Des
Nang makalabas kami sa portal ay biglang nasa isang madilim na lugar na kami. Hindi ko alam kung saan ito banda, pero gusto ko yung lugar na ito. Aside kasi sa tahimik dito ay walang masyadong tao. Pwedeng-pwede para sa isang secret agent. Yun nga lang, sa case ko. Mukhang hindi ako isang agent kundi isang kakaibang nilalalang na susubukang iligtas ang isang dimensyong malayo sa katotohanan.
"Dito tayo." Sabi niya at hinila na ako papunta sa isang pinto. Nang buksan niya naman ito ay bumungad kaagad sa akin ang napakalaking oval. Singlaki ito nang oval sa dati kong school. Nandito rin lahat nang sports na gusto kong laruin. Volleyball, Soccer, Archery, Athletics.
Ano pa ba'ng wala sa lugar na ito?!
Namamangha nalang ako habang tahimik na nakatingin sa loob. Nang lingunin ko naman si Zyn ay nagulat ako nang mapansing nakangisi na siya sa akin.
"Problema mo?"
"Ala naman. Excited ka na bang tumapak diyan?" Tanong niya sa akin at pinigilan ko naman ang sarili na mahulog sa paganon-ganon niya.
"Ehem! Sorry, pero wala akong gana-" Hindi ko na natapos pa yung sasabihin ko nang biglang may mabilis na bola nang soccer ang lumipad papunta sa akin, kaya bago pa man iyon tumama sa mukha ko ay mabilis ko nang ipinuwesto ang katawan ko at sinipa nang buong pwersa ang bola, dahilan nang pagtigil nang momentum nito at tinapakan ko para hindi gumalaw pa. "Ano ba namang klaseng sipa yun? O kung sipa man yun... Kanino galing?" Tanong ko at napatawa lang siya sa nasambit ko.
"Ang totoo niyan, galing lang iyan sa isang security machine. Alam mo na... Just in case na may nanloob." Sagot niya kaya napa-irap ako sa hangin.
"Ngayon alam ko na. Saan na tayo susunod?" Tanong ko at hindi na siya nag-aksaya nang oras. Inilibot niya ako sa buong lugar at talagang namangha ako, dahil yung lugar na iyon ay isang underground oval pala. May tinapakan kaming parte doon at inihatid kami nito sa isang kwarto at nang makalapit sa mismong pinto nito, ay bumungad sa amin ang sala nang bahay ni Zyn.
Sobrang laki nang bahay niya. Pero pakiramdam ko parang pamilyar sa akin itong bahay na ito. Pakiramdam ko kasi parang napuntahan ko na ito eh. Pero naisip ko rin na baka sa panaginip ko lang yun. Kaya ngayon ay talagang naniniwala na ako sa Deja Vu. Inihatid naman ako ni Zyn sa magiging kwarto ko daw pansamantagal, at iniwan niya ako dito. Nagtataka lang ako, kasi sobrang pamilyar talaga sa akin nang lugar. Kahit hindi na sabihin sa akin ni Zyn ay alam ko kung saan ako pupunta, saan maghahalungkat. Alam ko lahat. Yun ay pakiramdam lamang guys.
Para mabawasan din ang stress sa katawan ko, lalo na sa utak ko, ay naligo na muna ako at nagbihis. Simple lang naman ang isinuot ko. Isang plain white na croptop tapos palda na kulay black na high waist. May nakita naman akong cute na tsinelas na pambahay. Kulay pink ito.
Masyadong pambabae.
Pero sinuot ko pa rin, kasi ang cute. Pero nang tignan ko ang suot ko, ay napa poker face nalang ako.
Ambaduy naman tignan nito!
Kaya imbes na ito ang suutin ay kumuha nalang ako nang sapatos na nike na kulay white at nag medyas nalang ako, sabay baba sa sala.
Nang makababa ay nakita ko si Zyn na kumakain habang nanunuod nang T.V. Nung una ay nagtataka siya kung bakit daw ganito ang suot ko, pero sinagot ko siya nang...
"Magpapa enroll ako." Napatayo naman siya sa kinauupuan niya. Ambilis ha? Wow! Magic! Sana all may magic!
"Oo nga pala ano?! Hindi pwedeng wala kang ibang mapagkaka-abalahan maliban sa pagiging tagapag ligtas. Baka mahuli ka kaagad nang mga masasamang tao!" Ok medyo OA siya sa part na 'yon, pero may point siya. At kahit na sabihin nating dahilan ko lang iyon? Napa-isip din ako sa sinabi niya. Kasi sa mga movies na napapanood ko. Kapag isa kang detective, agent o secret spy, kailangan may iba kang ginagawa maliban sa pinaka trabaho mo. So ako, dahil isa akong hero kuno. Ang aking disguise ay ang pagiging student nalang. Yun lang naman kasi ang naiisip kong pinaka mabisa sa ngayon eh. Isa pa, gusto ko rin naman kasi talagang mag-aral eh. Ayoko namang wala akong malalamang kahit na anong bago dito ano?
BINABASA MO ANG
Animenia: School Of Aura [Completed]
General FictionAno kaya ang mararamdaman mo kapag nalaman mong may kakambal ka sa isang dimensyong napaka layo sa reyalidad? Saksihan ang buhay nang isang dalaga na kinailangang palitan ang kapatid niya sa hindi inaasahang lugar at pangyayari.
![Animenia: School Of Aura [Completed]](https://img.wattpad.com/cover/216539499-64-k18653.jpg)