Chapter 26: Forgotten

2 0 0
                                        

Des

Nagising ako sa ingay nang paligid ko. Daig ko pa nasa palengke dahil sa daldalan nang mga tao, ang ikinataka ko naman ay kung paanong ang ingay dito samantalang ang huling naaalala ko ay nasa clinic kami at kung tutuusin ay hindi ganoon kalaki ang espasyo nito kung tutuusin para magkasya ang ganito karaming tao. Kaya bago pa man lumawak ang imagination ko about sa mga nangyayari ay iminulat ko na ang mga mata ko at laking gulat ko nang mapansing nagbago ang kulay nang kisame.

Hindi ba dapat ay kulay white yun? Bakit parang hindi ko alam ang lugar na 'to?

"Gising ka na pala! Buti naman!" Rinig kong sabi nang nag-aalalang boses nang babae. Nang tumambad ito sa akin ay si Zyn lang pala. Ngayon lang siya ulit nagpakita sa akin ah, kahit na nagkita kami kagabi, pakiramdam ko eh ilang araw na ang lumipas. May inilapag ito sa mesa katabi nang kinahihigaan ko at pinakiramdaman ako sa pamamagitan nang paghawak niya sa noo at dibdib ko. "Medyo gumagaling ka na." Sabi niya kaya sinubukan kong umupo, pero sumakit nang bigla yung ulo ko kaya napadaing ako. "Woy! Hinay-hinay nga lang?! Hindi ka pa magaling, kaya magpahinga ka muna diyan." Medyo tumaas ang boses nito, galit ba siya? Pero bakit naman? Anyway, yung naririnig kong ingay. Sa isang T.V lang pala galing.

"Nasaan ba ako?" Tanong ko sa kaniya.

"Nandito ka sa bahay ko." Sagot niya kaya nanlaki ang mga mata ko.

"Ano'ng oras na? Tapos na ba ang klase?! Baka magalit ang teacher namin at sabihing nag cutting ako." Wala sa sariling sabi ko, pero pinigilan ako ni Zyn dahil sa sinabi niya.

Flashback
(At Zyn's School)

Nang matapos ang kaguluhan kanina sa school ay kaagad na minessage ni Yokari si Zyn bago ito mai check nang doctor at maipunta sa clinic. Nang mabasa naman ni Zyn yung message ay kaagad siyang gumawa nang paraan para makaalis sa klase niya at puntahan sila. Sakto namang wala silang ibang ginagawa kundi lessons lang at kaya niya naman daw na habulin yun, kaya nag excuse siya na sumasama raw ang pakiramdam at pupunta sa clinic saglit. Nung una ay pinasasamahan pa siya nang guro niya, pero hindi siya pumayag at umalis na para pumunta sa school ni Dessa. Alam niya rin naman na mahuhuli siya kapagka sumakay pa siya, kaya pumunta siya sa isang lugar na walang halos tao at ginamit na ang teleportation para mas madali siyang makarating. Sakto namang dumating siya sa mismong silid kung saan natutulog si Dessa at kaagad niya itong pinakiramdaman. Nang mabatid naman nito na medyo malubha ang lagay nito ay nag-alala siya. Saktong pumasok naman ang principal at nurse.

"Sino ka? Kilala mo ba siya?" Bungad na tanong kaagad nang principal sa kaniya nang makita siya nito. "Mukhang hindi ka taga rito ah? Kamag-anak mo ba siya?" Tanong pa nito nang makita ang uniform na suot nito.

"Opo... Ate niya po ako, at nagpunta po ako dito as soon as possible nang makatanggap ako nang message na may hindi magandang nangyari sa kaniya." Sagot ni Zyn sa principal at mukhang nagdududa naman ito, kaya nagsalita na siyang muli para mapaniwala niya ito. "Isa po sa mga kaklase niya ang nagsabi sa akin. Kung hindi po ako nagkakamali, lalaki po yung nag message sa akin." Sabi niya kaya nagkatinginan nalang ang dalawang matanda.

"Kung gano'n, kilala mo ba yung lalaki na sinasabi mo?" Tanong nang nurse, kaya napatango siya.

"Opo, siya po yung lalaking palaging kasama ni Dessa dito. Si Yokari Himitsu po." Sagot niya kaya nagsalita na ang principal.

Animenia: School Of Aura [Completed]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon