Chapter 2: First Game!

14 0 0
                                        

Des

Grabe! Bakit ganoon? Mukhang matatalo pa kami dito ah. Ang gagaling nang mga kalaban namin. Pati pag spike nila, daig pa yung mga nakaka praktis ko. Ang hirap i receive, tsaka lugi kami, mas marami silang palo samantalang kami ibabalik lang kapag na receive na. Kainis! Gusto ko pumalo at bumawi, but even in serving, I suck. Isa pa, libero lang ako, kaya all I can do nalang ngayon is to receive. That is the only thing I can do for the team.

"Ok lang yan guyz, bawi tayo!" Sigaw ko. Kahit na maingay ang paligid dahil sa dami nang tao at daldalan ay nilakasan ko nalang ang boses ko para marinig nila. Pero tiningnan lang ako nang masama ni Lea at mukhang hindi niya nagustuhan ang sinabi ko. Ngumiti nalang ako, pero ang totoo ay naiinis ako. Hindi man lang kasi nakisabay amp!

"Akin yan!" Sigaw ko at na kuha ko naman ang bola, naibalik ko ito, at buti nalang ay hindi nakuha nang kalaban ang bola kaya naka score na kami.

"Ayus!/Yes!" Sigaw naming lahat.

"Ok, isa nalang panalo na tayo!" Sigaw ni ma'am, kaya napanatag ang loob ko. "Des! Ikaw ang mag se serve! Halika dito!" Saad ni ma'am.

"Kaya mo Yan, ikaw- Eh?!!" Nagulat ako. Ako ang mag se serve?! Yung totoo? Wala pa akong matinong pasok simula kanina! Bakit ako?!

Nanginginig ang tuhod ko habang papalapit kay ma'am. Naku lagot! Lagot talaga ako!

"Des, isang-isa nalang. Ayusin mo, pag naipasok mo yan, panalo na tayo. Kaya ayusin mo please." Na pressure ako dahil sa sinabi ni ma'am.

"Des ganito ang gawin mong serve!/ Ganito oh?/ Ganito gawin mo!" Halos sabay-sabay na sabi nang mga kaklase ko, kaya napasinghap ako nang hangin. Inhale... Exhale...

Tumunog na ang pito. Kahit kinakabahan ay nag serve ako. Diretso ang serve, ayos! Diretso ang serve!

"Pumunta ka na doon Des! Dali!" Nataranta ako, kaya tumakbo na ako sa pwesto ko sa kanan, pero nang makapuwesto na ay narinig ko ang tilian at sigawan nang lahat. Parang nabingi ako.

Wag mong sabihing-? Talo kami? Tapos na?

Nag panic ako. Nanginginig yung kamay ko. Kinakabahan ako. Halo-halong ekspresyon ang nararamdaman ko. Pero nang makita ko ang score. Lamang kami. Teka... Ano?! Lamang kami. Lamang kami! Panalo kami!

"Yes! Panalo!" Napatalon-talon ako sa sobrang tuwa. Akala ko talaga talo na kami. Lumapit na kaagad ako sa buong team namin at andaming mga positive na nasabi sa akin.

"Nice one Des. Ang galing nung huling serve mo." Sabi ni ma'am sa akin, kaya nag 'thank you' ako.

"Naks naman Des. Galing mo." Si Ysidro.

"Thanks." Sabi ko, at kahit nanginginig ang tuhod ko, ay pinilit kong tumakbo pabalik sa room. Nang makarating sa room, ay uminom kaagad ako nang tubig para mapawi ang uhaw na kanina pa na stuck sa lalamunan ko.

Wala namang tao sa loob nang room maliban sa akin, kaya natahimik din ang room saglit. Tuwang-tuwa sila, dahil sa pagkapanalo namin kanina. May sumunod pa namang laban, ibang sport naman iyon pero todo suporta ang lahat sa team, lalo na ang team namin. Kaya nagpahinga muna ako dito sa room. Tahimik naman eh, kaya makakapag pahinga na rin ako. Naupo ako sa isang arm-chair at sumandal dito. Napapikit na ako dahil sa pagod nang biglang...

"Ang galing nung huling tira mo ah?" Muntikan pa akong mahulog sa kinauupuan ko. Bigla akong napatayo dahil sa gulat. Ang bilis nang kabog nang dibdib ko.

Ano ba naman itong babaeng 'to?! Manggugulat pa nang gano'n!"

Sabi ko sa sarili ko at tumingin nang masama sa kaniya.

Animenia: School Of Aura [Completed]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon