Des
"Medyo natagalan ata kayo?" Rinig naming tanong nang isang boses babae di kalayuan mula sa pintuang pinasukan namin.
"Hindi naman po kasi kami mga detective, ika nga po nila." Sagot naman ni Yokari, kaya sumunod naman na sumagot isa-isa ang mga kaklase ko at halos magsabay pa sila.
"Shh! Sagot pa!" Natahimik sila nang medyo tumaas ang boses ni sir. Hindi namin siya makita dahil sa sobrang dilim.
Hindi kaya siya natatakot? I mean, kung ako mag-isa dito? Inatake na ata ako.
Sabi ko at nakaramdam nang kilabot sa paligid. Kakaiba ito at pakiramdam ko eh hindi ito normal, kaya napa atras ako nang tatlong beses at bumangga sa isa kong kaklaseng babae.
"Aray! / Naku! Pasensiya na." Magkapanabay naming sabi at sabay din kaming sumagot nang... 'Ayos lang yun.' Tapos umayos na ako nang tayo.
"Hmm? Mukhang nagulat ka ata Dessa? May nakakatakot ba sa lugar na 'to?" Sabi niya at hindi ako sumagot. Nakinig lang ako, dahil baka magalit siya pero... "O baka naman natatakot ka sa akin?" Lalo lang nagsitayuan ang balahibo ko sa braso at nanlamig ako nang marinig ko ang pag-iba nang boses niya. Parang pamilyar kasi
Ako lang ba yun?
"Mag-ingat ka Dessa." Hindi na ako nagulat pa nang marinig ang boses na yun. Siguro medyo nasasanay na talaga ako kaya gano'n. Pero dahil sa babala niya ay naningkit ang mga mata ko.
Hindi naman kaya masamang kalaban nanaman 'to?
Tanong ko sa sarili habang sinusubukang aninagin ang nasa loob. Pero mukhang bigo ako sa ginagawa ko.
Subukan ko kaya kung kaya ko ang astig na night visions sa mga palabas?
Natawa ako nang mahina sa mga naisip ko, pero malay ko namang baka gumana?
"Night vision?" Hindi ako sigurado, pero ibinulong ko yun at inisip ko na sana ay gumana ito. Ipinikit ko ang mata ko at nag concentrate, tapos iminulat ko ulit ang mga mata ko.
May mga nakita akong bagay, pero ang weird namang parang yung inner part yung nakikita ko. Daig ko pa alien nito ay?! Pero...
Gumana siya! Yes! Ang galing! Astig!
Napamangha ako sa mga nakikita ko. Kahit madilim ay kita ko ang loob, pero hindi siya normal dahil imbes na ang labas ang makita ko ay ang loob ang nakikita ko. Example, yung upuan, imbes na ang hitsura sa labas yung makita ko ay iyong mala color white na cotton sa loob nito yung nakikita ko. Tiningnan ko yung mga kaklase ko at hindi ko sila nakita nang maayos, wala akong makita kundi kulay pula't berde lang na may konting dilaw.
Siguro ganito lang talaga siya gumana?
Dahil sa inisip ay sinubukan kong masanay dito. Hindi naman ako inabot nang forever bago ako masanay at humarap na ako doon sa teacher namin na nakaupo sa isa sa mga single sofa sa loob. Nung una ay hindi ko siya napansin, pero nang makita ko ang mala kulay itim na awra na pumapalibot sa kaniya ay natakot ako at nagsalita.
"Hindi ikaw ang guro namin! Nasaan si sir?" Sabi ko at itinuro pa siya. Syempre nagulat sila sa reaksyon ko, pero alam kong alam na rin ni Yokari ang lahat, o hindi pa pero hindi lang nagbago ang expression niya? Kahit kelan talaga, ang hirap niyang basahin.
BINABASA MO ANG
Animenia: School Of Aura [Completed]
General FictionAno kaya ang mararamdaman mo kapag nalaman mong may kakambal ka sa isang dimensyong napaka layo sa reyalidad? Saksihan ang buhay nang isang dalaga na kinailangang palitan ang kapatid niya sa hindi inaasahang lugar at pangyayari.
![Animenia: School Of Aura [Completed]](https://img.wattpad.com/cover/216539499-64-k18653.jpg)