Third Person
Hindi mapakaling naglalakad nang paikot-ikot si Daikara sa harap nang kaniyang trono, habang kinakagat ang kuko nito. Medyo kinakabahan siya, pero mas nananaig ang galit niya sa mga nangyari. Hindi kasi umayon ang lahat sa plano niya at isinisisi niya ito sa dalawang nakatataas ang rango.
"Nakakainis!" Kasabay nang pagsigaw nito ay ang pagpapakawala nang itim na usok sa kamay niya na nagiging dahilan nang pagkasira nang bagay na matamaan nito. Ang totoo nga niyan ay halos lahat nang nasa loob nang throne room ay nagiba na dahil sa kagagawan niya. "Hindi ba't sinabi ko na bantayan lang ang kilos niya?! Ano'ng ginawa niyo! Ngayon hindi ko na alam kung saan siya nagpunta!" Patuloy ang paglabas niya nang itim na usok sa kamay niya, kaya napakalakas palagi nang pagsabog na ikinagigimbal nang mga tao sa loob.
"Pero k-k-kamahalan... A-Alam naman po siguro nang anak niyo k-kung nasaan siya... H-Hindi po ba't c-close po s-s-sila?" Takot na saad ni Kirai habang nakayuko, kaya napatingin ang reyna dito.
"T-Tama po si Kirai kamahalan... B-Baka po si prinsipe Hi-"
"Kahit naman magtanong ako, hindi pwede 'yon!" Sabi nito na ikinatahimik naman ni Hokaku bago pa nito matapos ang sasabihin. "Nahahalata kong nagdududa na ang anak ko sa mga nangyayari... Hindi pwedeng malaman niya na may balak tayo sa kaibigan niya kuno." May diing sabi niya pa sa salitang kaibigan. Alam niya kasing masaya ang anak niya na may kaibigan na siya, pero hindi niya talaga tanggap na ang kaaway niya pa mismo ng magiging kaibigan nang anak niya.
"Pagbigyan mo pa po kami nang isa pang pagkakataon... Aayusin po namin ang gagawin namin sa susunod po." Paghingi nang tiyansang sabi ni Hokaku, kaya napatingin naman ulit ang reyna dito.
"Pangako, gagawin na po namin kung ano po ang ipag-uutos po ninyo." Dugtong naman ni Kirai.
"Hindi... May mas maganda akong plano. Wala munang lalabas nang kastilyo hangga't hindi ko sinasabi. Tatahimik muna tayo sa ngayon at maghihintay nang araw kung kailan tayo kikilos. Sa ngayon ay hayaan na muna natin silang magsaya, dahil pagdating nang araw ay sa atin din mapupunta ang huling halakhak." Napaupo ito sa trono at inilagay ang dalawang kamay sa bibig habang nakangisi na akala mo ay nagtagumpay sa isang plano. Nagkatinginan naman ang dalawang mataas na rango dahil sa inasal nang reyna. "Kung wala na kayong sasabihin, umalis na muna kayo sa harap ko. Baka mamaya hindi pa ako makapag timpi at tunawin ko kayo. Alis na!" Dahil sa sigaw nang reyna ay kaagad na kumilos ang dalawa at ang lahat. Lumabas ito matapos yumuko sa reyna at nagmamadaling makalayo sa kwarto.
"Ano kayang binabalak nang reyna?" Tanong ni Kirai sa katabi nito.
"Hindi ko alam, pero mukhang hindi maganda." Sagot naman ni Hokaku.
"Ano pa nga bang bago? Eh sa palagi naman siyang ganiyan... Walang ibang hinangad kundi kapangyarihan."
"Ano ka ba naman? Baka may makarinig sa'yo!" Mahinang sumbat nito sa kasama, kaya napangisi ang babae. "Pero... Kahit ano pa'ng mangyari, susundin ko parin siya." Dugtong pa nito, kaya napatingin ang kasama nito.
"Wala naman na kasing makakatalo pa sa kaniya, lalo na kapag nakuha niya na ang pinakamalakas na bato." Napangisi silang dalawa dahil sa naisip. Wala na kasing makakatalo pa sa kanilang kamahalan, kaya alam nilang kahit na pumalpak man sila sa misyon nila, ay bubuhayin parin sila nito.
BINABASA MO ANG
Animenia: School Of Aura [Completed]
Ficción GeneralAno kaya ang mararamdaman mo kapag nalaman mong may kakambal ka sa isang dimensyong napaka layo sa reyalidad? Saksihan ang buhay nang isang dalaga na kinailangang palitan ang kapatid niya sa hindi inaasahang lugar at pangyayari.
![Animenia: School Of Aura [Completed]](https://img.wattpad.com/cover/216539499-64-k18653.jpg)