Des
"Hindi ka taga rito tama ba?" Nagulat ako sa tanong niya, pero hindi ko iyon pinahalata at yumuko lang ako.
Paano niya nalaman?! O baka naman ang tinutukoy niya ay hindi ako taga rito sa lugar na ito.
"Ano'ng ibig mong sabihin?" Tanong ko sa kaniya, medyo nahimasmasan na. Pero kinakabahan parin ako nang sobra.
"Alam kong alam mo ang ibig kong sabihin." Sagot niya kaya napakunot ang noo ko. "Pero kung magmama- ang maangan ka..." Sabi niya at naglakad papalapit sa akin, kaya napa atras ako. Natatakot na baka may gawin siyang hindi maganda sa akin. Pero nang may ikalimang hakbang ko ay napasandal nalang ako sa pader na kinatatayuan ko.
Dead end na 'to! Paktay na!
Sobrang lapit namin at siguro tatlong dangkal nalang ang layo namin sa isa't-isa. Nailang ako at hindi nakakilos. Tinitigan ako nito sa mata pero hindi ako nagpatalo. Tinitigan ko rin siya kaya sa huli ay napabuntong hininga nalang ito na lumayo sa akin.
"Malakas ang loob mo pagdating sa titigan, pero sa totoong bakbakan wala kang laban? Hindi ko alam kung duwag ka ba talaga o naghihina hinaan lang." Pagsasalita nito at tinitingnan ko lang naman ito. "Malakas ka naman sana, pero bakit hindi mo gamitin ang lakas mo? Takot ka ba? Para saan? Na baka makasakit ka? Makadamay nang mga inosenteng tao? O baka naman... Hindi mo pa kontrol ang lakas mo-"
"Bakit ba kasi nangingi-alam ka pa sa buhay nang iba kung may sarili ka namang buhay?! At kung magsalita ka eh daig mo pa yung kasama ko sa pagkakakilanlan sa akin?! Bakit? Ganoon mo ba ako kakilala? Ganoon na ba tayo katagal na magkakilala-"
"Sa ngayon hindi pa, pero kapag tumagal mas makikilala na kita."
"Kung gano'n bakit ganiyan ka kung umasta? Ano ba'ng meron sa akin at palagi nalang akong nilalapitan nang mga katulad mong gulo?" Tanong ko at natahimik siya. Napasinghal nalang ako sa naging asal niya. "Sumagot ka, tinatanong kita!" Galit na saad ko. "Bakit ako? Sa dinami-dami nang mga esyudyante dito?" Kahit naman hindi ko na sabihin ay alam kong alam niya ang ibig kong sabihin sa tanong na iyon.
"Dahil ikaw lang ang nakilala ko na naglakas loob na kausapin ako-"
"Hindi ako kuntento Yokari! Kahit yung mga bagong estudyanteng magta transfer dito ay ganoon din ang gagawin!"
"Dahil sa'yo ko lang naramdaman ang kakaibang awra na masasabi kong makakatulong sa akin!" Natameme ako at umurong bigla yung dila ko sa sinabi niya. Or sigaw nga ba yun? Nakatingin siya sa akin nang seryoso. "Simula nung unang beses na kausapin mo ako ay iba na ang naramdaman ko sa'yo! Naramdaman ko ang lakas at presensiya mo Dessa! Kaya ngayon tatanungin kita. Normal na tao ka lang ba talaga? O baka naman katulad din kita na nakikisama lang din sa tao ngunit naiiba?" Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa mga sinasabi niya ngayon sa akin. Naninibago ako sa kaniya. Hindi siya yung Yokari na nakilala ko kanina. Iba na ang awra niya, at ramdam ko ang pagiging sinsero niya sa bawat sinasabi niya.
Pero pwede ko ba talagang sabihin ang totoo? Paano kung hinuhuli niya lang talaga ako sa akto?
Nagdadalawang-isip ako kaya napailing-iling ako at hinampas ang mukha ko nang makabilaang palad. Napabuntong hininga siya at umatras.
BINABASA MO ANG
Animenia: School Of Aura [Completed]
Fiksi UmumAno kaya ang mararamdaman mo kapag nalaman mong may kakambal ka sa isang dimensyong napaka layo sa reyalidad? Saksihan ang buhay nang isang dalaga na kinailangang palitan ang kapatid niya sa hindi inaasahang lugar at pangyayari.
![Animenia: School Of Aura [Completed]](https://img.wattpad.com/cover/216539499-64-k18653.jpg)