Third Person
"Duwag!" Saad nang boses at naramdaman nalang ni Dessa na para siyang naparalisa. Hindi na siya makakilos, pero nakikita niya ang sariling katawan na gumagalaw.
"Ganito ang pakikipag laban!" Nagulat naman si Celestair sa mga nangyayari. Kanina kasi ay nakikita niya ang takot sa mukha ni Dessa, pero ngayon ay daig pa nito ang kakain nang buhay.
Narinig niya ang pagsigaw ni Dessa at sa likod nito ay may itim na bilog ang biglang lumitaw at sa bilog na iyon ay nakaukit ang yinyang. Iyon nga lang parang kulang ito dahil imbes na may puti ay kalahating itim lang ang ipinakita dito.
"Tikman mo 'to!" Sigaw ni Dessa at mula sa mga kamay nito ay bigla na lamang lumabas ang nakakatakot na awrang ni kahit kailan ay hindi pa nararamdaman ni kahit kanino. Purong itim ito at may namumuong hugis pa dito habang papalapit sa pwesto ni Celestair.
Saktong isang metro nalang ang layo nito nang maging kulay itim itong dragon na saktong tumama kay Celestair at ikinatalsik nito. Napa aray naman ang lalaki sa sakit na hindi inaasahan.
"Grabe! Ang lakas nun!" Daing niya, pero imbes na matakot ay napangisi siya. "Kung siya na nga talaga yun... Mukhang magiging masaya 'to." Sambit niya at nakita niya naman ang biglaang papalapit na pigura ni Dessa kaya kaagad siyang umalis sa pwesto niya at mabuti nalang ay ginawa niya iyon dahil biglang nagpakawala si Dessa nang itim na mahika na naging sanhi nang malaking butas sa lugar kung saan siya galing kanina.
"Bakit ka tumatakbo? Naduduwag ka na ba?" Tanong ni Dessa sa kaniya kaya naman ay napatingin siya dito.
"Nag-iisip lang ako nang pwedeng ipang laban sa'yo." Sagot niya kahit na ang totoo ay handa na siya sa binabalak niya. Inilagay niya ang kamay sa likod niya at palihim na ginamit ang kapangyarihan upang kontrolin ang mga sanga sa likuran ni Dessa. "Dapat binabantayan mo ang paligid mo." Dugtong niya pa at pinakawalan ang mga sanga, pero nagulat na lamang siya nang hawakan ni Dessa ang mga tanim na siyang ikinamatay naman nito kaagad. "Ano'ng-?!" Gulat na tanong niya.
"Sa tingin mo ba ganoon lang ako kadaling maiisahan nang isang tulad mo?" Nakangising tanong ni Dessa na parang hindi makapaniwala.
Nagpakawala ulit ito nang itim na awra at sa pagkakataong ito ay sunod-sunod na ang ginagawa nito at lahat nang iyon ay inaasinta si Celestair, kaya walang ibang magawa ang lalaki kundi ang umiwas. May kabilisan din kasi ang kilos ni Dessa kaya nahihirapan siyang mag-isip at umiiwas nalang. Pero sa itinagal-tagal na pagtakbo ay nakaramdam siya nang pagod at biglang tumigil ang paa niya, dahilan para matumba siya sa sahig.
"Sa tingin mo ba matatakasan mo ako?" Mayabang na tanong ni Dessa at doon napagtanto ni Celestair na ang mahika pala ni Dessa ang nagpatigil sa kaniya. May mga ugat kasi nang tanim na nakapulupot sa paa niya at pinipigilan siyang kumilos, at ang mas nakapagpagulat sa kaniya ay ang kulay nito. Sobrang itim at walang ibang makitang kulay. Wala naman din siyang natatandaang ganoong kulay nang ugat sa buong paaralan, dahil ang lahat ay kulay brown. Kaya laking pagtataka niya kung paanong nagkaroon nang ganoong ugat doon. "Ha! Nasaan na ang kayabangan mo kanina? Bakit hindi ka na lumalaban?" Medyo nagbago ang boses ni Dessa. Lumalim ito nang konti at naging mas maitim pa ang naramdamang awra ni Celestair, kaya nakaramdam siya nang takot. Napaisip din siya na marahil ay mali ang mga iniisip niya patungkol sa babae at isa lang itong impostor.
BINABASA MO ANG
Animenia: School Of Aura [Completed]
General FictionAno kaya ang mararamdaman mo kapag nalaman mong may kakambal ka sa isang dimensyong napaka layo sa reyalidad? Saksihan ang buhay nang isang dalaga na kinailangang palitan ang kapatid niya sa hindi inaasahang lugar at pangyayari.
![Animenia: School Of Aura [Completed]](https://img.wattpad.com/cover/216539499-64-k18653.jpg)