Third Person
Nakikiramdam at naka masid sa paligid si Kirai habang binabantayan ang bawat galaw ni Dessa dahil ito ang iniutos sa kaniya nang reyna niya.
"Ang boring nang trabahong ganito. Nakakainis naman! Gusto ko yung may patayan, sakitan. Pero pagmamatyag? Mukhang mamamatay ako dito." Sambit nito sa sarili dahil sa inip. Hindi niya lubos akalaing ang reyna pa mismo ang mag-a assign sa kaniya sa ganito kabagot na klase nang trabaho. Ngayon niya lang kasi ginawa ang ganitong klaseng misyon at mukhang sa unang beses pa lamang ay hindi niya na kaagad ito nagustuhan. "Maglalaro na nga lang ako." Sambit nito at naglabas nang mahika. May nakita naman siyang estudyante malapit sa kaniya kaya napangisi ito at dito niya inilagay ang mahika niya na naging dahilan nang pag kontrol nito sa inosenteng tao. "Ngayon ay gawin mo ang lahat nang ipa gagawa ko sa'yo." Excited pang saad nito at nagsimula na siya sa masamang binabalak.
Mula naman sa labas nang canteen ay tanaw ni Dessa ang isang lalaking mukhang matamlay at daig pa zombie kung pumasok sa lugar na pinasok nito. Nagtaka naman si Dessa kung bakit hindi man lamang ito pinansin nung mga tao, pero naisip niya na baka naman ay ganito na talaga ito kaya hindi na bago sa lahat ang nangyayari.
Pero nagkaroon nang kakaibang kutob ang dalaga dahil ni kahit kailan ay hindi pa siya nakakakita nang ganitong kaganapan. Isa pa, ay naisip niyang baka nga tama ang hinala niya dahil nasa ibang mundo naman ito at hindi imposible ang mga naiisip niya.
Des
"Ani (Kuya)? Ganiyan ba 'yang taong 'yan? Para kasing hindi na bago sa lahat ang ganiyang kilos niya eh." Napalingon naman silang lahat sa akin at napatingin sa lalaking itinuro ko habang si Ushijima-san naman ay wala man lang pakialam. Hinayaan ko na siya though, hindi naman abala sa akin kung wala siyang reaksyon, nasanay na ako eh. Kahit sa palabas ko lang siya nakitang ganiyan HAHAHA!
"Hindi eh. In fact mahilig siyang gumawa nang prank nang mga ganitong oras at ngayon siguradong isa nanaman 'yan sa mga pakulo niya." Si Satori-san ang sumagot sa akin kaya napatango nalang ako.
"Sino naman kaya ang target niya ngayon?" Walang ganang sagot ni Semi-san kaya napatingin ako dito. Ngayon ko lang kasi ulit napakinggan ang boses nito.
Alam ko namang sa palabas ko lang sila nakita at narinig na nagsalita. Pero napaka unusual para sa akin lalo pa at totoo sila ngayon.
Hindi na ako nag mind pa sa taong napansin ko kanina. Alam ko na kasi ang dahilan kung bakit siya ganiyan. Pero...
Pakiramdam ko may hindi tama dito eh.
Napa-isip ako sabay hawak sa dibdib ko. Parang may bigla kasi akong naramdamang kakaiba nanaman sa dibdib ko. Ganitong-ganito din ang naramdaman ko bago ako may magawang hindi maganda kay sir. Kaya naman ay nakaramdam ako nang kaba at napatingin sa mga kasama ko. Nagulat pa ako nang makita ko na lahat sila ay nakatingin na sa akin ngayon.
"Ayos ka lang ba? Punta kaya tayo sa clinic?" Mukhang nag aalala na si Shirabu base sa way nang pananalita niya.
"H-Hindi kuya. Mukhang, kailangan ko lang pumunta sa C.R. sumimasen (excuse me)." Pagkatapos kong sabihin ang mga katagang iyon ay halos patakbo kong nilisan ang table namin at nagtangka nang lumabas, pero mukhang ako ang puntirya nitong taong 'to ah. Bawat kilos na gagawin ko ay hinaharangan niya. Lalo namang pumipintig ang dibdib ko sa sakit.
BINABASA MO ANG
Animenia: School Of Aura [Completed]
Fiction GénéraleAno kaya ang mararamdaman mo kapag nalaman mong may kakambal ka sa isang dimensyong napaka layo sa reyalidad? Saksihan ang buhay nang isang dalaga na kinailangang palitan ang kapatid niya sa hindi inaasahang lugar at pangyayari.
![Animenia: School Of Aura [Completed]](https://img.wattpad.com/cover/216539499-64-k18653.jpg)