Yokari
Nag-aalala na ako sa kalagayan ni Dessa.
Kumusta na kaya siya? Ano na kayang nangyayari sa kaniya ngayon? Kumakain kaya siya nang maayos? Nakakatulog nang maayos?
Ilan lang 'yan sa naiisip kong mga tanong. Tatlong araw ko na kasing hindi nakikita si Dessa, at nag-aalala ako sa mga posibleng nangyari sa kaniya matapos niyang lumipat sa School of Aura. Oo, alam ko ang eskwelahang iyon, dahil bago ako mapunta dito sa Shiratorizawa, ay doon ako pinag-aral nang aking ina para mapalakas at makontrol ko nang maayos ang kapangyarihan ko. Pero kahit na alam kong safe naman siya doon, ay hindi ko parin maiwasang hindi mag-alala, lalo pa at parang may hindi magandang binabalak si mama sa kaniya. Paano ko naisip? Simple lang... Dahil iyon sa sinabi niya sa akin nung huli kaming mag-usap.
Flashback~
(At Daikara's Palace)"Kumusta naman ang baby ko diyan?" Malambing na tanong sa akin ni mama habang kumakain ako. Biglaan kasi ang pagtawag niya eh, at napaka unusual niyon, kaya naisip ko na baka may problema siya o may kailangan lang.
"May problema po ba?" Tanong ko, pero napanguso lang siya.
"Hindi ko na ba pwedeng kumustahin ang nag-iisa kong anak? Hikari, alam mo namang madalas na kitang ma miss ngayon, lalo pa at ang layo mo sa akin." Medyo nagtatampo siya doon sa una niyang sinabi, pero napangiti nalang ako.
"Mama, alam mo namang hindi kita nakakalimutan araw-araw. Don't worry, dahil bibista din ako diyan, not now, but soon." Sabi ko at nakita ko naman ang pagkagimbal sa mukha niya, kaya medyo nagtaka ako. "Is there something wrong?"
"No son! The truth is... Hindi ko lang alam kung ano ang magiging reaction ko... Lalo na at malalaman kong makikita na ulit kita... At mayayakap." Sagot niya naman sa akin, pero pakiramdam ko parang hindi naman siya sinsero. "Anyway, change topic... I heard that your new friend transferred again... Did something happen?" Tanong niya sa akin, pero ako lang ba o talagang may diin sa word na friend?
"Nothing much... Just some bullies and shits. Bakit mo nga pala natanong?"
"Watch your words baby."
"Sorry po ma."
"Anyway baby... Did you know na may nalaman ako tungkol sa kaibigan mong iyon?"
"What is it?"
"Well, someone told me na parang hindi siya normal... And when I saw her face? I felt like she is familiar in some ways... Did you notice?" Tanong nito sa akin kaya medyo nakaramdam ako nang kakaiba sa gusto niyang sabihin.
Walang pwedeng makaalam kung sino siya. Not when she is not safe.
"Wala naman po akong napapansing kakaiba since she became our classmate... Pero kung familiar siya sa'yo, baka naman isa siya sa mga nakasalamuha mo na noon and the likes?"
"Yeah... Maybe she is."
"Either way, balitaan mo ako kapag may updates ka na about sa kaniya ha? Baka makatulong ako diyan."
"Same goes to you baby."
"Sure mom... By the way, I need to finish eating na para makapag study na ako... Bye."
BINABASA MO ANG
Animenia: School Of Aura [Completed]
General FictionAno kaya ang mararamdaman mo kapag nalaman mong may kakambal ka sa isang dimensyong napaka layo sa reyalidad? Saksihan ang buhay nang isang dalaga na kinailangang palitan ang kapatid niya sa hindi inaasahang lugar at pangyayari.