Chapter 17: Confusion

0 0 0
                                    

Des

Naputol ang pag-uusap namin ni Yokari nang makarinig kami nang mga tawag mula sa labas. Napakunot naman ang noo ko dahil sa mga kaganapan.

"Akala ko ba naman, soundproof ang lugar na ito."

"Oo soundproof ito, pero kung galing man sa labas ang ingay ay rinig ito." Sagot niya na ikinamangha ko.

May ganon pala dito? Ang cool naman!

"Tara, sumunod ka sa akin." Sabi niya at hindi na hinintay pa ang sagot ko at basta nalang akong hinila.

Pumwesto kami sa may lagusan at hinawi naman nito ang damong nakasabit dito. Tiningnan niya ang paligid at nakita namin na may limang lalaki ang nakatayo sa iba't-ibang lugar dito sa hardin.

"Tch! Sinasabi ko na nga ba't tatawagin nanaman ako." Dahil sa sinabi nito ay napatingin ako sa kaniya.

"Ano'ng ibig mong sabihin?"

"Kanina ko pa naisip na paniguradong magtatawag nang meeting para sa school officers dahil sa biglaang meeting nang mga teacher, at mukhang hindi ako nagkamali." Sabi niya kaya napa isip ako na baka kasama niya ito at mga officers din.
Lalabas na sana ako pero hinila ako nito at tiningnan nang Huwag-mong-subukang-lumabas-diyan look. Kaya napapa irap na tumigil ako sa naisip ko.

"Hayst naku naman! Baka naman kasi wala siya dito." Sabi nang isa sa mga lalaki.

"Pero wala siyang ibang pinupuntahan kundi itong garden kapagka walang klase o walang ginagawa sa room nila." Sagot naman nung isa.

"Baka naman kasi nauna na siya sa atin? Alam nyo namang mahilig mapag-isa yun." Sambit naman nung isa pa nilang kasama na lumakad papalapit sa amin, kaya medyo napa atras kami.

"Baka nga. Sige, tara na. Hindi rin naman nagpapahuli yun eh. Baka nga tayo pa ang ma late, kaya tara na." Sabi nang isa at nauna nang umalis na sinundan nang iba.

Napanatag ang loob ko nang mapansing wala nang ibang tao dito. Lumabas na kaming dalawa ni Yokari at hindi na nagdalawang-isip na umalis. Pero bago ang lahat ay may sinabi siya.

"Mag-ingat ka sa bawat galaw, kilos at gagawin mo. Mukhang may ibig sabihin ang mga naaalala mo, at baka makatulong sa atin 'yan para mahanap ang bato." Pagkatapos nun ay nagkahiwalay na kami nang daan.

Ako nalang mag-isa ngayon at naglalakad sa kung saan man 'to papunta. Nang tingnan ko ang oras sa cp ko ay nakita kong alas tres na pala nang hapon.

"Malapit na palang mag-uwian. Buti naman." Gusto ko na kasing magpahinga. Andaming nangyari sa isang araw lang! Hindi ko ini expect. Unang araw malalaman ko na hindi ako nag-iisang naiiba dito. Ano pa kayang susunod-

"Mag-iingat ka babae!" Nagulat ako sa sigaw na yun, pero ang mas napansin ko ay ang bolang lumilipad papalapit sa akin. Nakaramdam naman ako nang kaba, pero mas nanaig ang pagkasabik dahil sa naalala ko, kaya bago pa man tumama ang bola sa akin ay tumalon ako at sinipa ito dahilan nang agarang paghinto nito. Nasapo ko naman ito kaagad sa mga kamay ko.

Soccer ball?

Napakunot ang noo ko dahil sa nakita ko. Naalala ko rin namang hindi lang pala Volleyball ang sport nila dito.

Animenia: School Of Aura [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon