Chapter 35: Searching For Her

0 0 0
                                        

Yokari

Matapos ang araw na nawala si Dessa, ay hindi na namin siya nakita pa. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko sa totoo lang. Magagalit ba? Malulungkot? Magi guilty? O kung pwede ngang pagsamahin lahat ay baka naramdaman ko na lahat 'yan. Hindi kasi ako makapaniwala na mawawala si Dessa, lalo na sa school kung saan hindi basta-basta nakakapasok ang mga masasamang tao. Isa pa, kahit naman siguro si mama ay hindi niya kayang pasukin ito dito, dahil hanggang ngayon ay nananatili parin ang kapangyarihan ni Silver na pumoprotekta dito. Pero kung nagawa man niyang manloob katulad nga nang ibinibintang ni Zyn, ay hindi ko talaga mapapatawad ang sarili ko.

"May pupuntahan lang ako... Hindi ko alam kung matatagalan ako, pero kung ganoon man wala kayong dapat na ipag-alala." Sambit ko at tumayo na mula sa kinauupuan ko, at hindi na hinintay pa ang sagot nilang dalawa ni Celestair.

Si Celestair, nalaman ko na siya pala ang pumalit sa dating dean dito, dahil ina niya pala ito, pero mas namukhaan ko siya dahil sa ama niya. Pareho kasi ito nang kilay at mata, the rest, siguro sa mama niya na nakuha. Anyway, nang makalabas ako nang office ay dumiretso ako sa garden. Hindi ko na talaga kasi kayang tiisin ang nararamdaman ko, kaya para sa ikaka kalma ko, minabuti ko nalang na pumunta dito. Pero maling desisyon pala ang ginawa ko, dahil nang makarating ako dito ay bigla kong naalala na dito ko pala huling nakita si Dessa. Wala akong nagawa kundi suntukin ang pader na nasa tabi ko at nag cause naman ito nang crack. Hindi ko na ito pinansin, dahil nananaig talaga yung galit ko.

Subukan ko kaya siyang hanapin ulit?

Bigla kong naisip, kaya napalingon-lingon ako sa paligid at nang masiguro ko na walang kahit na sinong pipigil sa akin, ay gumamit kaagad ako nang warp para makaalis. Wala na akong pakialam kung saan man ako dadalhin nitong warp. Ang importante, makita ko na siya. Magda dalawang linggo na rin kasing hindi siya nagpapa ramdam. Sabi pa nga ni Zyn, baka ikinulong siya nung kumuha sa kaniya. Sabi naman ni Celestair, baka pinapahirapan na siya ngayon ni mama. Pero ang mas ayaw naming isipin, ay baka wala na siya, patay na, dahil sa kapangyarihan niya, kaya hindi kami tumigil sa paghahanap hanggang sa mapagod kami at magpahinga na muna. Naipasok na namin sa isipan namin na baka nga wala na talaga siya, pero mayroon parin kasi sa loob ko na nagsasabing buhay pa siya at magtiwala lang... Maghanap lang kumbaga.

Maayos naman ang kinalabasan nang warp ko, dahil iniluwa ako nito sa isang ally na walang katao-tao. Kaya inayos ko ang sarili ko at pinagmukhang casual lang ang damit ko na parang gagala, baka kasi mamaya eh kung ano pa ang isipin sa akin nang mga tao. Kaya katulad sa school, ay umakto lang ako na parang isang normal na tao at naglakad palabas nang ally. Nang makalabas ako ay tiningnan ko muna ang magkabilang daanan ko at nakiramdam. Maaaring malaki nga ang posibilidad na hindi ko siya makita dahil hindi ko nararamdaman ang awra niya, pero napakalaking tulong niyon sa akin dahil kailangan ko lang hanapin ang mga taong mahirap makita ang awra at kikilatisin ko sila. Kapag natapos na ay paniguradong, isa sa kanila ay si Dessa.

Naging maingat ako, yumuyuko ako sa tuwing papakiramdaman ko ang isang tao, para hindi ako mapansing may ginagawang unusual. Sa ilang beses ko namang pagmamasid ay nagulat ako nang may pulis na lumapit sa akin.

"Bata?" Tawag sa akin nito at pinilit ko talagang hindi makipag eye contact sa kaniya, para pakalmahin muna ang sarili ko at nang maging normal ulit ang mga mata ko.

"Po? May problema po ba?" Kaagad ko siyang tinignan at ngumiti na parang wala akong kaalam-alam sa mga nangyayari.

"Wala naman... Kanina pa kasi kita napapansing yumuyuko... May hinahanap ka ba?" Tanong nito at napa isip naman ako, na baka nakita niya si Dessa at mas mapapadali nito ang trabaho ko.

Animenia: School Of Aura [Completed]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon