Des
"Aray ko naman!" Mangiyak-ngiyak ako sa sakit dahil sa lakas nang pagtama nun sa noo ko. Sobrang sakit, pero mas masakit hampas ni mama.
"Des ok ka lang ba?" Tanong sa akin ni Zyn, kaya napatingin ako nang masama.
Mukha ba akong ok sa lagay na 'to?!
"Mukhang hindi nga." Sabi niya at tinulungan akong tumayo. "Sino ba naman kasing walang awa ang gagawa nun sa'yo?" Tanong niya pa, kaya maski ako ay nagtaka rin.
"Ako yun. Bakit may angal kayo?" Sabi bigla nang isang babae na nasa harap namin. May hawak pa itong sandok.
Ambilis ha? O baka di lang namin siya napansin.
Dahil sa sobrang titig ko sa kaniya ay tinaasan niya ako nang kilay. Ang taray nang babaeng 'to ha? Akala mo naman kung sinong mayora kung umasta, mukha namang si lusyang.
"Tinitingin-tingin mo diyan? Ano'ng ginagawa mo dito sa dormitoryo ko? May bibisitahin ka ba? Hindi pa labasan nang mga estudyante ha? O baka naman nag cutting ka? Pero napaka imposible nun dahil ngayon lang kita nakita dito. Siguro isa kang taga labas.
Paano ka nakapasok dito? Hindi basta-basta ang mga taga labas na nakakapasok dito. Nag bakod ka ano? Sige, halika na at sasamahan na kita palabas dahil baka maligaw ka pa." Hinila niya na sana kami palabas nang dorm kaso hindi ko na napigilan yung sarili ko. Medyo naasar na rin kasi ako eh. Ang daldal niya pala, hindi naman alam yung mga sinasabi niya.
"Nandito po kami dahil transfer student po ako at sinulat po nang principal dito sa papel na ito na dito po ako tumuloy pagkatapos magpasukat nang uniform. Pero mukhang ayaw mo naman po, kaya kami nalang po ang lalabas at didiretso nalang po kami sa principal para sabihing uuwi nalang po ako dahil mukhang pinaghihinalaan nyo lang po kami." Nagtaray na talaga ako sa harap niya at hinila na si Zyn nang walang pasabi. Saktong nakalabas kami nang dorm nang tawagin kami nang matanda sa pinaka matinis na boses niya. Muntikan na akong mapatakip nang tenga ko dahil dito eh. Napalingon nalang din ako dito.
Lumapit siya sa amin at ngumiti, lalo na sa akin. Para siyang naging maamo bigla. Nadala siguro sa sinabi ko sa kaniya.
"Ganoon ba? Patingin naman ako nung papel? Baka kasi napagod na talaga kayo sa biyahe nyo. Mukhang hindi kayo taga rito eh. Tsaka, sakto nagluto ako nang tinolang baboy. Siguradong magugustuhan niyo. Tara na, pasok na kayo." Sabi niya, kaya napa irap nalang ako sa hangin. Siniko naman ako ni Zyn at tinignan ako nang umayos-ka kind of look, kaya pinilit kung ngumiti.
Ayun nga, pagkatapos naming magpahinga sa sala ay binigyan kami nang pagkain nung babae at pagkatapos ay hinatid niya kami sa magiging room ko kuno.
"Heto na. Room number 11. Andiyan na lahat nang kakailanganin mo. Yung uniform mo nalang ang kulang, kaya kung may kailangan ka man sa akin, may telepono diyan tawagan mo lang ako." Sabi niya at iniwan na kami ni Zyn sa kwarto matapos ibigay ang calling card nito. Nahiga naman si Zyn sa kama at para itong bata na atat nang matulog.
"Ang lambot nang kama mo Des. Parang mas malambot pa ito kesa sa kama sa bahay ay." Sabi niya at naupo naman din ako dito. Tama nga siya, masarap higaan o upuan ang kama dahil sa lambot nito.
"So simula bukas papasok na ako?" Tumango lang siya kaya napa buntong hininga ako. "Ikaw? Ano'ng gagawin mo?"

BINABASA MO ANG
Animenia: School Of Aura [Completed]
Ficción GeneralAno kaya ang mararamdaman mo kapag nalaman mong may kakambal ka sa isang dimensyong napaka layo sa reyalidad? Saksihan ang buhay nang isang dalaga na kinailangang palitan ang kapatid niya sa hindi inaasahang lugar at pangyayari.