Des
Sa lakas nang pagkakahampas niya ay hindi na ako nagtaka kung bakit pakiramdam ko ay ang layo nang liniparan ko at sobrang sakit nang binagsakan ko. Wala akong nagawa kundi ang dumaing.
"Ano? Kumusta naman ang guardian deity nang Animenia? Bakit hindi ka lumalaban?" Mayabang na anito, kaya tiningnan ko lang siya nang masama.
Kung hindi mo lang alam, nagpipigil lang akong hinayupak ka! Pinagtitimpian lang kita, dahil ayaw ni Yokari na masaktan ka!
Gusto kong sabihin sa kaniya iyon, pero hindi ko magawa, dahil baka pati sarili niyang anak ay hindi niya na mapigilang saktan din.
"Lumaban ka!" Sambit nito at nilatigo ulit ako.
Peste! Ang sakit! Shet! Mas malala pa ito sa palo ni mama ah?!
"Sabi ko lumaban ka!" Sigaw pa nito, pero hindi ako pumalag, kaya lalo siya nainis at ginamit ang awra niya para palutangin ako at itapon sa lugar kung saan nakatayo si Yokari.
"Aray ko! Huta! Ang sakit!" Aminado akong buong katawan ko ay sumasakit na at hindi ko na talaga kaya 'to. Pero ayokong lumaban. Hindi sa mahina ako, tangina! Tama na sa kahinaan... Hindi rin sa duwag ako. Pero dahil iyon sa kagustuhan ni Yokari na buhayin pa ang sariling ina niya. Naiintindihan ko naman kung bakit eh. Kahit naman malaki ang kasalanan ni Daikara, mama niya parin yun. May malasakit parin siya.
Napatingin naman ako kay Yokari na hawak parin si Celestair hanggang ngayon at nangunot naman ang noo ko dahil sa napansin ko. May nakatarak na dagger sa dibdib niya at mukhang dito nanggagaling ang masamang awra na nararamdaman ko sa kaniya. Kaya sinubukan ko siyang lapitan. Iyon nga lang, kaagad akong nakaramdam na parang may kung anong nakapalibot sa tiyan ko, at nang tignan ko iyon.
"Naku lagot. Argh!" Napasigaw ako nang makitang nakapulupot sa tiyan ko ang latigo ni Daikara. Hinila ako nito at itinapon kung saan.
"Huwag mo siyang lalapitan! Yokari! Tapusin mo na ang buhay nang taong 'yan!" Sabi ni Daikara at kaagad namang kumilos si Yokari. Itinapon niya si Celestair sa taas at sa sobrang taas nito, hindi ko na makita pa si Celestair. Lumipad naman si Yokari na mas lalong ikinagulat ko.
"H-H-Hawk e-eye." Sambit ko at bigla namang nag adjust yung mata ko, dahilan para makita ko ang kaganapan sa taas.
F*ck! Yamiro (Stop)!
Napasambit nalang ako sa isipan nang makita ang sitwasyon doon. Ginawa lang namang soccer ball ni Yokari si Celestair. Hindi ito tumitigil sa pag sipa sa kaniya at hindi naman na makakilos si Celestair sa sobrang bilis niya.
"Y-Yokari... Y-Y-Yamir-ro..." Sambit ko at sinubukang tumayo, pero bigo ako dahil sa sobrang sakit nang buong kayawan ko.
"God's immortality."
"Rose healer." Rinig kong sambit na sabay nina Zyn at Heilm, kaya napatingin ako sa kanilang dalawa. Nakatayo si Zyn habang nakadapa naman si Heilm, pero ang spell nila ay papunta sa akin. Which means, pinapagaling nila ako.
"Omaira (Guys)." Nag-aalalang sambit ko, pero ngumiti lang sila at tumango.
"Ike (Go)." Sambit nila at nakaramdam ako nang lakas. Bumalik ang lakas ko, kaya napatango akong nagpapasalamat sa kanila.
![](https://img.wattpad.com/cover/216539499-288-k18653.jpg)
BINABASA MO ANG
Animenia: School Of Aura [Completed]
Ficción GeneralAno kaya ang mararamdaman mo kapag nalaman mong may kakambal ka sa isang dimensyong napaka layo sa reyalidad? Saksihan ang buhay nang isang dalaga na kinailangang palitan ang kapatid niya sa hindi inaasahang lugar at pangyayari.