Chapter 22: The Diary

7 0 0
                                        

Des

Hindi ko alam kung ano'ng nangyayari sa akin. Simula nang pumasok ako sa school kaninang umaga ay mukhang madali nalang uminit yung ulo ko. Isa pa, hindi naman ako dating ganito eh. Nakaramdam lang ako nang ganito nang marinig ko ang boses na iyon kanina sa Math namin. Napaka weird, pero hindi ko ito naririnig ngayon. Kaya naman naisip ko rin na baka naman kasi nagkataon lang ang lahat kanina at hindi talaga ako ang kausap nun. Isa pa, kung totoo man 'yon, baka naman kasi kakausapin niya lang ako kapag hindi ko na alam ang gagawin?

Aish! Naguguluhan na ako!

Napahawak ako sa noo ko at pinakiramdaman ang sarili. Nandito na nga pala ako sa library at namimili ako nang librong pwedeng basahin. Natatawa nga ako kapag naaalala ko yung nangyari kanina nung makarating ako dito. Sa sobrang pagkamangha ko, halos sumigaw na ako dito sa loob at nakalimutan kong bawal ang mag-ingay dito. Buti nalang talaga at walang ibang tao dito kundi kami lang dalawa nang librarian. Kahit na nasita niya ako, hindi ako napahiya HAHAHA!

Anyway, naghahanap parin ako nang libro ngayon dahil halos lahat nang mga libro nila dito ay nabasa ko na sa dimensyon ko. Nakakatuwa nga na at least halos magkapareho din minsan nang hilig ang dimensyon ko at dimensyon na ito. Pero ayun nga, habang naghahanap ako nang libro ay hindi ko namalayang nasa pinaka dulo't likod na ako nang library, kaya nang mapansin ko ito ay napabuntong-hininga ako.

Mukhang wala naman akong mababasang bago dito.

Dahil sa naisip ko ay namili nalang ako nang librong puwede kong basahin. Kinuha ko yung librong may title na 'Outside the Planet' kung saan ang laman nito ay patungkol sa galaxy at solar system. Nang makuha ito ay napagpasiyahan ko nang umalis at maupo na sana sa malapit na upuang nakita ko, pero may isang libro ang nahulog kaya pinulot ko muna ito. Yun nga lang, nakuha nito ang interest ko nang mabasa ko ang title nito.

Silver: The Saviour

Published on: February 2, 1994
Published by: Author Unknown

Nangunot ang noo ko sa libro na 'to. Napaka weird lang kasi na pambata ang title nitong kwento. Hindi ito kakapalan tulad nang kadalasang libro sa J.H. pero nasa high school ito imbes na sa elementary? Kaya naman ay isinantabi ko na muna yung naunang libro na napulot ko at tuluyan nang pumunta sa upuang nakita ko. Hindi na rin ako nagpaligoy-ligoy pa at binasa na kaagad yung libro.


--------------------------

Panimula:
Ang mga nakasulat dito ay gawa-gawa lamang nang imahinasyon nang may akda. Lahat nang mababasa ninyong pangyayari, tauhan, lugar at iba pa na may kaugnay sa totoong buhay ay nagkataon lamang at hindi nalalaman nang awtor.

Lahat nang nakasulat dito sa librong ito ay bawal kopyahin gayahin o kuhanan nang parte nang walang pahintulot sa awtor. Ang hindi sumunod ay bibigyan nang karampatang parusa.

Kabanata 1

Unang araw, nasa bahay ako namin. Pero hindi parin talaga mawala sa isip ko ang mga nangyayari sa bahay nang isang kaibigan. Hindi lang pala kaibigan, kundi isa na ring pamilya ko na medyo malayo sa amin. Hindi ko rin maiwasang mag-alala sa kaniya. Siguro dahil lang iyon sa nasanay na ako na kasama siya at ngayon lang kami nagkahiwalay. O di naman kaya ay dahil iyon sa mga pinagsasasabi niya sa akin na sa tingin ko naman ay napaka imposible.

Pero kahit naman malayo ako sa kaniya, hindi ko parin makakalimutang gawin ang lahat nang mga itinuturo niya sa akin, para lalo akong lumakas ika nga niya. Kaya naman ay ginagawa ko ang lahat para lumakas at para malabanan ko ang lahat nang magtatangka pa sa buhay niya. Iyon nga lang, hindi parin ako matahimik sa mga kaganapan ngayon. Sana lang talaga, hindi na matuloy ang lahat nang mga sinabi niya. Ayokong may mamatay nanaman nang wala man lang akong ginagawa. Ayokong mapag-iwanan nanaman. Ayoko nang maranasan ang masamang nangyari sa akin at sa magulang ko.

Animenia: School Of Aura [Completed]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon