pagkakatanda ko kasi ay kakaibang kulay nang puti ang awra nung babae, kaya paniguradong makikita ko kaagad siya. Pero sa tinagal-tagal kong pagsuyod sa buong lugar ay wala akong napansing kakaiba.
BINABASA MO ANG
Animenia: School Of Aura [Completed]
General FictionAno kaya ang mararamdaman mo kapag nalaman mong may kakambal ka sa isang dimensyong napaka layo sa reyalidad? Saksihan ang buhay nang isang dalaga na kinailangang palitan ang kapatid niya sa hindi inaasahang lugar at pangyayari.
![Animenia: School Of Aura [Completed]](https://img.wattpad.com/cover/216539499-64-k18653.jpg)