Third Person
Hindi makapaniwalang lumuhod ang dalawa sa harap nang prinsipe nang kadiliman, lalo na nang magsalita si Hokaku patungkol kay Daikara.
"Pagpasensiyahan niyo na po ang kasama ko... Medyo matagal-tagal na rin po kasi simula nung makita ka niya kaya-"
"Wala akong paki alam!" Sigaw ni Yokari, dahilan para magulat ang dalawa. Maski si Harris ay napa atras sa biglaang galit ni Yokari. "Nasaan si ina?! Bakit hindi niyo siya kasama?" Nanggigigil na tanong nito.
"Ang totoo po niyan ay patuloy parin ang paghahanap niya sa pinakamalakas na bato. Humiwalay po siya sa amin dahil gusto niya daw na mapag-isa." Paliwanag naman ni Hokaku kaya napahawak nang ulo si Yokari sa sobrang inis.
Sa kabilang dako naman... Sa multipurpose hall, ay nakikinig lang sa palitan nang mga salita sina Heilm at Zyn... Nang biglang...
"Ano ba yan?! Nakakasawang magtago. Ang hihina naman nang mga 'to eh!" Rinig nilang sigaw nang isang tao at nang tignan nila ito ay napansin nila ang pag dense nang hangin at medyo nahirapan silang huminga. "Ako naman ngayon!" Sigaw ni Daikara at nabalot nang kadiliman ang buong silid. Ang mga tao ay nahihirapan na sa paghinga at iyong iba ay dumudugo na ang ilong. Naging masahol ang pangyayari doon. Pero napansin ni Zyn na mukhang hindi tinatablan si Heilm, kaya nag-isip siya nang paraan.
"H-Heilm... G-G-Gamitin mo... Ang deep slumber." Hirap man sa pagsasalita ay sinubukan paring magsalita ni Zyn. Nung una ay nagtaka pa si Heilm sa ibig niyang sabihin, pero nang ma realize niya ito ay tumango siya.
Kaagad na inilabas ni Heilm ang puting rosas sa kamay at nagsambit nang spell.
"Deep slumber." Katulad nga nang nangyari kanina ay kaagad na kumalat ang petals nito at nagkaroon nang ilaw sa buong silid. Bigla namang nabulag si Daikara sa sobrang liwanag nito, kaya napatakip siya sa mata niya. Nang may maisip si Heilm. Naglabas siyang muli nang isa pang rosas at nagsambit nang panibagong spell. "Illusional blood rose." Sambit nito at kaagad na nagkaroon nang mala kulay na dugo ang buong hall. Mga taong walang malay ay napapalibutan nang pulang likido bawat isa sa kanila.
Nang matapos ang liwanag ay napatingin sa paligid niya si Daikara. Laking gulat niya nang makitang lahat nang tao ay patay na. Napatingin siya sa dalawang babae na ngayon ay palabas na nang hall.
"Hindi niyo ako matatakasan!" Sigaw niya at sinubukang habulin ang dalawa. Pero nauna na ang mga ito sa likod ni Yokari. Laking gulat pa nang reyna nang makita ang anak. "Yokari?" Tawag nito, kaya nagkatinginan ang dalawa. "Ikaw ba 'yan anak?" Gulat na tanong nito, at nagugulat namang napatingin din si Yokari dito.
"Ina?" Sambit nito at kunot noong tiningnan ang mama niya.
"Anak mabuti nalang at maayos ka lang. Anak! Masasama ang mga taong iyan... Kailangan silang mawala dito, sisirain nila ang buhay mo." Sambit ni Daikara at itinuro sina Zyn, Celestair, Harris at Heilm. Kaya napalingon si Yokari dito. "Bini brainwash ka nila anak! Sinasabi nilang ako ang masama, pero ang totoo, sila itong nagtatangka sa buhay mo!" Paliwanag pa kuno nito.
"Ina." Usal naman ni Yokari at napatingin sa mama nito. Parang natatakot ang hitsura nito, pero nang lalapitan na ito nang ina ay napangisi ito, kaya napa atras si Daikara dito. "Ina mo." Halakhak nito, kaya napahakbang ang dalawang kasama ni Daikara at pumusisyon na parang pinoprotektahan si Daikara. "Sa tanang buhay ko, hindi ako nakipag kaibigan." Sambit ni Yokari. "Hindi ako nakipaglapit sa mga tao... Naging mapag-isa ako. At dahil iyon sa'yo." Hindi makapaniwalang sambit pa nito. "Sinabi mong masasama ang mga tao... Sinabi mo na hindi nila tayo tanggap... Sinabi mong sisirain nila ang buhay natin... Na papatayin nila tayo kapag nalaman nila kung sino at ano talaga tayo... Pero mama, mali kayo. Maling mali!
BINABASA MO ANG
Animenia: School Of Aura [Completed]
Genel KurguAno kaya ang mararamdaman mo kapag nalaman mong may kakambal ka sa isang dimensyong napaka layo sa reyalidad? Saksihan ang buhay nang isang dalaga na kinailangang palitan ang kapatid niya sa hindi inaasahang lugar at pangyayari.
![Animenia: School Of Aura [Completed]](https://img.wattpad.com/cover/216539499-64-k18653.jpg)