Chapter 39: Silhouette

0 0 0
                                    

Zyn
The Day After~

Maraming mga katanungan ang hanggang ngayon ay hindi pa rin nasasagot, para sa akin. Isa na doon ay kung talaga nga bang buhay pa si Dessa o tuluyan na nga siyang nabura sa paningin nang lahat. Ngayon, bagong umaga nanaman ang nagpamulat sa mata ko, at kahit anong pilit kong paglimot ay hindi pa rin nawawala sa isipan ko ang mga tanong na nagpapasakit lang nang ulo ko lalo.

Tumayo na ako at hindi na nag aksaya pa nang oras. Alam ko naman kasing isa nanaman 'tong araw nang paghahanap, ano pa nga bang bago? Kaya naligo na muna ako. Nagbihis na rin, bago ako lumabas nang kwarto at pumunta sa Dining Area kung saan kami nag-uusap nina Celestair at Yokari. Ang akala ko makikita ko sila dito dahil lagi ko naman silang nadadatnang nauuna dito, pero ngayon ay wala sila. Walang katao-tao dito at sobrang tahimik.

"Ano kayang nangyayari? Bakit wala sila?" Usal ko nang mapansin ang sobrang katahimikan sa paligid. Wala din kasi ang mga katulong dito, kaya tatlo nalang kaming natira sa eskwelahan na ito. By the way, nasa ibang building kami, kung saan bahay ni Celestair ito. Nasa tabi nang building na ito yung school.

Anyway, naisipan kong puntahan na sana ang school, pero may napansin akong bagay na nakadikit sa upuan ko. Isang sticky note. Kinuha ko ito at binasa.

Mauuna na kami sa'yo, pasensiya na. Hindi ko kasi mapigilan si Yokari eh. Nagmamadali na siya. Ewan ko kung bakit. Sumunod ka nalang.

-Celestair

Dahil sa nabasa ko ay napa irap nalang ako sa hangin. Hindi ko parin kasi maintindihan kung bakit hanggang ngayon ay hindi parin mapigilan ni Yokari ang sarili niya. Araw-araw nalang, lagi siyang nauuna, kung hindi man, mangungulit sa amin na sumama na sa kaniya para mahaba-haba ang araw nang paghahanap. Palibhasa kasi hindi siya napapagod, dahil kaya niya ang Yin's stillness, na dahilan nang hindi niya pagkapagod.

Hindi ko na rin naman inaksaya pa ang oras ko at basta nalang na lumabas nang school. Syempre, siniguro ko munang walang aaligid dito habang wala kami, kaya sinarado ko lahat nang pinto at ginamitan ko nang mahika para masigurong wala ngang makakapasok dito. Matapos niyon ay tuluyan na akong umalis para sundan ang dalawa kong kasama. Pero nang makatapak sa labas nang gate nang school ay nakaramdam ako nang kakaiba.
Kaagad na nagsitayuan ang balahibo ko at nagdulot iyon nang agarang paggising sa natitira kong tulog na sistema. Napalingon-lingon ako sa paligid, pero wala eh, wala akong nakita kahit na ano.

"Spacial awareness." Sambit ko sa pinakamahina kong boses at kaagad na naramdaman ko nang mas malalim ang paligid. Sinuri ko ang bawat sulok na mahahagilap ko, pero wala talagang tao. Walang kahit na ano mang makakapagparamdam sa akin nang kakaiba. Kaya nagtataka man, ay kaagad na akong lumisan.

Tinatakot ko kasi ang sarili ko eh!

Sita ko sa sarili ko at napa 'tch!' nalang sa hangin. Sakto namang may dumaang tren nang makalabas at makarating ako sa waiting shed, kaya hindi na ako nag aksaya pa nang oras at kaagad na sumakay. Hindi naman ako inabot nang oras sa biyahe, dahil medyo may kabilisan ang tren ngayon eh. Hindi katulad nung huli kong pagsakay dito. Kaya sa huli, kalahating minuto lang ang naging biyahe ko. Kaagad akong bumaba nang magbukas ang pinto nito at ginamit ang Spacial Awareness para mahagilap ko sila Yokari at Celestair. Nalaman ko na nasa park ulit sila, kaya dumiretso na ako doon. Sakto! nakita ko silang bumibili nang ramen, kaya tinawag ko sila.

"Oi! Yokari! Celestair!" Kaway ko sa kanila at napatingin naman sila sa akin.

"Tagal mo naman ata?" Tanong kaagad ni Yokari nang huminto ako, kaya napanguso nalang ako sa tanong niya.

Animenia: School Of Aura [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon