Chapter 4: Welcome to Animenia!

14 0 0
                                        

Des

Hindi ko talaga maintindihan kung bakit ganoon nalang ang reaksyon niya. Gulat siya at parang hindi inaasahan ang sagot ko na iyon, samantalang siya naman ang nag-aya.
Nakatitig lang ako sa kaniya with matching poker face. Hanggang sa napakurap-kurap siya at umubo saglit.

"Ahem! Ok, sabi mo eh. I mean... Buo na ba ang desisyon mo?" Paninigurado niya. Boses niya pa eh parang nasasabik pa. Parang ewan.

"Ayt? Hindi siguro. Sige, alis na ako ah?" Pairap kong sabi, kaya natawa siya. Lalo namang nangunot yung noo ko. Yung totoo, matino pa ba siya? Baka naman kasi takas mental lang 'tong babaeng 'to at niloloko lang ako.

"Nagbibiro lang ako. Oh sige, ito na. Tara na." Sabi niya at umakyat sa semento na nakapalibot sa puno na nasa harapan namin. Puno siya nang kung ano man eh, nakalimutan ko yung tawag. Sorry na aba!
"Lagusan ay buksan
Kami ay dalhin
Sa mundo na siyang kinagisnan." Sabi nito at iminuestro ang kamay, ikinagulat ko naman ang biglaang paglitaw nang kung anong oval shaped. As in, portal talaga siya guys. Kulay black pa ito, medyo creepy kung titignan talaga. Aside kasi sa madilim ay, parang whirlpool ang hitsura niya sa loob.

Nagdalawang-isip nanaman tuloy ako kung tutuloy pa ba ako o hindi na. Kinakabahan ako, baka kasi kung ano ang mangyari sa amin doon sa loob. Paano kung hindi kami makalabas? Paano kung gagawin pala nila akong bihag doon? Ano nalang ang gagawin ko? Hindi ko pa tanggap na mamatay nang ganito kaaga.

"Kung natatakot ka dahil sa mga posibleng mangyari, ay ipikit mo nalang ang mga mata mo. Saglit lang naman iyan eh." Sabi niya at napatingin ako sa kaniya.

"Easy for you to say." Sabi ko at napangisi siya.

"Para namang ayaw mo, eh halata naman sa mukha mo na excited ka na. Isa pa, kung si Silver nga eh gustong-gusto ang paggamit sa portal, ikaw pa kaya?" Sabi niya na ikinamangha ko.

So di siya nagbibiro nang sinabi niyang may koneksyon ako sa mundo nila? Wow! New trivia, cool!

Hindi na ako nag-ingay pa at suminghap nalang nang malalim na hangin, pagkatapos ay walang pag-aatubiling pumasok sa loob nang portal. Napapikit ako dahil ayokong makita ang loob nito, baka kasi may biglang lumitaw na kung ano at kainin ang kaluluwa ko. Katakot yun. Ayoko nang ganun!

"Ok na, puwede ka nang tumingin." Sabi niya at kahit na hindi sigurado ay sinubukan kong sumilip sa kanang mata ko.

"Wow! Sobrang ganda dito!" Sambit ko nang makita ang paligid. Napaka ganda at ang linis. Wala akong masabing negative. "Nasaan nga pala tayo?" Tanong ko at napangiti siya.

"Dito sa lugar na ito nakatira ang kuya-kuyahan ni Silver, na magiging kuya mo na rin." Sabi niya na ikinataas nang kilay ko.

At sino naman ang magiging kuya ko kung ako ang pinaka matanda sa amin sa dimensyon ko?

"Dito sa Animenia, walang imposible. Lahat puwede mong gawin. Yun nga lang, when it comes to us ay mayroon kaming limit. At dahil ikaw lang ang makakagamit nang pinaka malakas na bato, ay wala kang limit. Lahat kaya mong gawin." Nakangiting sabi niya, kaya nagulat ako. Ang astig pala dito.

"Ok? So paano naman ako mabubuhay dito? Eh wala naman akong alam sa lugar na 'to." Panghihinayang ko at ngumiti lang siya.

Animenia: School Of Aura [Completed]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon