Chapter 3: Yes!

18 0 0
                                        

Des

Umuwi ako sa totoo lang. Nagtaka nga si mama kung bakit eh, pero idinahilan ko lang na masyadong madami ang dala ko at iiwan ko na ito. Buti nalang at naniwala siya kaagad sa sinabi ko. Pero ang totoo ay nalulungkot ako at nagi guilty at the same time. Alam ko naman kasing may hindi magandang mangyayari eh. Wala lang, ramdam ko lang ba't ba?!

Anyway, after eating my lunch, bumalik na ako sa school after saying my good byes to mom. Muntikan pa akong maiyak at pumiyok, buti nalang di ako tinraydor nang boses ko. Ang OA ko diba? Nagpaalam pa ako na medyo ma le late ako ngayon at pumayag naman siya kaagad. Kahit na sinabi ko na sa kaniya kaninang umaga HAHAHA!

Nang makarating ako sa school ay hindi na ako nagpakita pa sa kahit na kaninong kilala ko. Bagkus, ay tumuloy kaagad ako sa sinasabing lugar nung wirdong babae. Sa likod nang room ng Grade-7. Pagkarating ko ay walang tao, napakatahimik. Dagdag pa ang kawalan nang tao dito sa parte na ito nang school dahil nasa covered court ang lahat. Medyo nakakapangilabot nga eh. Umihip pa yung malamig na hangin, kaya lalong nagsitayuan ang mga balahibo ko. Napa hawak ako sa mga braso ko at hinaplos ito para mapainit ang sarili ko.

"Ugh... Tabi tabi po? May nuno po ba dito?" Tawag pansin ko, malay ko bang baka may natapakan na akong kung ano. Pero tumitingin-tingin pa ako sa paligid ko, kasi baka mamaya niyan, may kung ano na palang nagbabalak na saktan ako dito nang di ko alam. Mas ok nang alerto. "Andito na ako. Baka naman, puwede ka nang lumabas? W-Wala naman akong ibang kasama eh." Pagdadalawang-isip na saad ko.

Medyo inabot pa ako nang siyam-siyam sa kahihintay, at nang hindi siya magpakita, well, napagpasiyahan ko nalang na bumalik sa room.

Mukhang wala naman akong mapapala dito eh.

Naglakad na ako papalapit nang gate para sana umalis, pero nang itangka kong pihitin ito ay nabigla ako nang marinig ang boses niya.

"Ambilis mo namang magsawa sa paghihintay." Dahil sa ginawa niya ay bumilis ang kabog nang dibdib ko. Tuloy napatingin ako nang masama sa kaniya. "Ano ka ba naman? Nagiging magugulatin ka na this past few hours. Ok ka lang ba? Ba't kabado ka?" Dahil sa tanong niya ay napa irap lang ako. Nakaka inis 'tong babaeng 'to. Mukhang tao sa mula ay!

"Ano ba'ng dahilan mo at kailangan dito mo pa ako dalhin sa creeping lugar na ito." Tanong ko sa kaniya. I mean, sa lahat kasi nang puwedeng puntahan sa school, dito pa talaga sa lugar kung saan may bad experiences ako? Nakaka asar lang kasi. At 'wag nyo nang itanong ang bad thing na iyon, dahil kahit ako ay hindi makapaniwala sa mga nangyaring iyon.

"Relax ka lang ok? Andito ako dahil kailangan mong pumunta sa Animenia at gawin ang misyon mo doon." Sabi niya na nakapag pataas nang kilay ko. "Ok, ganito kasi 'yon. Si Silver Dessa kasi ay siya dapat talagang tagapagligtas namin. Pero may nangyari kasi eh, at bago ang lahat ay sinabi niya rin sa akin na ikaw lang ang tanging makakapalit sa kaniya sa Animenia. I mean, hangga't maaari ay doon ka na totally na tumira." Paliwanag niya na ikina nganga ko. Ano daw? Niloloko ba ako nang babaeng 'to?!

"A-Ano bang pinagsasasabi mo? Alam mo? K-Kung h-hindi ka s-s-seryoso sa mga sinasabi mo at kung niloloko mo lang ako ay b-bahala ka na diyan sa b-buhay mo." Sabi ko at tumalikod na. Lalabas na sana ako nang gate at iiwanan na siya eh, nang bigla itong sumara at hindi ko na mabuksan. Sinipa, sinuntok ko na. Wala parin.

Taena! Ang sakit nun ah?!

Ginawa ko na lahat, pero ayaw talaga pumihit nung gate. Kaya napatingin ako sa babaeng kausap ko kanina pa. Medyo nangilabot ako nang makita ko yung mukha niya. Nakakatakot! Yung mata niya ay kulay brown na at umiilaw pa ito. Yung kamay niya naman ay may usok na kulay brown din at nakalutang pa siya.
Dahil sa takot, ay nanginig ang tuhod ko at nawalan ako nang balanse. Naiyak ako at nagmakaawa.

Animenia: School Of Aura [Completed]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon