Des
Ang malas naman talaga nang araw ko ngayon at ito pa ang kailangan kong gawin. I mean balik tayo sa nakaraan kani-kanina lang. Una, ang sama nang tingin sa akin nang mga estudyante dahil kasama ko ang isang sikat at kinikilalang Volleyball player, pangalawa, mukhang simula ngayon ay may mambu bully pa sa akin at ako ang mapapasama palagi, at pangatlo, ay ito. Makikipag sparring sa teacher?! At take note ha? Lalake pa talaga? Idagdag pa natin ang pang-apat na kamalasang... Naging ka duo ko pa ang batong ito na nasa tabi ko! Ano pa bang kamalasan ang susunod?
"Ano? Sabihin ninyo sa akin kung ready na kayo at magsisimula na tayo. So, sino ang mauuna?" Tanong nito at todo ngiti pa amp!
Excuse me sir, pero hindi na ako ntutuwa pa sa mga kaganapan dito!
Kung pwede nga lang ay sinabi ko na sa kaniya iyon. Nakaka inis kasi, todo ngisi siya samantalang ako kunot noo na dito sa pwesto ko. Ito namang katabi ko ay kulang nalang maging estatwa dahil aside sa wala na nga itong karea-reaksyon, daig pa bato sa sobrang tahimik. As in, hindi na siya nagsalita simula kanina.
"Kami po sir." Sabi nang katabi ko at-
Wait whaaat?!!
Ewan ko kung nagha hallucinate lang ba ako o talagang narinig ko siyang nagsalita, at ang mas nakakainis pa doon ay sinasabi niya bang mauuna kami?!
"Oh? HAHAHA! Mukhang meron na tayong duo na nag-anticipate sa ating activity ha?" Sabi naman ni sir at tumawa nanaman ito.
Yung totoo? Adik ba siya? O baliw na?
But... Nooo!!! Hindi ako makakapayag na mauna kami, ayoko mapahiya! Hindi ako magaling pagdating sa sparring eh! Sapakan mano pa, pero ito?! Big no!
"Pwede namang mamaya na tayo eh. Huwag muna ngayon please." Sabi ko sa kaniya at ginawa ko talaga ang lahat para lang humina ang boses ko. Ayokong mapagtawanan dahil lang sa iisipin nilang mahina ako dahil umatras ako.
"Hmm?" Naningkit ang mga mata niya habang tinitignan ako. Nilabanan ko naman ito at nagmamakaawa na nga yung mata ko kung tutuusin eh.
Sana ma gets mo! Loko ka!
Ganoon na nga yung sinasabi ko at sana naman maintindihan niya. Pero...
"That settles it then. Tuloy kami sir."
What the friggin hell?! Yokariii!!! Babaliin ko talaga mga buto mo mamaya loko ka!
Nakita ko siyang nag smirk? O baka naman ako lang iyon. Pero bwisit siya! Ngayong kami ang mauuna, paniguradong manunuod ang lahat sa amin. Lahat nang kaklase namin, at mukhang mapapahiya ako nang todo dito. Walang hiyang lalaki talaga 'to?! Mamaya sa akin 'tong mokong na 'to, ibabalibag ko talaga siya hanggang sa magmakaawa siya!
"Kung ganoon, ano ang nakasulat sa papel ninyo?" Tanong ni sir at tumingin naman ang lahat sa akin. Lalo na yung ka partner ko. 'ngina naman oh! Naalala ko, ako pala may hawak nung papel.
"M-M-Makikipag s-sparring p-po kami sa in-y-yo." Hanep naman?! Pati dila ko kinakabahan eh! Nautal tuloy ako.
Narinig ko naman ang bulungan nang mga kaklase ko na nagsasabi at nagtatanong kung kaya ba daw namin. Malakas daw kasi si sir at ni kahit kailan ay wala pang nakapag patumba dito, kaya nga siya ang ginawang P.E. teacher eh, para daw may takot ang lahat at madesiplina nang maayos. At dahil sa mga madadadang bibig nila, ay mas lalo akong nakaramdam nang kaba na kulang nalang ay manginig yung tuhod ko at mawala sa balanse.
Ano ba'ng gagawin ko? Hindi naman pwedeng tumakbo ako. Magmumukha lang akong talunan at duwag nun. Hindi rin pwedeng sabihin ko na iba nalang ang ipagawa sa amin, baka mas mahirap naman ang ipagawa. Aish!
BINABASA MO ANG
Animenia: School Of Aura [Completed]
Ficción GeneralAno kaya ang mararamdaman mo kapag nalaman mong may kakambal ka sa isang dimensyong napaka layo sa reyalidad? Saksihan ang buhay nang isang dalaga na kinailangang palitan ang kapatid niya sa hindi inaasahang lugar at pangyayari.
![Animenia: School Of Aura [Completed]](https://img.wattpad.com/cover/216539499-64-k18653.jpg)