Chapter 43: A Heart of a Guardian Deity

0 0 0
                                    

Third Person

"Wala kang karapatang saktan ang mga kaibigan ko." Saad ni Ino na ngayon ay nagngangalit habang nakatingin kay Daikara. Kasabay nito ang pagkaroon nang malakas na pagsabog at ang pagbagsak ni Daikara sa tubig dagat.

Napatalikod naman siya dito at hinarap ang dalawang taong mahalaga sa kaniya. Sina Yokari at Heilm na hanggang ngayon ay wala paring malay.

"YinYang's resurrection." Sambit niya at ang kamay niya ay nagkaroon nang awrang magkaiba ang kulay. Hinawak niya ang kanang kamay kay Heilm at ang kaliwa kay Yokari. Sa pamamagitan nang kulay nang awra nito ay nagkaroon nang kakaibang daloy nang kapangyarihan sa dalawa na kaagad na ikinagising nila habang hinihingal. "Maayos na ba ang pakiramdam niyo?" Tanong nito sa dalawa, kaya napatingin sila dito.

"Guardian Deity?! Kayo po pala!" Kaagad na yumuko si Heilm at nagbigay galang sa kaharap nang makilala ito. "Salamat po sa pagbibigay muli nang lakas sa akin." Sambit pa nito, habang si Yokari naman ay hindi alam ang gagawin. Nakatulala lang ito at nakatingin sa babaeng kaharap. Hindi siya lubos na makapaniwala sa nakikita niya.

"Totoo ba ito?" Tanging naitanong niya lang. Tutok na tutok siya sa babaeng kaharap ngayon at walang ibang masabi. Hindi parin kasi siya lubos na makapaniwala sa mga nangyayari at sa mga nasasaksihan niya. "Dessa?" Tawag niya pa dito at hinawakan si Ino sa kamay, dahilan upang kaagad siyang sipain ni Heilm at napaluhod siya.

"Huwag mo siyang hahawakan! Wala kang karapatan!" Inis na saad ni Heilm at napatumba naman si Yokari. "Pagpasensyahan mo na siya Ino... Hindi niya alam kung sino ang kaharap niya." Paliwanag pa nito, pero galit lang siyang tinignan ni Yokari. Tinangka pa sana nitong ulitan ang huli, pero pinigilan siya ni Dessa sa pamamagitan nang pagtaas nang kamay nito. Nang tignan niya ito ay nakangiti ito. "Ino?" Tawag niya dito.

"Huwag na tayong magsakitan... May kalaban pa tayo." Mahinhing sabi ni Dessa at umalis na para makipaglaban. "YinYang's judgement!" Sigaw nito at itinaas ang kamay, may namuo naman sa langit na pabilog at pababa ito sa kamay ni Dessa. "Calamity stroke!" Nang isigaw ni Dessa ang spell ay kaagad niyang itinutok kay Hokaku ang palad na naging sanhi nang pagbugso nang hangin. Daig pa ang bagyo sa sobrang lakas nito at ang kalaban ang pakay nito.

Kahit subukan din ni Hokaku na tumakas at umilag, ay nagagalusan parin siya sa kadahilanang kumakalat ang hangin at hindi rin maipagkakailang matatalim ito.

"Tapos ka na!" Sigaw ni Kirai mula sa likod ni Dessa, pero mabilis na nailagan nang guardian deity ang patalim niya at hinawakan siya nito sa leeg.

"Ara Ara (Oh my)? Wrong move ata yun?" Mahinhin paring sambit ni Dessa, kaya galitsiya tinignan ni Kirai. "You know... I can spare your life if you want. Pero kailangan mo munang ipangako sa akin na hindi ka na mgiging masamang Animenian." Sabi pa nito sa babaeng kausap, pero inirapan lang siya nang huli.

"Maaaring i-ikaw nga ang... Nagtataglay... at... nakaka kontrol s-s-sa pinakamalakas na b-bato, p-pero sa oras na mapasakamay na ni Reyna Daikara 'yan... W-Wala ka nang laban sa kaniya!" Hirap man sa pagsasalita, ay pinilit parin nitong sabihin ang saloobin niya.

"Hmm~" Nanghihinayang na napatingin sa langit si Dessa. "Pero kahit kelan ay hindi mapapasa kaniya ang awra nang isang guardian deity. Kahit si Yokari na pinakamalakas sa inyong lahat, ay hindi iyon magagawa. Kahit pa lahat nang may kakaibang awra ang magtulungan, ay walang mangyayari." Paliwanag niya, kaya kunot noo siyang tiningnan nang lahat. Binalibag niya si Kirai papunta sa pwesto ni Hokaku, at sinadya niya iyon, dahil alam niyang sasaluhin nang lalaki ang kasama nito.

Animenia: School Of Aura [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon