Yokari
Umuwi na ako mag a-alas otso palang nang gabi. Hindi naman kasi nagtagal ang paggamot ni Zyn kay Dessa at sabi nang landlady ay dapat hanggang alas diyes lang daw nang gabi pwede ang mga bisita doon sa dorm nila. And believe me or not, nahirapan din kaming magpaliwanag sa landlady kung bakit kailangan naming samahan ang studyante niya doon. Daig niya pa siguro bobo eh! Hindi makaintindi. Pero I get her naman eh, dahil bawal talaga ang boys sa dorm na iyon, I was the very first exemption, pero hindi namin ito ipapa alam sa iba, kundi? Matatanggal siya sa trabaho niya, at ayokong maging dahilan nun.
Pero nais ko lang ipaliwanag sa inyo ang lahat para hindi kayo mag-isip nang kahit na ano. And I meant about how I got in contact with Zyn.
Remember the time when she just appeared out of nowhere at kinausap si Dessa? Naghinala kaagad ako dahil hindi naman talaga nagpapapasok nang ibang student ang school namin, maliban nalang kung VIP yun o ano. Isa pa, napaka weird lang kasi na parang si Dessa lang ang kilala niya dito sa school hindi ba? But don't get me wrong. Mapanghinalang tao lang talaga kasi ako at isa pa... Tch! Bahala na nga! Bakit nga ba ako nagpapaliwanag dito? Kaya lang naman ako nagkaroon nang contact kay Zyn ay dahil sa kinalikot ko yung cellphone ni Dessa one time when we were at the hidden garden.
Naalala nyo ba yung time na nagsisisigaw siya nang tulong doon dahil sa takot? Palihim ko lang namang kinuha ang cellphone niya at tiningnan doon ang number ni Zyn at sinave sa cp ko, at nung tinuturuan ko na siyang mag concentrate ay saka ko ito binalik sa kaniya. Kahit naman maikli lang ang palda nang uniform nila, may bulsa din naman yun kung hindi nyu alam. At kung papaano ko nalamang iyon ang number ni Zyn? Simple! Dahil tatlo lang ang contacts ni Dessa, at ang dalawa doon ay members nang Volleyball club, which is weird, dahil bago palang siya dito, pero may contact na kaagad siya sa kanila? Kaya ayun, piece of cake!
Anyway, ayun nga. Nung time na nagsimula na nang praktis sa Volleyball si Dessa ay binantayan ko siya at hinintay ko siya doon sa gym, sa kadahilanang, baka mawala nanaman siya sa sarili niya, at least nadoon ako upang matulungan ko siya. Anyway, habang nakaupo ako sa punong malapit sa bintana at sa pwesto kung saan ko siya madaling nakikita. Biglang napansin ko ang pagbagsak niya, kaya kaagad kong minessage si Zyn at nung una ay nireplyan niya ako at nagtatanong siya kung sino daw ako pero sinabi kong kilalang-kilala ako ni Dessa at na disgrasiya ito and after that ay hindi na ako nakatanggap nang message mula sa kaniya.
Doon ko lang din napagtantong tama nga ang hinala ko sa babaeng 'yun dahil bigla ko nalang naramdaman ang kakaibang awra na bumalot sa hangin at bigla nalang siyang lumitaw. Ibig sabihin, ay katulad din siya sa amin ni Dessa. Nakita niya naman ako sa taas nang puno at nagulat siya, pero nawala din kaagad ang reaksyon na iyon nang kausapin ko siya telepathically. At ayun ang pangalawang engkwentro namin ni Zyn.
Hindi naman na ako kumain dahil masyado na akong nabusog sa mga kinain ko doon sa taas nang puno. Ang daming bunga nitong mangga eh. Isa pa, inaantok na ako kaya nagpasiya na akong matulog. Nasa isang dorm din naman ako natutulog eh, yun nga lang, sa kabilang daan ang nilalakad ko dahil magkaiba nga diba ang dorm nang mga babae at lalaki. Nakahiga na ako habang iniisip ang mga nangyari kanina.
Masyado talagang buwis buhay ang babaeng 'yun. Napaka wirdo.
Sambit ko sa isipan habang naaalala yung sinigaw niya sa gym. Yun bang 'Ayokong matalo!' expression niya kanina. Kaya naman ay napangiti ako. Napaka tapang niya at kung tutuusin ay parang hindi naman talaga siya ganoon kahina. Siguro, may pumipigil lang sa kaniya na kumilos nang malaya. Kaya naman kailangan kong malaman kung ano 'yun. Pero sa ngayon mukhang hindi pa siya handa na i-share ang lahat. Lalo pa at dapat ay walang masyadong nakaka alam sa identity niya. Kaya nga hindi siya masyadong malapit sa mga estudyante doon sa school-
BINABASA MO ANG
Animenia: School Of Aura [Completed]
Ficción GeneralAno kaya ang mararamdaman mo kapag nalaman mong may kakambal ka sa isang dimensyong napaka layo sa reyalidad? Saksihan ang buhay nang isang dalaga na kinailangang palitan ang kapatid niya sa hindi inaasahang lugar at pangyayari.
![Animenia: School Of Aura [Completed]](https://img.wattpad.com/cover/216539499-64-k18653.jpg)