Celestair
Kakagising ko lang nang marinig ko ang alarm nang cellphone ko. Sinadya kong magising nang maaga, dahil may kailangan akong gawin. Nang makapag handa na ay kaagad na akong lumabas sa kwarto. And by means nang nakapag handa na, ay nakaligo na at nakapagbihis na. Wala na akong inaksayang oras dahil ayokong pagsisihang muli ang kapabayaan ko noong una.
"Good morning!" Halos mapatalon naman ako sa gulat nang bigla kong narinig ang medyo may katinisang boses ni Zyn sa likuran ko.
"Ano ka ba naman? Bakit ka ba nanggugulat nang gano'n? Alam mo namang marami akong iniisip." Sambit ko at napatawa naman siya. Pero napa poker face nalang ako habang tinitingnan siya. Tumigil naman siya kalaunan eh.
"Ano ba kasing iniisip mo? Mukhang malalim eh." Tanong niya.
"Baka yung tungkol kagabi?" Ngayon naman ay nagsalita si Yokari kaya napatingin kaming pareho sa kaniya. Kakaligo lang din nito at mukhang hindi na nag abala pang ayusin ang buhok niya, ang gulo tuloy tignan. Pansin ko ring lahat kami ay maagang nagising at nakahanda na. Mukhang pinag-usapan ha? Kahit hindi naman.
"Ang totoo niyan oo. Na-curious ako doon sa dalawang taong nakita natin kahapon. Hindi ko aakalain na may makikita tayong katulad natin." Sambit ko at napahawak sa baba ko para mag-isip kung sino nga ba talaga sila.
"Hindi natin masasabing katulad nga natin sila. Maaaring may kakaiba silang awra, pero malay mo, kampon pala sila ni mama." Sagot naman ni Yokari, kaya napatingin ako sa kaniya.
"Nga pala, Yokari? Nakausap mo na ba ulit si mama mo? May lead na ba tayo sa susunod niyang gagawin?" Tanong ni Zyn, kaya napatingin ako sa kasama namin.
"May sinabi siya sa akin kagabi patungkol sa paglusob at pag take over sa Animenia. Since, wala naman na daw hadlang sa kaniya, magagawa na niya ang lahat nang gusto niyang gawin." Sagot niya, kaya nakaramdam ako nang kaba.
Bakit parang sigurado pa siyang wala na ngang talaga si Dessa?
"Napaka weird namang kampante siya samantalang hindi rin niya naman alam kung wala na nga ba talaga si Dessa o ano." Sambit ni Zyn, kaya napatango ako bilang pag sang-ayon.
"Kaya nga, mas lalong tumindi ang pagdududa ko sa kaniya. Baka nga naunahan niya na tayo at napaslang niya na si Dessa, bago pa man natin siya makita." Sagot ni Yokari. Kinabahan ako lalo sa isiping iyon. Alam naman kasi naming lahat na hindi pa talagang alam ni Dessa kung paano kontrolin ang sariling lakas. Hindi pa siya talagang sanay sa dimensyon namin, kaya malaking pala isipan parin sa'min hanggang ngayon kung ano na nga ba ang totoong nangyari sa kaniya.
"Let's not jump into conclusions yet, ok? Hindi pa tayo sigurado sa iniisip natin. Maaaring magaling ngang manlinlang si Daikara, pero alam naman nating hindi niya basta-basta papatayin si Dessa. I mean, kung ako ang pag-iisipin, papatayin ni Daikara si Dessa sa mismong harap nating lahat. Hindi siya gagawa nang kilos na tago sa kaalaman natin, may kayabanagan yun eh, sorry Yokari." Sambit ko, pero napa 'tch' lang siya. Hindi ko na siya pinansin dahil alam ko namang medyo harsh din yung sinabi ko.
"Sa kung bakit ba naman kasi kailangan pang mawala ni Dessa? Ayokong mawalan nanaman nang kaibigan eh, lalo na siya." Napansin ko na medyo humihikbi na si Zyn. Nalulungkot siguro siya sa nangyari.
"Huwag niyong isipin na patay na siya. I mean, it will only make things worse. Isa pa, kung totoong patay na siya, bakit walang sign? Ano yun? Magic? Imposibleng walang senyales yun, lalo na kung isa pala siyang guardian deity, dapat may sign yun kung mamamatay siya o patay na talaga." Said Yokari, reassuringly, kaya napatango ako. Pero hindi parin mawala talaga sa isip ko ang ikinakatakot namin.
BINABASA MO ANG
Animenia: School Of Aura [Completed]
General FictionAno kaya ang mararamdaman mo kapag nalaman mong may kakambal ka sa isang dimensyong napaka layo sa reyalidad? Saksihan ang buhay nang isang dalaga na kinailangang palitan ang kapatid niya sa hindi inaasahang lugar at pangyayari.
![Animenia: School Of Aura [Completed]](https://img.wattpad.com/cover/216539499-64-k18653.jpg)