Chapter 20: A Voice? From Who?

0 0 0
                                    

Des

Nagising ako sa tunog nang alarm clock ko. Hindi naman ako nagmadaling kumilos dahil alas sinco trenta pa lang nang umaga. Sinadya ko talagang magising nang ganito kaaga dahil kailangan kong mag-review sa mga activity namin sa Math at quiz sa science. Ayoko namang magmukhang tanga mamaya, lalo na sa chemistry. Sinuwerte lang naman kasi ako kahapon at hindi ko alam kung paano ako nakasagot. Kaya ngayon ay kailangan kong mag review para sigurado na ako mamaya.

Review~
Review~
Review~

Nang matapos akong mag review sa lahat nang kailangan kong malaman ay napahikab ako at kinuha na yung uniform ko na extra, nilabhan kasi ni Zyn yung sinuot ko kahapon bago siya umalis at buti nalang ay tatlo ang ibinigay sa akin ng nagpunta para may maisusuot pa ako sa mga susunod na araw. Anyway, pumasok na ako sa palikuran at nagsimula nang maligo, pero habang nagsasabon ako ay bigla nalang sumakit ang ulo ko at hindi ko mapigilang hindi mapasandal sa pader. Sobra kasi ang sakit nitong dulot tapos may biglang imaheng lumitaw sa isipan ko.

Isang babaeng blurred ang mukha, may maitim na mahabang buhok, medyo may kaputian siya at nakakapagtakang naka pin siya sa pader na parang hirap pa sa paghinga. Sa harap naman nito, ay isang babaeng naka-itim at may kasama pa itong batang hindi ko maaninagan ang mukha, pero pansin ko ang kulay itim na usok na bumabalot sa katawan nito at ang mas nakapagpakilabot sa akin, ay kung paanong umiilaw nang itim pa ang mata nito. Iyon siguro ang dahilan nang pagdurusa nang kawawang babae.

Napahawak nalang ako sa ulo ko dahil hindi ko na mapigilan pa ang sakit nito. Napapikit na ako nang todo at nagpipigil na sumigaw ako kahit alam kong wala namang makakarinig sa akin. Kung hindi niyo alam, soundproof ang lahat nang kwarto dito. Marahas ko nang sinabunutan ang sarili ko. Hanggang sa makita ko ang imahe sa isip ko na biglang umilaw nang napaka puti at sa sobrang liwanag nito ay parang mabubulag na ako, kaya napa mulat ako, pero nagulat nalang ako nang pagkamulat ko ay wala akong ibang nakita kundi purong puti.

Natakot ako, kaya napakurap-kurap ako hanggang sa unti-unting mawala ang liwanag at nakikita ko nang muli ang lahat. Sandali akong nakiramdam sa sarili ko at sa paligid. Nang mapansing wala na akong dapat na ipag-alala ay ipinagpatuloy ko na ang pagligo at tinapos na ito, at daling lumabas sa C.R. para magbihis at maupo sa sofa kung saan ako nag-aaral kanina.

"Ang weird naman nun. Ano kaya yun?" Tanong ko sa sarili ko at nangilabot nang maalala ko ulit yung babaeng naka pin sa pader. Nakakatakot kung papaanong umagos ang dugo sa katawan niya at hindi man lang siya tinulungan nang mag-ina. "Hindi ko ini expect na mag de daydream ako ngayon, at ang mas nakakatakot pa, ay horror pa ang naganap." Sambit ko at hindi na muna iyon inisip, bagkus ay binasa ko nalang ulit yung reviewer ko para kahit papaano ay makalimutan ko yung daydream na iyon.

Sa pagkalunod ko sa pagbabasa sa notebook ko ay hindi ko napansing ala sais sinkwenta na pala nang umaga, kaya naman ay naghanda na ako para bumaba at nang makakain na ako para makapasok na kaagad. Pagkababa ko ay sakto namang nandito na ang lahat at ako nalang pala ang hinihintay, kaya naman ay humingi ako nang paumanhin sa lahat dahil nakakahiya naman kasi sa kanilang lahat.

"Naku! Ok lang 'yan Dessa. Kami nga nale late din minsan eh." Sabi ni Mary na isa sa mga dorm mate ko. Kaya naman ay ngumiti lang ako at naupo na sa upuan ko at sabay kaming kumain. Hindi naman kami nagtagal sa pagkain dahil konting kembot nalang sa orasan magri ring na yung bell eh.

After naming magpa alamanan sa isa't-isa ay nagkahiwa-hiwalay na kami, at as usual, nag-iisa ko ulit na nilakad ang daan papasok sa school. Nang makarating ako sa gate ay may nakita akong isang pamilyar na pigura, kaya naman ay tinutukan ko ito at napagtanto kong si Yokari pala yun, at mukhang may hinihintay siya, kaya naman ay na curious ako at patakbong pumunta sa kaniya.

Animenia: School Of Aura [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon