Third Person
Nakaupo sa trono at nakatingin sa kristal na nasa harap nito habang nakangisi ang isang babaeng naka suot nang kulay itim na damit at may suot na korona sa ulo nito. Tuwang-tuwa ito habang pinagmamasdan ang galit na ekspresyon sa mukha nang dalagang pinapanood sa kristal at may pagkakataon pang, humahanga ito sa bawat galaw, kilos at patama nang babaeng pinapanood.
Ngayon niya lang kasi nasaksihan ang ganoong uri nang pakikilaban at dahil sa sobrang mangha niya ay nagsalita siya.
"Sino ang magaling na estudyanteng iyan?" Tanong nito sa mga kawal na nasa harapan niya. Umabante naman ang nangunguna sa pulutong at nagsalita. Sinuri muna nito ang mga nakikita.
"Baguhang estudyante po siya base po sa hitsura niya. Ngayon ko lang po nakita ang mukha niya." Saad nito pero tumayo ang nasa tabi nang reyna na siyang heneral nang mga kawal.
"Nasasabi mong baguhan palang siya diyan dahil hindi mo siya kilala... Ngunit kamahalan, siya ang nag-iisang babae na muntikan nang makapatay sa inyo noon." Saad pa nito na ikinagulat nang reyna. Kung kanina ay nakangisi pa ito na parang nag jackpot sa lotto, ngayon naman ay daig pa ang natalo sa casino.
"Ano ang ibig mong sabihin Heneral Hokaku?" Tanong nang babae na ngayon ay kunot noo nang tinitingnan ang lahat nang nasa loob nang palasyo.
"Siya po si Silver Dessa mahal na reyna." Gulat pang tanong nang naunang sumagot habang nakatingin sa kristal at hindi makapaniwala.
"Hindi maaari!" Biglang sigaw nito na ikinatakot nang lahat. Ginamit nito ang kaniyang mahika upang palakihin ang kristal. Tinignan nito nang mabuti ang nasa loob at sinuri, at nang mapagtantong tama nga ang dalawang kasama nito ay nagngitngit ito sa galit. "Ano ang nangyayari dito?! Akala ko ba ay wala na siya? Akala ko ba hindi niyo na siya natagpuan?" Napatingin ito sa babaeng nangunguna sa pulutong. "Hindi ba at sinabi mo sa akin na kaya siya nawalan nang lakas ay dahil sa may masasamang loob na kumuha nang pinakamalakas na bato sa kaniya Kirai? Kung gayon ay bakit nandiyan siya at mukhang mas masama pa kesa sa akin-" Natigil ito sa kaniyang sinasabi at tumingin ulit sa babaeng pinapanood. "Mas masama pa sa akin?" Takang sabi nito at sinuri ulit ang nasa loob nang kristal.
"Ano po ang inyong iniisip kamahalan?" Tanong ni Hokaku sa kaniya kaya napangisi ito ulit.
"O baka naman hindi siya si Dessa?" Pagkatapos sabihin ang mga katagang iyon ay napatingin siya sa nagtanong. "Paano kung ginaya niya lang ang mukha nito pero ang totoo ay masama talaga siya?" Tanong pa nito na sinang-ayunan naman nang dalawa. "Mukhang mayroon na tayong magiging kakampi ah..." Saad nito at tumingin sa dalawang may otoridad na nasa loob nang kwartong kina sisidlan nila. "Maghanda kayo, dahil may pupuntahan tayong siguradong makakatulong sa atin upang makuha ang pinaka malakas na bato." Tumawa ito nang napaka sama at pinanuod lamang siya nang lahat habang nakakampante sa mga nangyayari.
Des
Nagising ako sa isang kwarto na purong kulay puti lang ang nasa paligid. Nagtaka naman ako dahil ang natatandaan ko ay nasa field kami at nakikipag sparring sa P.E. teacher namin. Nevertheless, tinangka ko nang umupo pero hanep yan, daig ko pa binibiyakan nang ulo sa sobrang sakit nito. Kaya naman ay wala akong ibang magawa kundi dumaing nalang.
"Mukhang gising ka na. Tatawagin ko lang ang nurse." Nagulat ako sa biglaang pagsalita ni Yokari.
Kailan ba ako titigilan nito sa panggugulat?! Nakaka irita na ha?!
BINABASA MO ANG
Animenia: School Of Aura [Completed]
Ficción GeneralAno kaya ang mararamdaman mo kapag nalaman mong may kakambal ka sa isang dimensyong napaka layo sa reyalidad? Saksihan ang buhay nang isang dalaga na kinailangang palitan ang kapatid niya sa hindi inaasahang lugar at pangyayari.
![Animenia: School Of Aura [Completed]](https://img.wattpad.com/cover/216539499-64-k18653.jpg)