Chapter 47: Back to Normal

4 0 0
                                        

Des

Kaagad akong napaupo at kahit na ramdam ko ang pagsakit nang likod ko dahil sa pagkaipit nung pakpak ko ay wala na akong paki alam. Kaagad kong dinaluhan si Yokari. Inagay ko ang ulo niya sa hita ko at pinakiramdaman siya.

"Yokari? Gumising ka... Yokari!" Tawag ko, pero nakapikit lang siya at walang malay. Kaagad akong nag-isip nang paraan. At nang may pumasok sa isipan ko ay kaagad kong ginagawa. "YinYang's ressurection... Yin's cure of darkness!" Sambit ko sa spell habang nakatapat sa puso niya ang kaliwang palad ko. Pero kahit na pumasok na ang awra ko ay walang nangyari. "Yokari! Yokari! Gumising ka! Oi?! Ano ba! Don't you dare die on me, kono boke (You dumbass)!" Sigaw ko at tinapik-tapik ang mukha niya, umaasang magigising pa siya.

Napalapit na rin ang apat kong kasama ngayon. Gising na si Celestair at mukhang wala man lang nangyari sa kaniya dahil sa hitsura at pagkilos niya ngayon. Parang kararating niya lang. Kinukwento naman sa kaniya ni Zyn yung mga nangyari kanina habang wala pa siyang malay.

"Tasukete kuremasenka (Can you help me please)?" Malungkot na tanong ko at kinakabahan na ako, kaya hindi ko na napigilang hindi mag panic. Hinawakan naman siya ni Heilm ay pinakiramdaman. "Ano? May magagawa pa tayo hindi ba?" Tanong ko, pero umiling lang siya. Kaya nanlaki ang mga mata ko sa takot.

"Wala na tayong magagawa. Mukhang tinanggap niya na ang lahat nang nangyayari sa kaniya." Sagot naman ni Harris, kaya napapa iling nalang ako habang nagsisimula nang tumulo ang luha ko.

"Hindi totoo yan! Yokari! Gumising ka! Oi! Baka (Idiot)! Oi! Gumising ka, please!" Napahagulgol na ako sa iyak at napayakap nalang sa kaniya dahil sa sobrang lungkot. Wala na rin akong pakialam kung ano man ang maging hitsura ko dito. Wala na ako pake kung mabasa man nang luha ko ang damit ni Yokari.

Gusto ko siyang magising! Ayokong mamatay siya! Ayokong mawalan nang isang kaibigan!

Hindi ako kumalas sa kaniya. Hangga't maaari ay ayaw kong humiwalay sa kaniya. Siya lang ang lalaking nakakaintindi sa akin. Siya lang ang lalaking naging mabait sa akin, maliban kay Celestair. Siya kang ang lalaking nagpaintindi sa akin patungkol sa buhay. At higit sa lahat... Siya lang ang lalaking nagustuhan ko nang hindi ko namamalayan.

"Please Yokari... Ayokong mawala ka sa akin." Pabulong kong sabi at maya-maya lang ay nakaramdam ako nang kamay na parang yumayakap sa akin, at sobrang nakakagaan ito nang loob. Parang, pamilyar ang paraan nang pagkakahawak nito sa akin. Parang si Yokari.

"Yokari?" Rinig kong tawag ni Zyn, at mukhang nagugukat pa ang boses nito.

"Buhay ka Yokari!" Si Celestair, kaya kaagad akong napa ayos nang upo at napatingin sa kaniya. Hindi naman ako halos makahinga nang makita siyang gising at ngayon ay paupo na rin. Nang maayos na ang pwesto nito ay tumingin ito sa amin isa-isa.

"Minna (guys)... Ano... About sa nangyari... Gomene (Sorry)." Utal na saad niya at napahawak pa sa batok nito. Sumagot naman ang iba, samantalang ako ay nanigas lang dito sa kinauupuan ko. "Dessa... Salamat, at... Sorry na rin dahil-"

"Huwag mo na ulit akong tatakutin nang gano'n, sira ulo ka!" Sigaw ko at nagulat naman siya sa naging reaksyon ko. "Nag-alala ako sa'yo, alam ko ba 'yon?! Hindi ko alam ang gagawin ko kung natuluyan ka ngang hinayupak ka!" Napayakap na ako nang tuluyan sa kaniya habang patuloy parin sa pag-iyak.

Animenia: School Of Aura [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon