Chapter 5: A Big Twist!

12 0 0
                                        

Des

Tahimik lang kami at ni isa ay walang nagsalita sa amin. Nakatingin lang kaming pareho diretso sa dagat, palubog na rin kasi ang araw kaya ang gandang tignan nito. Naalala ko din naman yung isa kong kaibigan sa tunay na dimensyon na mahilig hiramin ang cp ko para mag picture nang kung ano-ano. Kaya nilabas ko yung cp ko at inanggulo ito nang maayos, tapos pinicturan ko ang view. Maganda ito, nakakatuwa nga eh. Paniguradong magugustuhan niya ito.

"Hindi mo sinabing mahilig ka palang mag picture nang kung ano-ano." Sabi ni Ushijima-san kaya napatingin ako sa kaniya.

"A-Ano... K-Kasi..." Bwisit na boses! Na stuck na sa lalamunan ko!

"Dessaaaa!!!" Napaigtad ako sa sobrang lakas nang boses na tumawag sa akin. Nakaka bingi pa! Sino ba yun?!

Nang lingunin ko ito ay si Zyn lang pala, kaya napakunot ang noo ko at nagtaka naman ako kung bakit siya nandito. Kilala kaya siya ni Ushijima-san?

"Buti nakita kita kaagad. Konnichiwa Ushiwaka-san (Hello Ushiwaka-san)." Bati niya rito at napatingin lang siya sa aming dalawa ni Zyn. Naguguluhan siguro siya.

"Siya si Zyn. Kaibigan ko ani (older brother)." Sabi ko at napatango lang ito. Ngumiti naman sa kaniya si Zyn, pero kita sa mata nito ang pagmamadali. "May problema ba?" Pabulong kong tanong sa kaniya.

"Pwede ba kitang makausap? Malayo sa kaniya at sa lahat nang mga tao dito." Sabi niya at hinihila na ako, hindi naman halatang nagmamadali siya eh ano?

"Tungkol saan ba kasi?!" Halos napalakas na yung boses ko, kaya napalingon si Ushijima sa akin. Naku po! Naloko na. "A-Ahhh HEHEHE. Wait lang po ha? May kailangan lang siyang sabihin sa akin eh. Balik ako kaagad pagkatapos. Tara na." Sabi ko at hinila na kaagad siya para hindi na maghinala yung huli.

Nang makalayo ay hindi na ako nag-aksaya pa nang oras at tinanong siya kung bakit siya biglaang nagpakita. I mean, hello? Pagkatapos niya akong iwanang bigla doon kanina, magpapakita siya sa akin?! Nakakabaliw lang kasing isipin eh.

"Ang totoo niyan... Aish! Hindi ko alam kung paano ko ito sasabihin eh!" Natatarantang saad niya, kaya napataas ang kilay ko. "Kasi... Ano... Y-Yung bato... Y-Y-Yung bato..."

"Ano ba kasing bato? Kanina ka pa bato nang bato. Gusto mong batuhin kita nang bato?" Naiinis na tanong ko sa kaniya, kaya naman ay namutla siya kaagad. Ano ba naman yan?! Nanti trip lang ata tong babaeng 'to ay?

"Yung-pinakamalakas-na-bato-ay- nabalitaang-nawawala-at-iniisip-ko-na-baka-kinuha-iyon-nang-mga -masasamang-loob-at-ngayon-ay-hindi-ko-na-alam-kung-papaanong-hahanapin-at-walang-ibang-makakalam-nun-kundi-ikaw-lang-kaya-ako- nandito-ay-dahil-doon." Tuloy-tuloy na sabi niya. Wow! Daig niya pa rapper doon ha? Pero what? Ano daw? Napanganga nalang ako dahil sa narinig ko. Wala akong naintindihan eh!

"Ugh... Ano yun?" Nakanganga paring tanong ko, ngayon ay nakakunot na ang noo. Wala talagang pumasok sa utak ko. She mumbled something na nakapagpa igting nang tenga ko. "Wow ha?! Kahit naman siguro sino hindi maiintindihan ang ganung uri nang pagsasalita eh. Daig mo pa mama ko tuwing umaga." Sabi ko sa kaniya habang umiirap sa hangin.

"Sorry na. Ang taray mo naman ngayon. Ganito kasi yun... Akala ko kasi ay wala tayong po problemahin ngayon, dahil nga sa wala pa namang nakaka alam na nandito ka na, eh ang kaso may dumating na problema at ikaw lang ang makakagawa nito, bilang si Silver." Inaamin kong medyo kinakabahan ako sa mga naririnig ko ngayon, pero baka nga naman makatulong ako diba? Isa pa, ako ang ipinalit sa pwesto nang kung sino mang tinutukoy niya bilang ako daw sa mundo nila.

Animenia: School Of Aura [Completed]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon