Chapter 27: Let's Get Dressed!

0 0 0
                                    

Des

Hayst... Umaga na pala. Hindi ko namalayan yung oras, hindi kasi ako halos makatulog eh. Well, nakatulog naman ako simula 8:00 kagabi, pero nagising ako nang 11:30 dahil sa hindi ko alam na dahilan, tapos bumaba ako para uminom nang gatas, buti nalang may nakita ako sa ref, kaya uminom ako at hinugasan ang pinaggamitan ko pagkatapos bumalik na ulit sa kwarto, pero hindi ako makatulog. Ang weird lang talaga dahil hindi ko alam ang dahilan. Nag cellphone naman ako, naglaro ako nang zombie catchers tapos nagbasa sa wattpad, then ayun, medyo inantok na ako kaya pinatay ko na ito at natulog na ako. Pero nagising nanaman ang nang 4:00 kaninang umaga, dahil sa nakaramdam ako nang tawag nang kalikasan. Ang lamig din kasi nung aircon, nakalimutan kong i-adjust, tapos di pa ako nakakumot dahil sa sobrang init nang nararamdaman ko, kaya hayun ang napala ko. Nakatulog din naman ako kalaunan, at ngayon ay kakagising ko lang ulit. Tiningnan ko yung orasan.

"Hmm... 7:00 o'clock na pala." Sambit ko at tinatamad pa kunong tumayo nang may bigla akong maalala. "Late na ako!" Sigaw ko at nagmamadali pang pumunta nang C.R. hindi na nagsayang pa nang segundo. Nang matapos ay lumapit ako sa cabinet ko, pero wala doon yung uniform ko.

Baka nilabhan niya?!

Nagmamadali akong tumakbo't lumabas sa kwarto ko at saktong pagbukas ko nang pintuan ay tumambad sa akin ang mukha ni Zyn na parang wala lang sa kaniya ang lahat. Nang mapansin nito ang pagkabalisa ko ay nagtanong ito na kaagad kong sinagot, pero natawa na lamang siya sa reaction ko.

"Ano ba?! Zyn! Male late na ako! Thirty minutes nalang ay oh?" Natataranta kong sabi, pero umiling lang siya kaya napakunot ang noo ko.

"Ano ka ba? Nakalimutan mo na bang inalis na kita sa school na 'yun, para sa kaligtasan mo?" Hindi makapaniwalang sabi niya, although natatawa parin siya, sinubukan niyang magsalita nang mahinahon. Bigla ko namang naalala yung mga sinabi niya sa akin kagabi, kaya napabuntong-hininga nalang ako at napaupo sa sofa, ilang hakbang ang layo sa akin. "Oh? Ba't bigla kang tumamlay? Ano'ng ganap mo?" Nag-aalalang tanong niya, lumapit ito sa akin at kinapa ako, para damdamin kung ano ang temperatura ko, siguro.

"Napa-isip lang din naman ako." Panimula ko at nanahimik lang naman siya, tanda na nakikinig siya sa akin. "Ano'ng gagawin ko dito? Hindi naman pwedeng kulong lang ako dito sa bahay mo. Dapat lumabas din ako, para at least hindi boring... Isa pa, kailangan ko paring mag-aral no?" Sabi ko at napaisip naman siya.

"Oo nga ano?" Nakatingin sa malayong sabi niya. "Pero hindi ka na pwedeng bumalik doon sa dati mong school, masyado nang risky." Pagtukoy niya sa mga nagtatangka sa buhay ko. Natahimik nalang ako, habang siya naman ay nag-iisip parin.

"Nga pala... I know na medyo weird yung itatanong ko pero..." Panimula ko, at napatingin naman siya sa akin. Bigla lang naman kasing pumasok sa isip ko eh, kaya... Why not ask diba? "Kung dito sa inyo ay nagiging posible ang mga bagay na imposible naman sa amin, doesn't that mean na... You know... May school na para sa mga tulad ko? I mean, yung makakakilos ako nang malaya, yung walang taguang magaganap... You know what I mean." Sabi ko at saglit pa siyang napatutok sa akin. Nag-iisip parin siguro siya. "Pero, mukhang hindi naman kaya-"

"Aha! Dessa, you're a genius!" Biglang sigaw nito na ikinagulat ko. Bigla nalang kasi itong nagtatalon sa harap ko na parang nanalo ito sa lotto.

"What do you mean?" Naniningkit ang mga matang tanong ko.

"You don't have to worry na maka quarantine ka dito sa bahay. Dahil mag-aaral ka parin, but this time, tutulungan ka nang school na 'to na hasain ang mahika mo." Sabik na saad niya kaya nabuhayan ako nang loob. Mukhang magiging masaya ang ganap ngayon ah?

Animenia: School Of Aura [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon