Chapter 10: Haikyuu?

5 0 0
                                        

Des

Nakapasok na nga kami nang tuluyan sa canteen, pero andaming mga pares nang mata na nakatingin sa aming dalawa nang kasama ko ngayon. Tuloy, ay napayuko ako at iwinawaksi nalang sa isipan ko na wala lang ang lahat at hindi ito totoo, pero bwisit lang dahil ansasama nang tingin nila sa akin at sobra akong kinakabahan, tuloy yung tuhod ko ay nanginginig.

"Shit!" Mahina kong sigaw habang nagigitlang tumingin kay Shirabu na ngayon ay nakahawak sa balikat ko habang nakangisi. "Huwag mo naman akong gulatin nang ganun!" Sabi ko at natawa pa ito.

"Ano ba 'yan? Masyado ka namang kabado. Hayaan mo na nga lang kasi sila." Saad nito at hinila na ako papunta sa counter. May mga narinig akong nagulat sa iniasta nang kasama ko, pero imbes na matuwa ay napabuntong hininga nalang ako. "Ano'ng gusto mong orderin?" Nakangiti paring tanong nito kaya kahit na nahihiya na talaga ako dito, ay nagsalita parin ako.

"B-Burger at t-t-tubig nalang." Utal kong sabi kaya namura ko ang sarili ko sa isipan.

Bwisiiit!!! Nakakahiyaaa!!!

"Narinig mo na ate? Yun na lang, tapos akin ay Sprite tapos itong chocolate cake." Sabi niya at itinuro naman yung cake na tinutukoy. Ang totoo niyan ay napakahinhin nang boses niya. Katulad na katulad sa palabas.

Nang ma order na namin yung mga pagkain ay naghanap kami nang mauupuan. May nakita naman kaagad kaming bakante kaya doon na kami pumunta. Nasa dulo ito, pero kitang-kita naman galing dito sa counter kaya doon na kami pumwesto, pero andami talagang nakatingin sa amin, to the point na napapayuko nalang ako hanggang sa makarating kami sa pwestong uukupahin.

"Ano ka ba naman? Sabi ko hayaan mo na sila diba? Kasama mo ako kaya hindi ka nila aanhin." Sabi niya kaya kahit papaano ay napanatag yung loob ko. Kumain naman na ako at buti nalang ay hindi ako binigo nang tiyan ko. "By the way, nabalitaan kong scholar ka pala? So may naisip ka na bang salihan dito? Clubs, team, mga gano'n." Tanong niya kaya napatingin ako sa kaniya at napa-isip.

Hindi ko naman alam ito. Hindi ko napaghandaan.

Sabi ko sa isip ko. Akala ko kasi nagbibiro lang yung landlady kahapon eh, pero kung required talaga iyon dito, mayroon naman akong sasalihan eh. Kahit na hindi ako ganoon kagaling sa bagay na iyon.

"Iniisip ko kung pwede pa bang sumali sa Volleyball club-"

"Sinasabi ko na nga ba't iyan ang isasagot mo eh!" Natutuwa pang sabi niya at sobrang lakas niyon na nag-echo pa sa buong lugar, kaya naiilang na ngumiti nalang ako. "Gomen minna-san (sorry everyone), natuwa lang ako." Sabi niya at tumingin sa akin. "So... Ano'ng position kukunin mo?" Sabi niya kaya napabuntong hininga nalang ako.

"Libero lang." Sabi ko at napatingin naman siya sa akin, na para bang kailangan niya nang eksplenasyon, kaya napabuga nalang ako nang hangin. "Hindi ako magaling sa iba't-ibang uri nang sports. Tanging Archery o Shooting, Athletics, Soccer at Volleyball lang ang alam kong laruin. At kung Volleyball man ay sa receiving lang ako nakakabawi sa bawat laro." Paliwanag ko at kita ko naman ang gulat na ekspresyon niya sa mga sinabi ko kaya nagtaka ako.

"Marunong ka palang mag soccer?" Tanong niya.

"Konti lang. Dribbling lang ang skill ko doon." Sagot ko na ikinatango niya at nagtanong pa sa iba kong alam.

Animenia: School Of Aura [Completed]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon