Third Person
"Ano?! Pumalya ka?!" Galit na saad nang reyna habang napapahiyang yumuko ang taong nasa harap nito. "Hindi ko inaasahang ganito ang mangyayari sa'yo Kirai. Ikaw ang isa sa mga malalakas kong tauhan, pero binigo mo ako." Saad nito pero walang naging sagot ang huli dito. "At ano naman ang dahilan mo sa iyong pagkakamali?" Tanong pa nito kaya habang nakayuko ay sumagot ang huli.
"Hindi ko po alam kung paano nangyari iyon, pero mukhang hindi lang po siya ang nag-iisa sa eskwelahan na iyon na may itinatagong kapangyarihan." Saad nito kaya napataas ang kilay nang reyna. "Nahirapan po ako dahil dalawa po silang nakalaban ko, although si Silver lang po ang nakita ko. Nakaramdam din po ako nang isa pang enerhiya." Saad naman nito kaya ibinagsak nang reyna ang kamay nito sa trono.
"Napaka imposible! Dahil maski ang anak ko ay hindi man lamang nagagamit ang sariling kakayahan doon! Kaya papaano mo nasabi na may isa pang awra doon?!" Nagtatakang tanong nito.
"Iyon po ay isang malaking katanungan para sa akin kamahalan." Sagot naman ni Kirai, kaya nagtitimping napasinghap ang reyna.
"Magpahinga ka na muna sa ngayon. Hokaku, ikaw na muna ang magmatyag sa babaeng yun. Alamin mo ang lahat nang patungkol sa kaniya." Utos niya sa heneral na ikinayuko naman nang huli. "Ipapakita ko sa kaniya kung sino sa aming dalawa ang mas malakas ngayon." Napangisi ito nang ubod nang sama habang ang dalawa naman ay tumayo na at naghiwalay nang landas.
Pero kahit na madaming iniisip ay hindi niya maalis sa isipan ang sinabi sa kaniya ni Kirai.
"Nakaramdam din po ako nang isa pang enerhiya."
Napapa-isip siya kung kaninong galing iyon, samantalang sa pagkaka alam niya ay ayaw ni Dessa nang tinutulungan siya.
Gusto ni Dessa na palaging mapag-isa at kahit na konting tulong ay tinatanggihan niya, kaya papaanong may tumulong sa kaniya? Pero kung hindi man nakita ni Kirai ang taong iyon, posible kayang hindi rin naramdaman ni Dessa yun?
Naisip niya rin na baka ang anak niya ang tumulong dito pero narealize niya na wala palang pakialam ang anak niya sa lahat nang bagay at ayaw nitong ginagamit ang kapangyarihan niya. Masyado kasing masama ang kapangyarihan nang anak niya to the point na natatakot na silang makita ito. Kaya binuhay niya ito na parang isang normal na tao, kahit na lumaki ito sa palasyo nila.
Pero kung hindi ko man matatalo si Dessa ay paniguradong ang anak ko ang tatapos sa kaniya.
Napangisi siya sa naisip at mukhang maayos na ang lahat para sa kaniya. Ramdam niya ang pagkapanalo niya kaya kampante siya sa lahat nang gagawin niya.
"Ang kailangan ko nalang gawin ay kausapin siya at paniguradong aayon ang lahat sa plano ko. HAHAHA!" Tumawa ito nang napaka sama at ramdam nang lahat ang masamang balak nang reyna kaya nakaramdam sila nang takot.
(At Shiratorizawa Academy)
"Ano ba 'yan? Ilang beses ko bang sasabihin sa'yo na kapag kaliwa ang ginamit ko kanan ang gamitin mo at vise versa?" Saad ni Yokari habang si Dessa naman ay nakayuko at pinagpapawisan na.
"Ang bilis mo naman kasing kumilos eh! Hindi ko mahabol o masabayan man lang!" Daing naman ni Dessa habang naiinis na. Kanina pa kasi siya nasasaktan at ni kahit isang beses ay hindi niya man lang nahawakan si Yokari.
BINABASA MO ANG
Animenia: School Of Aura [Completed]
General FictionAno kaya ang mararamdaman mo kapag nalaman mong may kakambal ka sa isang dimensyong napaka layo sa reyalidad? Saksihan ang buhay nang isang dalaga na kinailangang palitan ang kapatid niya sa hindi inaasahang lugar at pangyayari.
![Animenia: School Of Aura [Completed]](https://img.wattpad.com/cover/216539499-64-k18653.jpg)