Chapter 34: A Ninja's Place

1 0 0
                                    

Yokari

Hindi ko sukat akalain ang madadatnan ko sa ganitong klaseng lugar. Hindi naman kasi lapitin sa gulo ito, lalo pa at tago ang lugar na ito. Isa pa, may malakas na mahikang nakapaligid dito, pumo protekta sa lugar na ito. Pero hindi ko inaasahan na madadatnan naming magulo ang lahat. Hindi ko ini expect ang lahat.

May mga sirang parte ang school. Mga punong natumba, at ang mas nakaka alarma, ay iyong sunog dito sa garden. Noong una, akala ko simple lang ang sunog na ito at hindi sinasadya, pero matapos makita si Dessa na walang malay, nagbago ang pananaw ko.

"Yokari! Ano ba?! Kanina pa kita tinatawag!" Nagising ako sa ulirat nang sigawan ako ni Zyn. Hindi ko kasi inaasahan ang mga nangyayari ngayon. Walang umaasa na ganito ang magiging sitwasyon.

"Ano ba kasi ang nangyari?" Tanong ko sa lalaking nasa harap ko. Ngayon ko lang siya nakita, pero pamilyar sa akin ang hitsura niya sa kakaibang paraan.

"Nabigla kami... Mga masasamang loob... Bigla nalang umatake." Sagot nito sa akin at mukhang hindi parin tuluyang gumagaling ang sugat na ginagamot ni Zyn. Dumadaing pa rin kasi ito. Napatingin naman ako kay Dessa na hanggang ngayon ay wala pa ring malay. "Tinulungan niya ako... Imbes na ako ang tatamaan... Siya yung..." Hindi niya maituwid ang mga sinasabi niya, pero alam ko ang ibig niyang sabihin.

"Pwede mo po bang isalaysay lahat nang nangyari bago ito?" Hindi ko alam kung bakit kailangan pang mag po ni Zyn samantalang mas bata pa nga ata sa amin yung lalaki eh.

Flashback~

Nakahiga si Celestair matapos ang pagpapahinga sa laban nilang dalawa ni Dessa, habang ang babae naman ay naupo sa tabi nito. Nag-uusap lang sila about sa laban nila kanina at paminsan-minsan ay nagsasabihan nang mga negative at positive side sa mga laban nila. Bigla namang napasok sa usapan ang patungkol sa kagustuhan ni Dessa na makipaglaban sa mas malakas pa sa kaniya, kaya humaba ang usapan nila.

"Sa ngayon, kailangan mo pang magpalakas." Sambit ni Celestair, kaya napanguso si Dessa.

"Hindi mo naman kailangang ipamukha sa akin na mahina ako ano." Sagot naman nang babae, kaya natawa ang lalaki dito.

"Nga pala... Tungkol sa pinakamalakas na bato... May nalaman ako." Usal ni Celestair, kaya napatingin sa kaniya ang babae. Tumayo na ang lalaki at hinarap ito."Iniisip nang lahat na isang bagay iyon, pero-"

"Umilag ka!" Kasabay nang pagtayo ni Dessa ang pagtulak nito sa kasama, kaya natumba si Celestair at nagulat nalang nang makita si Dessa na patumba na rin, kaya bago pa ito tuluyang tumama sa sahig ay sinapo na niya ito at gumamit nang Angelic Shield, upang masangga ang kung ano mang dahilan ng gulo.

End of Flashback~

"Paano naman humantong sa ganito kagulo ang lugar na ito?" Tanong ko kaagad matapos marinig ang buong kwento. Hindi kasi ako kuntento sa paliwanag niya.

"Bigla kasing may mga lumitaw mula sa kawalan at tumira kung saan-saan, pagkatapos ay umalis na parang wala lang." Sagot pa nito sa akin, kaya napatango ako. Mukha namang nagsasabi siya nang totoo, kaya lumapit na ako kay Dessa. Hinawakan ko ito sa ulo at ginamitan nang mahika. Cure of Darkness, isa sa mga paraan para pagalingin ang may mga ganitong sitwasyon. Pero medyo delikado ito dahil sa kadilimang taglay nito, at tatlo lang ang posibilidad na mangyari. Una, gumaling nang tuluyan ang binigyan nito. Pangalawa, tuluyang maging masama ang pinaggamitan. Panghuli, maaaring ikamatay nang pinaggamitan ito. At ang pinaka ayaw ko ay ang pangalawa.

Animenia: School Of Aura [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon