Des
Bakit kaya ganito ang nararamdaman ko ngayon? Parang may kulang. Hindi ko naman alam kung ano. Nagawa ko na ang mga routine ko sa araw-araw. Kumain na ako, nag toothbrush, pero bakit gano'n? Pakiramdam ko, may wala sa araw na ito.
"May problema ba anak? Matulog ka na kaya, tama na ang pag se cellphone." Sabi ni mama sa akin. Sinita niya ako, kasi nakapatay na ang ilaw at lahat, tulog na ang mga kapatid ko, pero gising pa ako which is unusual para sa akin dahil maaga akong natutulog palagi.
"Ewan ko ba ma. Hindi ako makatulog eh." Sambit ko nalang dito.
"Baka naman na sobrahan ka nanaman sa matamis? Uminom ka kaya nang tubig." Sabi niya at pinakinggan ko naman siya kaagad. Lumabas ako nang kwarto at uminom nang tubig. Pagkatapos, ay bumalik ako sa higaan ko.
Kung nagtataka kayo, ay magkakatabi lang kami matulog nila mama at nang mga kapatid ko. Malayo kasi ang pinagta trabahuhan ni papa. Isa pa, ay mahirap lang kami. Housewife lang si mama, si papa ko naman ay isang sundalo at minsan lang kami sa isang linggo magkakasama.
Nakatulog na ang lahat, pero ako ay gising parin. Tiningnan ko ang orasan at 23:11 na. HAHA! Nakakatawa mang isipin, pero naniniwala kasi ako sa sabi-sabi na mag wish kapag ganitong oras na daw sa gabi at magkaka totoo yun, kaya nag wish ako.
Sana mawala na ang lahat nang problema sa amin, at sana makumpleto na ang lahat sa akin. Sana mahanap ko na ang kulang sa sarili ko.
Pagkatapos kong humiling, ay nahiga na ako, pero ganoon parin, hindi parin ako inaantok, kaya nanatili ako sa ganoong posisyon ko, hanggang sa manlabo na nga ang paningin ko at tuluyan na akong nadala ni Hypnos.
Kinabukasan~
(Riiinnnggg!!!)Pinatay ko na ang alarm ko at tumayo na sa higaan. Tinupi ang kumot at lumabas na sa kwarto. Nagsaing kaagad ako at nagwalis. Pagkatapos, ay naligo na ako at nagluto nang ulam pagkabalik. Saktong natapos ako sa pagluluto nang ulam ay naluto na rin ang kanin, kaya kumain na ako.
Pagkatapos kong kumain, ay hinugasan ko na ang kinainan ko, at nanghingi na nang pamasahe kay mama. As usual, 70 pesos ang ibinigay niya. Daily allowance ko yun, wag na kayong magtaka. Mahirap lang kami remember?
"Ay ma? Baka may meeting kami mamaya sa choir namin." Pagpapaalam ko kay mama.
"Sige, mag-ingat ka. Wag ka lang magpapagabi ha?" Sabi ni mama at tuluyan na akong umalis papuntang school.
Nakasakay naman kaagad ako, dahil madami namang mga dumadaang jeep, kaya madali lang akong nakarating sa school. Nang makapasok sa gate ay madali kong dinaanan at nilingon ang room nina Kean. Naka lock pa ito, kaya naisip ko na baka wala pa sila, lalo pa at wala pa naman akong nakikitang mga estudyante halos eh. Nakayuko nalang akong naglakad sa harap nang stage, at dahil nga nasa tabi lang nang stage ang room namin, ay lumiko na kaagad ako, ngunit nang lalapit na sana ako sa pinto, ay may tumawag sa akin.
"Uy! Good morning Des." Bati sa akin ni Ysidro habang naglalakad papalapit kasama ang iba pa naming mga kaibigan.
"Akala ko hindi pa kayo pumapasok eh. Pero good morning. Aga nyo atang bumisita sa akin?" Nanloloko pang ani ko, kaya napahagikhik si Ice. Napataas naman ang kilay ko.
BINABASA MO ANG
Animenia: School Of Aura [Completed]
General FictionAno kaya ang mararamdaman mo kapag nalaman mong may kakambal ka sa isang dimensyong napaka layo sa reyalidad? Saksihan ang buhay nang isang dalaga na kinailangang palitan ang kapatid niya sa hindi inaasahang lugar at pangyayari.