Chapter 36: Misunderstandings

0 0 0
                                    

Yokari

Bumalik ako kaagad matapos ang tatlong oras na paghahanap kay Dessa. Nalaman ko rin na umalis si Zyn upang maghanap din, pero medyo natagalan naman ata siya sa paghahanap? Ano na kayang nangyari sa kaniya? Ok lang kaya siya? Sana naman walang nangyaring masama sa kaniya.

"Andito na ako." Speaking of the healer. Kararating niya lang, at mukhang may nagtataka siyang ekspresyon, kaya tiningnan ko ito na parang nagtatanong kung may problema ba. "Celestair? May mga nakaka alam pa ba sa school na 'to bukod sa atin?" Tanong nito sa kaharap ko, kaya napaisip ito.

"Medyo matagal-tagal na ring panahon ang lumipas nung huling magkaroon nang taong nakaka alam sa lugar na ito. Alam nyo namang hindi nakikita nang mga normal na tao ang school na ito diba? Bakit mo nga pala natanong?" Sambit naman nito habang ako naman ang nakikinig lamang sa pinag-uusapan nila.

"Kanina kasi, nung nasa tren ako ay may nakausap akong matanda at sinabi niyang nag-aral daw siya dito, at isa pa, kilala niya si Silver." Sambit nito, kaya nakuha nito ang atensyon ko.

"Lahat naman nang tao ay kilala si Silver eh. Mapa normal na tao o hindi, ano'ng konek nun sa school?" Tanong ko naman, kaya napa buntong hininga siya.

"Madami kasi siyang naisabi sa akin na kakaiba. Like, hindi daw natin makikita ang isang guardian deity, kung hindi siya mismo ang lalapit at magpapakita sa atin." Paliwanag nito, kaya medyo naguguluhan ako sa mga sinasabi niya at alam ko na ganoon din si Celestair dahil nakakunot ang noo nito. "Isipin niyo guys. Dessa is the new guardian deity, kaya kung totoo man ang sinasabi nung matanda, mukhang wala na talagang pag-asa pa na makita natin siya." Sambit nito, kaya napa isip din ako.

Kung totoo man ang sinasabi nung matanda. Ibig bang sabihin?

"Pero hindi naman ibig sabihin na ganoon nga, ay hindi na natin siya makikita. Tandaan niyo, hindi pa rin sanay si Dessa sa kapangyarihan niya, kaya natural lang siguro na hindi natin malaman kung nasaan siya, lalo pa kung malalaman natin na si Daikara nga ang dumukot sa kaniya, dahil baka ipinagkait na sa kaniya ang kapangyarihan niya." Dahil sa sinagot ni Celestair, ay napatingin silang dalawa ni Zyn sa akin, kaya inosente akong napatingin sa kanilang dalawa, at nung ma realize ko ang ibig nilang sabihin ay napataas ako nang kamay.

"Pwede ba? Wala akong alam sa mga pinagsasabi niyo. Isa pa, ilang taon na akong hindi umuuwi sa amin, kaya malay ko bang nandoon siya?" Sagot ko habang nakakunot ang noo. Tiningnan naman nila nang nakasingkit ang mata, kaya tinutukan ko sila at itinaas ang kilay ko.

"Ok sige, suko na ako." Sabi kaagad ni Zyn.

"Nagsasabi ka naman nang totoo, kaya why not." Sagot din ni Celestair, kaya napakunot lalo ang noo ko. "Hindi naman sa wala kaming tiwala sa'yo Yokari. Ang amin lang kasi, nanay mo parin siya kahit ano'ng mangyari. Kaya ka parin niyang kontrolin kahit ano'ng sitwasyon pa ang dumating."

"Hindi naman sa masama ang iniisip ko ha? Pero... Pinagdududahan mo ba ako?" Tanong ko sa kaniya at medyo sumama ang pakiramdam ko. Parang medyo nandilim ang pagtingin ko sa kaniya.

"Yokari, huminahon ka nga muna. Pakinggan mo ang side namin, please. Wala kaming balak na ipamukha sa'yo na katulad ka rin nang ina mo. Pero naninigurado lang naman kami. Tandaan mo, ikaw ang dahilan kung bakit namatay ang kakambal ni Dessa." Dahil sa sinabi niya ay natahimik ako. May punto siya sa sinabi niya.

Animenia: School Of Aura [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon